Wow! Mahirap po ba maging isang web freelancer?? madami kasi diba ka compete pagdating jan.. ano po ba yung freelancing mo today as sideline po ba at current employed ka pa din sa isang company
Full-time freelancer. Nagresign ako sa company ko 6 years ago para magshift from part-time to full-time freelancing. Currently, exclusive akong nagwowork sa isang client lang, so parang employed na rin ako.
Kung developer/programmer ka, hindi naman ganun kahirap makahanap ng client lalo na kung mataas ang demand sa skills na meron ka.
Sa freelance, hindi na tinitingnan kung ano natapos mo or kung gaano ka na katanda kapag naga-apply ka for programmer/dev job. As long as you can prove to the clients that you have the skills needed for the job, you will get hired.
- - - Updated - - -
May nagPM na nagtatanong tips sa freelancing. Bakit pa sasarilinin via PM kung pwede namang i-post dito.
Yung interesado sa freelancing, may isang thread dedicated para sa oDesk/Upwork dito: http://www.symbianize.com/showthread.php?t=333859 . Sa oDesk ako nagsimula sa online freelancing.
Mga tips balak magfreelance programmer (foreign clients)
- charge according to your skills. Hindi dahil bago ka lang sa freelancing ay dapat magsimula ka sa mababa.
- Learn new, in-demand skills/tools. Tingnan ang mga job posts at alamin kung anong skills ang madalas na hinahanap.
- Specialize. Magconcentrate ka sa isa o dalawang skill/tool at paghusayan mo doon.
- galingan mag-English.
Last edited: