Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

kapirasong papel..

nanlalamig,
:tense:
nanginginig,
kinakabahan,
takot masilip ang nilalaman.:unsure:

kapirasong papel,

anong hiwaga,

pag nabasa kaya'y
matutuwa...
o masasaktan?:noidea:


ngunit may bumubulong,

lapitan,

hawakan,

buksan,

upang magimbal sa matutuklasan:eek:

sugat at lason sa abang puso
pala ang nilalaman.:sigh:

labis na sakit ang nararamdaman
sa kaibuturan ng puso'y nanuot,
nanira,

nagpamanhid.:upset:


kapirasong papel

gumuho sa magagandang pangarap

sumira sa buong pagtitiwala

sa puso'y sumugat,

dumurog,
nagpaluha..:weep:


credits to a friend of mine
 
Last edited:
ikalawang bahagi...

isang taon ang lumipas...
mga dahon ng panahon ay nalagas...
muling nagtagpo ang mga landas...
ang kapirasong papel ba ay kumupas?

subalit narito na naman...
ating masisilayan...
sa kapirasong papel...
ang mga nararamdaman....

kaytagal na panahon...
ang papel ay nabaon...
sa alabok ng kahapon...
ito'y muling umahon...

kay dami nang nagdaan...
ang pitak ay natabunan...
ngunit sa kung ano pa man...
heto't muling magigisnan...

nawa'y muling masilayan...
mga munting sagutan...
na nagbibigay kasiyahan...
kahit ang iba'y naguguluhan...
 
natuwa naman ako sa sagutan at dugtungan ng kapirasong papel eje :D

nice nice
 
kapirasong papel (part 2)

muli kong sinimulan, aking panulat
para sa kaibigang minsa'y nagsiwalat
sa kapirasong papel ko'y kanyang sinulat
damdaming tunay ngang kagulat-gulat

aking kaibigan, nasaan kana?
tila ikaw'y nawawala..
nasaan na din ang ating sagutan?
ang kapirasong papel, ibinaon na ba sa nakaraan?





muling pagsisimula ba'y nangangahulugan,
na bubuhayin na muli ang ating sagutan
ang ating nakaraan hindi ko nalimutan
ni hindi ka rin nawaglit sa aking isipan

ipagpaumanhin pansamantalang pagkawala
ang ating nasimula'y di pinagwalang bahala
maging imahe mo sa ulirat ay sariwa
sa puso ko'y mananahan, hinding-hindi mawawala







***anlabo pala pag hindi bold.
 
Last edited:
mahabang panahon muli ang lumipas..:)
ang lahat ay nabaon, at tila yata'y nagwakas:weep:
aking kaibigan saan ka man naroon:noidea:
silayan sana itong muli kahit ibinaon na ng panahon..:pray:

 
sa likod ng listahan ng utang


mahabang panahon nga, lumipas at nagdaan
ibinaon man sa lupang kailaliman
tila pag-ibig sa 'yo'y kanyang ng winakasan
O, anung kirot sa 'yong pakiramdam
ang bulay-bulaying siya ay lumisan

ngunit iyo lang sana pakatandaan
merong mga bagay, mahirap kalimutan
tulad na lamang sa listahan kong tangan
burahin ko man, mga numerong laman
tiyak kong may kopya pa, doon sa tindahan

mahabang panahon nga, lumipas at dumaan
ibinaon man sa lupang kailaliman
pag-ibig n'ya sa 'yo'y mananatili kailanman
tulad ng listahan ng aking mga utang

 
bagong papeL pero kapiraso padin.. :p


habang naghahanap ng aplikasyong bago..
muling nasilayan ang pitak na ito..
hindi maiwasang magsulat ng nararamdaman
kasi tila nabaon na sa limot at hindi na napupuntahan..

sa mga naging bahagi ng ng aming nakaraan
na dito ay sumubaybay, panahon ay inilaan
salamat sa inyo mga kaibgan
hanggang sa muli, walang kalimutan :)
 
Kumusta na kayo mga kaibigan?
Ang pitak na ito, tila inyo nang nalimutan
Ito nga ba'y ibinaon na ng nakaraan
Hindi na ba maarin balikan?

Nasan na kayo mga kaibigan ko
Mga dating naglaan ng panahon dito
Nais ko sanang muling buhayin ito
Upang magsilbing libangan, inspirasyon ninyo.
 
Last edited:
ang galing...:thumbsup:

dahil sa kapirasong papel...
wala akong masabi,
kundi kayo'y magagaling...:clap:
 
Back
Top Bottom