Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Love Birds

cearism

Proficient
Advanced Member
Messages
242
Reaction score
7
Points
28
Meron ba ditong nag aalaga ng love birds? Share naman kayo ng experiences nyo.
 
dati nagbreed ako ng parakeets, african, finches at mga tiels!... masarap silang alagaan lalo na ang mga tiels at parakeets... mabilis din kasi sila dumami!... ^_^
 
meron ako parakeets. ok sila. parang murang version ng mga lovebirds. yung isa, i was able to teach it to be super friendly na kahit nasa balikat mo lang xa or sa sofa habang nanunuod ng tv. yung male parakeets ang madaling turuan. masungit yung mga babae eh.
 
ako poh ngbreed ng african kumporme sa mutation ng alaga mo kng pno ung behavior nla
 
san ba nakakabili ng murang breeder females.. di nagbubuntis yung saken eh. nag pi pills ata. :yipee:
 
Wala ba tau ditong official thread for African lovebirds? Naghhanap ako wala akong makita, or onti lang ALBS enthusiasts dito sa SYMB? I have African lovebirds din po pero mga low mutations lang.
 
San po Ba nkakabili ng Parakeet? ano bng klase maganda alagaan at mabilis paramihin? :)
 
bakit ung love birds namin itlog lang ng itlog hnd namn nag pipisa !!
 
bakit ung love birds namin itlog lang ng itlog hnd namn nag pipisa !![/QUOTE
una ang babaeng ibon mangingitlog yan kahit di nafefertiled ang itlog o kaht walang lalaki
2. Kulang sa nutritiön
3.masyado bata
4.masyado matanda
5.walang miniral block
6.kulang sa humidity
7.nabasa
8.naiputan
9.naalog ang mga itlog
10laging sinisilip kaya pinabayaan ng nanay
11 hormonal imbalance
12 genetic abnormality
13 overusage]
 
I've got a lutino, orange yung ulo. babae. alaga namin since July 2009, bata pa sya noong time na yun.

So far medyo friendly naman sya yun nga lang nasanay kasi ng mom ko na ipakagat yung thumb niya kaya ayun akala nung alaga namin "form of play" sya. Paano ba mareverse yun? Matalino sya eh, bumabalik kusa sa cage pag pinalabas mo. Tapos napaka-playful din..

pahingi po tips! Binilhan ko sya dati ng cuttlebone, hindi niya alam gamitin! natadtad lang ipot niya yung cuttlebone haha. Mineral block ba dapat gamitin?

Thanks!
 
kung natrain alaga mong lutino na madali lang yan at kung bata pa pero kung hindi medyo mahihirapan ka diyan it will take most of your patience una kung ayaw makagat habang ginagawa yun pwede ka bumili ng gloves
 
I've got a lutino, orange yung ulo. babae. alaga namin since July 2009, bata pa sya noong time na yun.

So far medyo friendly naman sya yun nga lang nasanay kasi ng mom ko na ipakagat yung thumb niya kaya ayun akala nung alaga namin "form of play" sya. Paano ba mareverse yun? Matalino sya eh, bumabalik kusa sa cage pag pinalabas mo. Tapos napaka-playful din..

pahingi po tips! Binilhan ko sya dati ng cuttlebone, hindi niya alam gamitin! natadtad lang ipot niya yung cuttlebone haha. Mineral block ba dapat gamitin?

Thanks!

ganito gawin mo everytime na kakagatin ka niya hold his beak and command stop! Or no biting! Wag mo hilahin o higpitan masyado ang hawak mo it can cause distress that may lead to death after 3 times ibalik mo siya sa kulungan niya ulit ulitin mo lang dapat lage may treats every session at kung aling kamay ang ginagamit mo sa pag execute ng command yun din gamitin mo pag bigay ng treats o kaya bigyan mo laruan habang hawak mo para malibang gusto kasi nila may nginangata lage
 
Another tip. Pag ganyang nangangagat, kahit hand trained, always REMEMBER: HUWAG IPAHAWAK SA MGA LOLA

Hand tamed kase mga ibon ko. Kaya nilalabas sa cage ng mga bisita. Gusto nilang hawakhawakan at paglaruan ang ibon ko. One time, neighbor lola ang humawak. tinuka siya. Ayun nataranta. Binato sa floor ang bird. Patay.

Eh bawal magalit sa elderly. Wala ko nagawa kundi manahimik. (At icurse xa silently lol) Ayun me sakit ngayon hehe. Biro lang
 
eh bakit naman lola ko hilig hilig sa ibon kahit galit na yung ibon nahawak pa din walang takot kahit malalakii
 
Meron akong alaga kaya lang hindi ko pa din alam kung paano ba sila alagaan ng tama. Sinong puwede magbigay ng tips?
 
^laruin mo palagi para mawala yung takot nila sayo, kausapin mo rin. Yung samin dito nasanay na pag andyan ka malapit sa cage niya lalapit sayo tapos pag tinawag mo pangalan niya sumasagot sya. Wag puro millet pakainin mo, bili ka din sunflower seeds pero pag maglagay ka konti lang dapat. Gawin mong treat yung sunflower seeds di sya pwede kumain ng madami kasi matabang pagkain yun. Bigyan mo din ng fruits at veggies yun. Ang sa kin kasi binibigyan ko sya small bits of ripe mango, banana, tapos pakwan na intact yung seeds. Sa veggies kumakain yun ng carrots. Remember, bawal chocolate, processed foods, tsaka Avocado sakanila. nakakalason yun. Try mo din bigyan mongo sprouts (togue).

Turuan mo din mag-forage mga yan, bili ka nung peanut yung di pa luto. Mahilig sila magkutkot ng kung ano ano, kukutkutin nila yan tapos may pagkain sa loob hehe nakakatuwa tignan. Curious kasi mga yan eh. Dati pinapalabas ko ng cage yung alaga ko kaso ngayon hindi na. Kung papalabasin mo ng cage make sure walang opening na pwede sila makatakas. 3 kasi alaga ko nakatakas yung 2, isa na lang natira sakin. Bumabalik sila kusa sa cage nila.

Bigyan mo rin pala ng shallow bowl na may laman na warm na tubig - pampaligo nila yun. Wag yung galing sa gripo masyadong malamig lagyan mo konting mainit na tubig - pakiramdaman mo lang medyo warm dapat. Bilhan mo din ng cuttlebone - para sa calcium yon. Tanong tanong ka lang sa petstore meron yan.

Advise lang, pag nakita mo may nakakalbo sa kanila, segregate mo agad kung may extra cage ka. Pag di mo na-segregate malaki chances na mamatay yun..

eto nga pala yung alaga ko..

Uploaded with ImageShack.us
 
Wala ba tau ditong official thread for African lovebirds? Naghhanap ako wala akong makita, or onti lang ALBS enthusiasts dito sa SYMB? I have African lovebirds din po pero mga low mutations lang.

hello. ako meron african lovebirds, binili ko sila chicks pa lang 2 weeks old, ngayon 5 weeks old na sila. hinahand feed ko lang sila. my tanong ako since nag aalaga ka africa lovebirds. hindi ko kasi cla mapakain ng seeds ung pang lovebirds na food nila, pano ko kaya sila mapapakain nun? pag wla na kasing mag hhandfeed skanila hndi ko alam kung pano sila kkain. ano experience mo din sa lovebirds mo? thanks!
 
Back
Top Bottom