Imba, kung siya'y ilarawan
Tahimik sa tabi ngunit palaban
Animoy sa klase walang muwang
Tawagin man ang ngalan, 'di palalamang
Siya yung tipong hindi madalas pumasok
Paano'y sa kompyuter nakatutok
Ngunit pag exam ay sumapit
Nganga ka sa iskor niyang malupit.
Tila isang latang puno ng laman
Pukpukin moy di maingay kahit subukan
Paano ko nga ba masasabi?
Sa kanya'y may lihim na pagtatangi.
Tibay ng loob at kapal ng mukha
Puhunan ng tulad kong desperada
Sa tulong ng aking kaibigan
Akawnt niya sa Gunbound aking nalaman.
Inaral ang sistema ng laro
Nang lumaon ay nagamay ko
Iba man sa aking nakasanayan
Metro Manila chat tambayan
Laking pasalamat ito'y naging daan
Plano ko'y isakatuparan
Ma-itayp sa mensaheng kahon
"Kras kita, yun lang paalam.."
Last edited: