Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Ito ang SUSI upang makaiwas sa IMPYERNO? (WALANG HANGGANG PAGDURUSA)

serialkey07

The Martyr
Advanced Member
Messages
774
Reaction score
33
Points
88
Power Stone
Space Stone
Reality Stone
Soul Stone
Time Stone
Mind Stone
Gusto ko lang pong i share ito sa inyo mga kaibigan.
Hindi natin alam mamaya,bukas sa makalawa kung anong mangyayari sa atin.
Ang tanong, tiyak naba natin na kung sakali tayo ay bawiian ng buhay saan kaya tayo mapupunta?
Habang kayo ay buhay pa ay may pag-asa pa na makapunta sa langit at
maka iwas sa walang hanggang pagdurusa (IMPYERNO)



Ang hindi pagpunta sa impiyerno ay hindi madali kaysa sa iyong iniisip. May mga taong naniniwala na kung susundin lang nila ang sampung utos sa buong buhay nila sa lupa ay hindi na sila mapupunta sa impiyerno. May mga tao naman na naniniwala na kung susundin nila ang ilang mga seremonyang panrelihiyon o mga ritwal ay hindi na sila mapupunta sa impiyerno. May mga tao din naman na naniniwala na walang paraan upang malaman kung ang isang tao ay mapupunta o hindi mapupunta sa impiyerno. Wala sa mga pananaw na ito ang tama. Ang Bibliya ay malinaw na nagtuturo kung paanong ang isang tao ay hindi mapupunta sa impiyerno pagkatapos niyang mamatay sa lupa.

Inilalarawan ng Biblia ang impiyerno na isang “nakakatakot at kahindik hindik na lugar.” Ang impiyerno ay inilarawan na isang “walang hanggang apoy” (Mateo 25:41), “apoy na hindi namamatay” (Markos 9:44-49) at “walang hanggang pagdurusa” (2 Tessalonica 1:9). Inilarawan sa Pahayag 20:10 ang impiyerno na “lawa ng naglalaglab na asupre” kung saan ang masama ay “parurusahan araw at gabi magpakailan man.” Kaya nga ang Impiyerno ay isang lugar na kailangang kailangang iwasan.

Bakit mayroong impiyerno at bakit dadalhin ng Diyos ang ibang tao doon? Sinasabi ng Bibliya na naghanda ang Diyos ng lugar para kay Satanas at sa kanyang mga anghel pagkatapos na sila ay lumaban sa Kanya (Mateo 25:41). Yaong mga tumanggi sa Diyos at sa kanyang pagpapatawad ay magdadanas na kaparehong kaparusahan na daranasin ni Satanas at ng kanyang mga anghel. Bakit kailangan ang impiyerno? Lahat ng kasalanan ay hindi ginawa ng tao kung kaninuman kundi sa Diyos (Awit 51:4), at dahil ang Diyos ay walang hanggan, tanging ang walang hanggang parusa lamang ang makasasapat sa kanyang walang hanggang hustisya. Ang impiyerno ay lugar kung saan ang makatarungang hustisya ng Diyos ay kanyang inilalapat sa mga nagkasala sa Kanya. Ang impiyerno ay ang lugar kung saan niya sinusumpa ang kasalanan at ang lahat ng tumatanggi sa Kanya. Nilinaw ng Bibliya na lahat tayo ay nagkasala laban sa Diyos (Mangangaral 7:20; Roma 3:10-23), at ang dahil dito, tayong lahat ay karapatdapat na mapunta sa impiyerno.

Paano tayo hindi mapupunta sa impiyerno? Dahil tanging ang walang hanggang kabayaran lamang ang sasapat, ang nararapat na kabayaran ay walang hanggan din naman. Ang Diyos ay nagkatawang tao sa pamamagitan ng Panginoong Hesu Kristo. Sa pamamagitan ng Panginoong Hesu Kristo, ang Diyos ay namuhay kasama ng tao, nagturo, nagpakain at nagpagaling ng mga karamdaman, ngunit hindi ang mga ito ang kanyang misyon. Ang Diyos ay naging tao (Juan 1:1, 14) upang Siya'y mamatay para sa atin. Si Hesus ang Diyos na nagkatawang tao na namatay sa krus. Bilang tunay na Diyos, ang Kanyang kamatayan ay walang katumbas ang halaga at sapat na pambayad sa kasalanan (1 Juan 2:2). Nais ng Diyos na tanggapin natin si Hesus bilang ating tanging Tagapagligtas at tanggapin na ang Kanyang kamatayan lamang ang sapat na pambayad sa ating mga kasalanan. Ipinangako ng Diyos na ang sinumang sasampalataya kay Hesus (Juan 3:16), at magtitiwala sa Kanya bilang tanging Tagapagligtas (Juan 14:6) ay hindi na mapupunta sa impiyerno.

Hindi ikinasisiya ng Diyos na ang sinuman ay pumunta sa impiyerno (2 Pedro 3:9). Ito ang dahilan kung bakit ibinigay ng Diyos ang kanyang Anak na si Hesus bilang walang kapantay, perpekto at sapat na handog para sa mga kasalanan. Kung nais mo na hindi mapunta sa impiyerno, tanggapin mo at kilalanin si Hesus na tanging Tagapagligtas. Ipahayag mo sa Diyos ang iyong pagkilala na ikaw ay isang makasalanan at karapatdapat kang mapunta sa impiyerno. Magisisi ka sa iyong mga kasalanan at ilagak mo ang iyong patitiwala kay Hesus bilang iyong tanging Tagapagligtas. Pasalamatan mo Siya sa pagkakaloob sa iyo ng paraan upang hindi ka mapunta sa impiyerno. Ilagak mo ang iyong buong pagtitiwala kay Hesus bilang iyong tanging Tagapagligtas. Tanging si Hesus lamang makapagliligtas sa iyo sa apoy ng impiyerno!


Ano ang daan tungo sa Kaligtasan?(Para makapasok sa Langit)
Bakit hindi sapat ang pagiging mabuting tao para makapunta sa langit?
Karagdagan
Kung minsan nang naligtas, ligtas na ba magpakailan pa man?
Ang Kaligtasan ba ay sa pamamagitan lamang ng pananampalataya o sa pamamagitan ng pananampalataya at mabubuting gawa?
Papaano ako magkakaroon ng katiyakan sa aking kaligtasan?

Hell is real 1
Hell is real 2


Source. "Gotquestion.org/tagalog"
 
Last edited:
base dito sa sinabi mo, ang kahulugan ba nito ay yung Dios na nasa langit ay siyang Dios din na bumaba sa lupa?

***Ang Diyos ay nagkatawang tao sa pamamagitan ng Panginoong Hesu Kristo. Sa pamamagitan ng Panginoong Hesu Kristo, ang Diyos ay namuhay kasama ng tao, nagturo, nagpakain at nagpagaling ng mga karamdaman, ngunit hindi ang mga ito ang kanyang misyon. Ang Diyos ay naging tao (Juan 1:1, 14) upang Siya'y mamatay para sa atin. Si Hesus ang Diyos na nagkatawang tao na namatay sa krus.
 
base dito sa sinabi mo, ang kahulugan ba nito ay yung Dios na nasa langit ay siyang Dios din na bumaba sa lupa?

***Ang Diyos ay nagkatawang tao sa pamamagitan ng Panginoong Hesu Kristo. Sa pamamagitan ng Panginoong Hesu Kristo, ang Diyos ay namuhay kasama ng tao, nagturo, nagpakain at nagpagaling ng mga karamdaman, ngunit hindi ang mga ito ang kanyang misyon. Ang Diyos ay naging tao (Juan 1:1, 14) upang Siya'y mamatay para sa atin. Si Hesus ang Diyos na nagkatawang tao na namatay sa krus.

Tama po kayo sir.
Agree po ako sa post niyo nayan. :)
 
hindi ka naniniwala na yung Dios Ama ay may Anak?
o ang paniwala mo ay yung Ama iyon na rin mismo ang Anak?

Diyos Ama - Diyos Anak- Banal na Espiritu = One God
:)
 
Last edited:
so magiging walang hell?

kasi kahit killer mapupunta sa langit
 
mahirap bang sagutin?:lol:

[FONT=&quot]Malinaw po na sinasabi sa Bibliya na kapag ang isang tao ay namatay dalawa lang ang kaniyang pupuntahan, kung nag sisi siya sa kaniyang mga kasalanan at Tinanggap niya si Jesus Christ bilang Panginoon at Tagapagligtas niya at nanampalataya siya ay magkakaroon siya ng buhay na walang hanggan sa langit (John 3:16, John 1:12).
Kung nireject niya naman po si Jesus Christ, malamang po na Impyerno ang punta niya.
Hindi po basehan ang mabuti at masamang nagawa upang maka pasok sa langit or mapunta sa impyerno. :) Eph. (2:8-9)

[/FONT]- - - Updated - - -[FONT=&quot]
[/FONT]
Totoo ba ang impiyerno? Ang impiyerno ba ay pang-walang hanggan?​


Nakatutuwang malaman na mas maraming tao ang naniniwala sa langit kay sa mga taong naniniwala sa impiyerno. Ngunit ayon sa Biblia, ang impiyerno ay kasing-totoo ng langit. Ang Biblia ay maliwanag na nagtuturo na ang impiyerno ay isang tunay na lugar kung saan inihahatid ang mga masasama/hindi-manampalataya pagkatapos ng kanilang kamatayan. Lahat tayo ay nagkasala laban sa Dios (Rom. 3: 23). Ang nararapat lamang na kaparusahan sa kasalanan ay kamatayan (Roma 6: 23). Dahil ang lahat ng ating kasalanan ay laban sa Dios (Awit 51:4), at dahil ang Dios ay banal at walang hanggan, ang kamatayan na siyang kaparusahan sa kasalanan ay kinakailangang wala ring hanggan. Ang impiyerno ay ang hanggang kamatayan at ang pagpaparanas ng walang hanggang poot ng Diyos sa mga makasalanan.

Ang impiyerno ay inilarawan sa Bibliya na "apoy na di mamamatay" (Mateo 25:41), "apoy na di mamamatay kailanman" (Mateo 3:12), "kaparusahang walang hanggan" (Daniel 12:2), isang dako na ang "apoy ay hindi namamatay" (Markos 9:44-49), isang dako ng "paghihirap" at isang dako ng "apoy" (Lukas 16:23-24). "walang hanggang kapahamakan" (2 Tesalonica 1:9). Isang dako na "ang usok mula sa apoy na nagpapahirap sa kanila ay paiilanlang magpakailanman" (Pahayag 14:10-11) at "lawang apoy at asupre" na kung saan ang mga masasama ay "pahihirapan, araw at gabi, magpakailanman" (Pahayag 20:10).

Ang kaparusahan ng mga masasama sa impiyerno ay walang katapusan katulad din ng walang hanggang kagalakan naman ng mga matuwid sa langit. Si Hesus mismo ang nagsabi na ang kaparusahan sa impiyerno ay walang hanggan tulad ng buhay sa langit na walang hanggan din naman (Mateo 25:46). Ang masama ay sasailalim magpakailanman sa matinding galit at poot ng Dios. Tatanggapin ng mga nasa impiyerno ang lubos na katarungan ng Dios (Awit 76:10). Malalaman ng mga nasa impiyerno na makatwiran lamang na sila'y parusahan at sila lamang ang dapat sisihin kung bakit sila napunta doon (Deuteronomio 32: 3-5). Totoo na ang impiyerno ay katotohanan. Totoo na ang impiyerno ay dako ng paghihirap at kaparusahang walang hanggan. Ngunit purihin ang Dios, dahil kay Hesus, maaari nating matakasan ang walang hanggang paghihirap sa apoy ng impiyerno.

[FONT=&quot]
[/FONT]
 
Last edited by a moderator:
Back
Top Bottom