Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

kapirasong papel..

nanlalamig,
:tense:
nanginginig,
kinakabahan,
takot masilip ang nilalaman.:unsure:

kapirasong papel,

anong hiwaga,

pag nabasa kaya'y
matutuwa...
o masasaktan?:noidea:


ngunit may bumubulong,

lapitan,

hawakan,

buksan,

upang magimbal sa matutuklasan:eek:

sugat at lason sa abang puso
pala ang nilalaman.:sigh:

labis na sakit ang nararamdaman
sa kaibuturan ng puso'y nanuot,
nanira,

nagpamanhid.:upset:


kapirasong papel

gumuho sa magagandang pangarap

sumira sa buong pagtitiwala

sa puso'y sumugat,

dumurog,
nagpaluha..:weep:


credits to a friend of mine
 
Last edited:
nice.. :thumbsup: i like the way you used the smilies..:giggle: keep on sharing, yannah! :smack:
 
letter of break-up ba yon???????? :lol:

nakakadepress naman :weep:
 
magaling magaling :clap:
ako'y iyong nagising :slap:
naantig ang damdaming :weep:
sa tula mo'y nabaling... :salute:

ang cute ng tula mo po.... :thumbsup:
 
nanlalamig,
:tense:
nanginginig,
kinakabahan,
takot masilip ang nilalaman.:unsure:

kapirasong papel,

anong hiwaga,

pag nabasa kaya'y
matutuwa...
o masasaktan?:noidea:


ngunit may bumubulong,

lapitan,

hawakan,

buksan,

upang magimbal sa matutuklasan:eek:

sugat at lason sa abang puso
pala ang nilalaman.:sigh:

labis na sakit ang nararamdaman
sa kaibuturan ng puso'y nanuot,
nanira,

nagpamanhid.:upset:


kapirasong papel

gumuho sa magagandang pangarap

sumira sa buong pagtitiwala

sa puso'y sumugat,

dumurog,
nagpaluha..:weep:


credits to a friend of mine

panibagong papel:

matapos na magimbal
sa unang papel na nagisnan
takot na bang makatanggap?
takot rin ba sa malalaman?

kapirasong papel, panibago na naman
sakit kaya'y madagdagan
sa bago nitong nilalaman?
sakit kaya'y maiibsan
sakaling liham ay buksan?

kapirasong papel
kanino galing ay di alam
ngunit doo'y nakasaad na puso ay muling buksan
ako na ang gagamot sa puso mong sugatan

sa kapirasong papel na walang pangalan
may panibagong nagmamahal
nagsasabing noon pa man
ikaw pa lang ang minahal

sa kapirasong papel ko na lang isasambulat
ang tunay na damdaming kalakip nitong sulat
magalit ka kaya kung sabihin kong
ako ang matalik mong kaibigan?
 
Last edited:
sa likod ng kapirasong papel:D

tunay ngang kagulat-gulat
ang nilalaman ng sulat
matalik kong kaibigan
ako pala'y hinahangad..

ngunit aking kaibigan
ang sagot ko sa iyong sulat,
paano ka mamahalin?
kung may naunang
sa puso ko'y umangkin?

anong aking gagawin
mahal na kaibigan?
paano sasagot sa kapirasong
papel na kanyang sinimulan?
hindi alam ang sasabihin,
nagkaroon tuloy ako ng isipin.. :D



 
sa likod ng kapirasong papel:D

tunay ngang kagulat-gulat
ang nilalaman ng sulat
matalik kong kaibigan
ako pala'y hinahangad..

ngunit aking kaibigan
ang sagot ko sa iyong sulat,
paano ka mamahalin?
kung may naunang
sa puso ko'y umangkin?

anong aking gagawin
mahal na kaibigan?
paano sasagot sa kapirasong
papel na kanyang sinimulan?
hindi alam ang sasabihin,
nagkaroon tuloy ako ng isipin.. :D






kaputol ng kapirasong papel

di ko sinasadya na ika'y pag-isipin
alam ko rin na 'di ako
ang sa puso mo'y naunang umangkin
ngunit sana ay pakinggan mo
yaring aking sasabihin
mahal kita noon pa man
yan ngayo'y hindi na lihim

pilitin man kasi
na damdamin ay sikilin
hindi ko magawa pagkat lagi kang kapiling
kaya't ako ngayo'y humihingi ng paumanhin
paumanhin sa nasabi
pangakong di na uulitin

ngunit bago ko tapusin ang lahat ay sasabihin
hayaan mong patuloy kitang mahalin
dahil doon na lamang liligaya
itong puso kong sawi
hayaan mong ipagtanggol kita
sa lahat ng balak sayo'y manakit.




 
Last edited:


di ko sinasadya na ika'y pag-isipin
alam ko rin na 'di ako
ang sa puso mo'y naunang umangkin
ngunit sana ay pakinggan mo
yaring aking sasabihin
mahal kita noon pa man
yan ngayo'y hindi na lihim

pilitin man kasi
na damdamin ay sikilin
hindi ko magawa pagkat lagi kang kapiling
kaya't ako ngayo'y humihingi ng paumanhin
paumanhin sa nasabi
pangakong di na uulitin

ngunit bago ko tapusin ang lahat ay sasabihin
hayaan mong patuloy kitang mahalin
dahil doon na lamang liligaya
itong puso kong sawi
hayaan mong ipagtanggol kita
sa lahat ng balak sayo'y manakit.







sa likod ng kaputol ng papel

sana kaibigan ikaw na lang ang minahal
sapagkat ikaw'y nandyan
at 'di ako iniiwan..
sa pag-aakalang sayo'y
isa lamang akong kaibigan,
sa iba tuloy ibinaling
aking pagmamahal..

kung kaya ko lamang
ibalik ang nakaraan

aking gagawin

walang pag-aalinlangan

pabalik sa panahong

tayong dalawa lamang

sa ganoong paraan
maipapadama,
ikaw ang kailangan:D


labis kong ikatutuwa
kung sa aking tabi, di ka mawawala
hanggang dumating ang panahon
maghilom ang sugat
dulot ng kapirasong papel na kanyang sinulat.
.
sa panahong iyon, maari na kitang ibigin
walang hahadlang, ako'y sa'yo,
ikaw'y akin :)

 
Last edited:
sa kapirasong papel

ng dahil sa papel na kapiraso
bukod tanging ang pitak na ito
ang syang sentro
ng karamihan dito

papel nga't kapiraso
ang tindi naman ng epekto
sa lahat ng nandito
isama na rin pati ako

nagsimulang basahin
nilalaman na saloobin
masakit sa damadamin
katotohan pa man din

ngunit ano bang magagawa?
kung ang mga puso'y may iba
wala na, wala na nga
kundi magparaya

lilipas ang panahon
ang puso ay maghihilom
sa pasakit wag ituon
kabiguan ay ibaon....
 



sa likod ng kaputol ng papel

sana kaibigan ikaw na lang ang minahal
sapagkat ikaw'y nandyan
at 'di ako iniiwan..
sa pag-aakalang sayo'y
isa lamang akong kaibigan,
sa iba tuloy ibinaling
aking pagmamahal..

kung kaya ko lamang
ibalik ang nakaraan

aking gagawin

walang pag-aalinlangan

pabalik sa panahong

tayong dalawa lamang

sa ganoong paraan
maipapadama,
ikaw ang kailangan:D


labis kong ikatutuwa
kung sa aking tabi, di ka mawawala
hanggang dumating ang panahon
maghilom ang sugat
dulot ng kapirasong papel na kanyang sinulat.
.
sa panahong iyon, maari na kitang ibigin
walang hahadlang, ako'y sa'yo,
ikaw'y akin :)



hindi na gagamit ng ano pa mang sulat



matapos kong matanggap
at maantig sa'yong sulat
dali dali ay bumangon
nagtungo sa inyong bahay
doo'y nakatayo ka sa harap ng pintuan
biglang na lang kinilabutan
damdami'y hindi maintindihan
tutuloy pa ba? yan ang naging katanungan

ngunit may animoy nagtulak
mga paa'y naglakad
mabilis na humakbang
upang sa iyo'y humarap
bagamat nauutal pinipilit magbigkas
nais sabihing mahal kita
hahawakan ang iyong kamay
mangangakong di na bibitawan pa

sabay alok na maglakad
at magtungo sa palaruan
lugar na dati nating pasyalan
upang alalahanin ang nakaraan
gagawa muli tayo ng karagdagang ala-alang
maasahan mong hindi-hindi mawawala
hindi na kailangan ma maghintay ng panahon
dahil noon pa man puso ko'y sayo lamang tumitibok
 
Last edited:
ang kulet ng sagutan a...

may sequel pa ba?
hehe.
 
namiss ko tong thread na to ah...


masaya [aka anakis]

na edit ko na hehehe :giggle:
miss you yannah. gaganda din ng bagong poems sa isa mong thread :thumbsup:
 
kapirasong papel (part 2)

muli kong sinimulan, aking panulat
para sa kaibigang minsa'y nagsiwalat
sa kapirasong papel ko'y kanyang sinulat
damdaming tunay ngang kagulat-gulat

aking kaibigan, nasaan kana?
tila ikaw'y nawawala..
nasaan na din ang ating sagutan?
ang kapirasong papel, ibinaon na ba sa nakaraan?

 
Last edited:
Back
Top Bottom