Hi po sa inyong lahat! Ask ko lang po sana kung posible o kung may nakapagpasalamin na po ba sa inyo na may gradong around 1k to 1.5k at astigmatism from 300 to 500 na MANIPIS? Nakapagtry na po ako ng ultra thin before, kaso sobrang kapal parin po talaga then nalaman ko na may index level pa po pala yung ultra thin, kaso hindi ko po malalaman kung manipis sya unless gawa na. So I'm hoping na meron na po sa inyong nakapagtry ng 1.67 index ultra thin or higher na halos parehong grado o at least malapit. Kung tatanungin nyo naman po kung bakit hindi na lang ako magpalaser, sa ngayon hindi ko pa po sya nicoconsider knowing yung mga risks. Gusto ko lang po talagang malaman kung may chance pa po ba akong makapagsalamin ng normal ang nipis Ayoko din po kasing maulet yung last time na gumastos po ako hoping na manipis yung salamin then makapal parin po pla after magawa Sana po, may makasagot sa katanungan ko Marami pong salamat sa inyong oras at tulong