Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Linux Server Distro

mcmoondane

Apprentice
Advanced Member
Messages
54
Reaction score
0
Points
26
mga boss,

ano po ba ang mas maraming ginagamit na distro for Linux as a Server


CentOS
Ubunto
RedHat
Suse

Salamuch po...
 
Para sa akin, CentOS. Kung walang specific requirement ang software na pinapa-install, CentOS ang pinipili ko kasi sanay ako sa mga Redhat-based distros. Kung LAMP o mail server ang gagawin, CentOS ako.

Lalo na kung cPanel/WHM ang ginagamit, CentOS ang distro nun by default. Halos lahat ng shared hosting ay cPanel ang ginagamit.

Minsan, lalo na sa mga cryptocurrency systems/bitcoin exchange, usually Ubuntu ang installation steps. Kaya yun na rin ang ginagamit ko. May ginagamit rin kaming office system na kailangang i-install from their repository. Required ang Ubuntu kaya no choice.

Sa mga media servers/NAS naman, marami ang users ng FreeBSD (FreeNAS), Debian (OpenMediaVault) tsaka Synology DSM/Xpenology.
 
salamat boss sa idea.

ano pong magandang email server for CENTOS boss, yung free at paid version
 
Ang usual setup ko:

SMTP: Postfix
IMAP: Dovecot
Webmail: Roundcube
Antispam: Spam Assassin, ClamAV, Maia Mailguard
Account Administration: Postfix Admin

Web Server: Apache, PHP
Database: MariaDB / MySQL
SSL: Let's Encrypt
DKIM: OpenDKIM
DNS, SPF: Cloudflare

Sa mga all-in-one mail server solutions na libre, siguro maganda ang iRedMail, Zimbra tsaka Webmin/Usermin.

Wala masyado akong alam sa paid solutions, pero para sa akin, mag-Gmail/G Suite na ako. No worries pa sa setup and maintenance. Ang mail server setup kasi namin magastos tsaka maraming configuration: Server + domain + SSL certificate + Group Office license + SolarWinds Mail Assure + S3 backup.

Okay rin gawing mail server ang cPanel/WHM or Plesk.

Bulk Mail/Newsletter Solution (paid): Sendy + Amazon SES.
 
Auctually depende po sa inyo kung saan kayu sanay..
par saken Ubuntu/centos and Opensuse

Ubuntu = gamit for our web server no control panel mas sanay ako kase dito. / Email server Zimbra / sendy/ wordpress and kanboard
Centos = sa ibang website namen na meron cpanel/ and call center system
Opensuse = for Call center system .. Freebuild kase dito.
 
salamat po mga boss,

dami kung natutunan sa inyo :)

I'm new to linux and continiously studying, mga boss curious lang po ako, ano po ba ang day to day job nyo as a Linux admin...

I mean everytime ba nasa terminal kyo gumagawa ng bash...



:excited:
 
Audio-visual ako kaya mas madali akong matuto sa mga video tutorials ng LinuxCBT, Pluralsight, Lynda, etc.

Isipin mo na parang sekyu ka, laging handa at on standby. Mag-p**n ka all day o kaya mag-research kung anong bago at pwedeng i-improve. Depende kung anong trip mo. Haha.

Nakaka-access ako ng SSH at least once a day kasi may mga requests to update from svn or pull from Github or check logs. Kahit wala akong alam sa scripting, kahit papaano natututo naman ng automation sa tulong ni Google.

Once na-configure at na secure ko ang isang server, halos set and forget na. Siyempre sa simula, pag-pupuyatan mo talaga kung paano i-setup, i-secure, i-configure, i-test at i-document.

Sa ngayon, mostly cloud computing ako with Amazon Web Services and Digital Ocean. Kapag hindi ikaw ang nagbabayad ng bill, ang sarap mag-click lang nang click sa AWS. Andun na lahat ng kailangan - VPS, networking, database, storage, CDN, mail, DNS, cloning, load balancing, etc.
 
salamat sa mga inputs mo boss, may konting alam ako sa AWS at comparing sa pricing san ba mas cost effective at feature wise ang AWS o digital ocean.


salamat ulet :)
 
Digital Ocean ang mas mura. Kaya lang kakaunti naman ang services nila, mostly VPS lang. Ang mga VPS namin sa Digital Ocean usually mga Proxy and VPN. Ito ang ginagamit kong pang-access sa ibang servers. Kumbaga static IP lang ang habol, so okay na ang 5 USD per month na VPS.

Mas maganda talagang pag-aralan ang AWS ecosystem. Yun nga lang, mas mahal siya para sa mga servers na pang proxy o kaya pang test lang.
 
nakita ko ang mga rates ng DO mas mura nga sya, salamat sa tip boss
 
sir ngayon pa lang ako nag aaral about sa linux ittry ko muna sya sa vm ask ko lang for beginner anong os mas ok? balak ko kasi mag apply as system admin... salamat po
 
Last edited:
Back
Top Bottom