Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

kasalanan ba talaga ang manalangin ng nakatayo?

kabog01

Recruit
Basic Member
Messages
10
Reaction score
0
Points
16
tanong lang po masama po ba ang manalangin ng nakatayo??bakit?

mateo 6:5

5At pagka kayo ay nagsisidalangin, ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw: sapagka't iniibig nila ang magsidalangin ng patayo sa mga sinagoga at sa mga likuang daan, upang sila'y mangakita ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti.
 
Last edited:
Re: kasalanan ba talaga ang maalangin ng nakatayo?

Read between the lines, ibig sabihin nyan verse eh wag pakitang tao na nag dadasal.

Tipong ng ang sama ng mga ginagawa mo tapos eh twing mag dadasal ka at mag sisismba eh todo picture masabi na maka dyos.
 
Last edited:
Re: kasalanan ba talaga ang maalangin ng nakatayo?

ibig sabihin, wag magpakamukhang banal kung kalooblooban mo ay hindi
 
Re: kasalanan ba talaga ang maalangin ng nakatayo?

Matthew 6:5-8King James Version (KJV)

5 And when thou prayest, thou shalt not be as the hypocrites are: for they love to pray standing in the synagogues and in the corners of the streets, that they may be seen of men. Verily I say unto you, They have their reward.

don't take it word for word...read between the lines..

keywords here are "hypocrites" and "they love to pray standing / that they may be seen of men"
 
Last edited:
so may kaligtasan ba sa kanila?
 
uso kasi ng mga panahon na yan ung mga standing style.....mas maporma pag nakatayo.....pag kasi nakaupo lang eh ang tawag dun tamad syle...then pag nakatayo mas malapit ka rin sa langit....ayun...ung mga iba nga gumagamit pa ng tungtungan para mas malapit sa langit...mas madaling makukuha ng radar ni God ung prayers nila....
 
hay naku! tao nga naman, may sinabi bang bawal doon ang manalangin ng nakatayo? ang importante jan TS ay totoo ka sa iyong pananalangin, taimtim at nasa puso ang iyong paghingi ng kapatawaran sa Panginoon Diyos. at hindi pakitang tao lamang na panalagin, kahit nakahiga ka pwede kang manalangin ng taimtim. Papaano nalang ang mga maysakit? kung sa pagkakaintindi mo bawal ang nakatayo, e malamang mas bawal ang nakahigang manalangin. :-)
 
wala nga pong sinabing bawal... masama lng po sa paningin ng Dios nakatayong manalangin..
 
Depende po sa sitwasyon at lugar yan...pero may kondisyon po ang pananalangin na nakatayo...ibigsabhin po hindi sya masama as long as hindi ipinahihintulot ng lugar at pagkakataon...ibig sabhin ang pananalangin talaga dapat nakapanikluhod o tiklop ang tuhod o tithyme sa wikang greyego
 
Meron bang sinabing kasalanan diyan ang manalangin ng nakatayo?
 
Depende po sa sitwasyon at lugar yan...pero may kondisyon po ang pananalangin na nakatayo...ibigsabhin po hindi sya masama as long as hindi ipinahihintulot ng lugar at pagkakataon...ibig sabhin ang pananalangin talaga dapat nakapanikluhod o tiklop ang tuhod o tithyme sa wikang greyego

yan ang dapat na sagot sa tanung ni TS, yun ang sa palagay ko mga kapatid, heheheh! PEACE!!!
 
tanong lang po masama po ba ang manalangin ng nakatayo??bakit?

mateo 6:5

5At pagka kayo ay nagsisidalangin, ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw: sapagka't iniibig nila ang magsidalangin ng patayo sa mga sinagoga at sa mga likuang daan, upang sila'y mangakita ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti.

uso kasi ng mga panahon na yan ung mga standing style.....mas maporma pag nakatayo.....pag kasi nakaupo lang eh ang tawag dun tamad syle...then pag nakatayo mas malapit ka rin sa langit....ayun...ung mga iba nga gumagamit pa ng tungtungan para mas malapit sa langit...mas madaling makukuha ng radar ni God ung prayers nila....

Depende po sa sitwasyon at lugar yan...pero may kondisyon po ang pananalangin na nakatayo...ibigsabhin po hindi sya masama as long as hindi ipinahihintulot ng lugar at pagkakataon...ibig sabhin ang pananalangin talaga dapat nakapanikluhod o tiklop ang tuhod o tithyme sa wikang greyego

yan ang dapat na sagot sa tanung ni TS, yun ang sa palagay ko mga kapatid, heheheh! PEACE!!!
Share ko lang po :)
"Ano ang tamang paraan ng pananalangin?"

Ang pinakamaganda bang paraan ng pananalangin ay nakatayo, nakaupo, nakaluhod o nakatungo? Dapat ba akong manalangin na nakabukas ang mga kamay, o nakasara o nakataas sa Diyos? Kailangan ba na pikit ang mata o dilat kung nananalangin? Mas mabuti bang manalangin sa loob ng simbahan o sa labas? Kailangan bang manalangin sa umaga pagkagising o sa gabi bago matulog? Paano natin sisimulan ang panalangin? Ano ang tamang pamamaraan upang tapusin ang panalangin? Ano ang tamang pamamaraan ng pananalangin? Ang mga bagay bang ito ay mahalaga sa pananalangin?

Maraming tao na itinuturing ang panalangin katulad sa isang "pormula o magic". May naniniwala na kung bibigkasin ng eksakto ang mga tamang pananalita o mananalangin sa tamang posisiyon, ay pakikinggan at tutugunin ng Diyos ang panalangin. Ang katuruang ito ay wala sa Bibliya. Hindi sasagutin ng Diyos ang anumang panalangin base sa kung paano tayo nananalangin, saan tayo nananalangin, kung ano ang posisyon ng ating katawan sa pananalangin o kung paano natin binabanggit ang mga salita sa ating pananalangin. Sinabihan tayo sa 1 Juan 5:14-15 na kung may pagtitiwala tayo sa paglapit sa Diyos, na nalalaman na dinidinig Niya tayo ay tutugunin Niya anuman ang ating kahilingan kung iyon ay naaayon sa Kanyang kalooban. Gayundin naman, idineklara sa Juan 14:13-14, "At anumang hilingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay gagawin ko, upang maparangalan ang Ama sa pamamagitan ng Anak. Gagawin ko ang anumang hihilingin ninyo sa pangalan ko." Ayon sa mga talatang ito at sa marami pang talata ng Kasulatan, dinidinig ng Diyos ang mga kahilingan sa panalangin kung ang mga iyon ay hiniling ng ayon sa Kanyang kalooban at sa pangalan ni Hesus (upang magbigay ng kaluwalhatian kay Hesus).

Kaya ano ang tamang kaparaanan ng pananalangin? Sinasabi sa atin ng Filipos 4:6-7, "Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip ay hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. At ang di-malirip na kapayapaan ng Diyos ang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip sa pamamagitan ni Cristo Jesus." Ang tamang paraan ng pananalangin ay pagbubuhos ng ating puso sa Diyos at sa pagiging tapat at bukas sa Diyos dahil alam Niya ang makabubuti sa atin kaysa sa pagkaalam natin kung ano ang makabubuti sa atin. Kailangan nating dalhin ang ating mga kahilingan sa Diyos habang iniisip na alam Niya ang pinakamabuti sa atin at hindi Niya tutugunin ang ating kahilingan na hindi Niya kalooban para sa atin. Dapat nating ipahayag ang ating pag-ibig, pasasalamat at pagsamba sa Diyos sa ating mga panalangin na hindi nag-aalala kung ano ang tamang pananalita na ating gagamitin. Higit na interesado ang Diyos sa laman ng ating puso kaysa sa ganda ng ating sinasabi.

Ang pinakamalapit na modelo ng pananalangin sa Bibliya ay ang panalangin na itinuro ng Panginoon sa Mateo 6:9-13. Dapat unawain na ang panalanging ito na itinuro ni Hesus ay hindi isang panalangin na dapat memoryahin at sambitin ng paulit ulit sa Diyos. Ito ay isa lamang halimbawa ng mga bagay na dapat na kalakip sa isang panalangin gaya ng - pagpupuri, pagtitiwala sa Diyos, kahilingan, pananalangin para sa iba, pagpapahayag ng kasalanan at pagpapasakop. Dapat tayong manalangin para sa mga bagay na binabanggit ng panalangin ng Panginoon na gamit ang ating sariling mga pananalita ayon sa ating sariling paglakad kasama ng Panginoon. Ang tamang paraan ng pananalangin ay ang paghahayag ng ating puso sa Diyos. Ang pag-upo, pagtayo o pagluhod, pananalangin ng nakabukas o nakasara ang mga kamay; o nakadilat o nakapikit ang mata; sa loob ng simbahan o sa labas; kung sa gabi o sa umaga - ang lahat ng ito ay hindi mahalaga sa Diyos at nasa ilalim ng personal na kagustuhan, kumbiksyon at sa kaangkupan. Ang nais ng Diyos ay isang totoo at personal na pakikipagugnayan sa Kanya ng Kanyang anak.
 
pwede po nakatayo kung manalangin

Luke 18:10-13New International Version (NIV)

10 “Two men went up to the temple to pray, one a Pharisee and the other a tax collector. 11 The Pharisee stood by himself and prayed: ‘God, I thank you that I am not like other people—robbers, evildoers, adulterers—or even like this tax collector. 12 I fast twice a week and give a tenth of all I get.’

13 “But the tax collector stood at a distance. He would not even look up to heaven, but beat his breast and said, ‘God, have mercy on me, a sinner.’
 
Last edited:
hindi mahalaga ang mga bagay na yan kung paanong position ka mananalangin kung patayo ba o pa upo, dahilan ang pinaka mahalaga sa lahat ay kung ano ang kundisyon ng iyong puso kapag humarap ka sa Kanya, kapag makikipag usap ka sa Kanya.

These people honor me with their lips,
but their hearts are far from me.
They worship me in vain;
their teachings are merely human rules.

-Matthew 15:8-9

bagamat sa pagsamba itong verse na ito subalit pinapakita lamang dito na ang pinakamahalagang bagay sa Dios ay ang ating mga puso, kung ito ba ay mapagpakumbabang puso, isang maamo at hindi nagmamataas. Isang bagay din na napakahalaga sa pananalangin ay dapat malinis at walang galit ang iyong puso, bagkus hindi mainam sa isang tao ang manalangin ng may poot at galit, ito'y kasuklamsuklam sa Dios.

kapag ang puso mo ay nasa ayos at nasa pagpapakumbaba ang lahat ng bagay ay susunod na lamang at tuturuan ka ng Holy Spirit kung paano ang tamang pananalangin.

God bless us all!
 
bakit mo kinukonekta sa pagano yung sa sinabi ni Jesus?
 
hindi po. wag nyo po basahin literally at word for word ang nakasulat.

sa puso po tumitingin ang Diyos. Hindi po sa kung paano ka manalangin.
Besides, kahit hindi natin sabihin alam nya kung ano ang gusto natin....

keep reading po ng Bible and ask for His guidance bago magbasa para po mas maintindihan natin ang mga nakasulat.
kung may gusto po tayong malaman, itanong natin sa source, walang iba kundi kay God lang...

naniniwala akong di man nya direktang sagutin ang tanong mo, may mga tao syang gagamitin para masagot ang tanong mo.
 
Back
Top Bottom