Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Marcos VS. Robredo, sino ang ibinoto ninyo?

Sino nga ba ang binoto ng mga pilipino sa dalawang ito?


  • Total voters
    192
Tapos na move on na tayo PARA SA IKABUBUTI NG BANSA NATIN
 
Last edited:
Tapos na move on na tayo PARA SA IKABUBUTI NG BANSA NATIN

Tapos na move on na tayo PARA SA IKABUBUTI NG BANSA NATIN

Kung hindi naka move on mga marcos magulo parin, pero sadyang mga yellow democracy ang hirap maka move on, ayon kung hindi daw inumpisahan ni marcos ang pangungurakot hindi daw sana laganap ang kurapsyon, Haha. Mga tingining talaga ang pagiisip eh! Kaya pinatalsik ang mga marcos dahil kurap daw, Pero ng sumunod ang yellow mas lumala ang kurapsyon, mapataas o mababa na posisyon, nadyan ang lagayan. Sa tingin ko ang maipagmamalaki lang naman ng yellow ay demokrasya ng kurapsyon, krimen at pag lubo ng walang trabaho, kaya ngayon wala kang maasahan sa yellow democracy government, kumayod ka sa sarili mong paa at mag bayad ng tamang buwis at ang sasarap ng buhay nila, at hindi nyo ba nakikita kung sino pa yong kurap sya din yong matigas mag bayad ng buwis haha!. Kaya bolok ang stratehiya ng dilaw, biruin mo dinagdagan pa ng dalawang taon ang pag aaral para ma delay nila ang mag graduate every year dahil wala silang maibigay na trabaho. Think sa Japan meron silang 127milyon pero tumatanggap pa sila ng ibang lahi para mag trabaho sa kanilang bansa. Kayong mga dilaw wag nakayo mag malinis dahil palpak talaga kayo. Ang isang palpak palaging sinisisi ang nakaraan imbes na gawin nya na lang ang nararapat para makatulong sa taong bayan. Ang talunan ganyan palagi ang bukang bibig #sisi ng #sisi, tuligsa ng tuligsa wala naman ding nagawa pahirap at mas kurap pa pala haha!
 
Walang babatikos sa mga Marcos kung hindi na sila nakikita ng mga Pilipino gaya ng hindi na pinaguusapan si Hitler ng mga German dahil matagal na xang patay pati ang pamilya niya. Nababatikos lang ang mga Marcos at nauungkat ang nakaraan dahil buhay pa sila at nagtatangka pa ulit silang makabalik sa kapangyarihan. Hindi mo maaalis kahit kanino na batikusin ang pamilyang nagpahirap sa bansa nila sa loob ng 2 dekada. Si Marcos ang #2 na pinaka-corrupt na leader sa buong mundo. Pagsamasamahin mo pa ang ninakaw ng lahat ng mga pulitiko na sumunod sa kanya, sisiw lang un sa corruption ni Marcos. At si Marcos din ang worst president ng Pilipinas. Walang presidente ang sumira sa ekonomiya at naglubog sa bansa sa utang na katulad ng ginawa niya. Si Marcos ang pinakapalpak sa lahat ng presidente. Kaya kahit baybayin mo pa ang lahat ng problema ng Pilipinas ngaun, sisiw lang din un sa problema ng bansa nung si Marcos pa ang presidente.
 
Ayaw na naman pansinin post ko

Dito ko na lang post ala ng pumansin sa kabilang thread e. Hehe

2016 na tayo ngayon. Alam naman natin kung ano ang mga ginawang pagtira nila Pnoy kay Duterte nung nangangampanya pa sila. Kung talagang kalaban siya ng krimen, lahat ng kasabwat sa maanomalyang mga transaksyon sa gobyerno damay kasama na ang leader o promotor ng mga nasabing ilegal na proyekto o transaction. Isa pa, ang sinabi ni Duterte ang sangay na ng gobyerno nya ang bahalang magparusa at magsampa ng kaso sa mga tiwaling opisyal o nasangkot sa mga scandal. Sino ba si Aguirre para di paniwalaan? Di ba siya lang naman ang DOJ Secretary? So dapat maniwala sa kanya at dapat pakinggan. Siya ang may handle ng mga kaso na yan. Labas na si Duterte dyan. Lahat ng nagkasala dapat parusahan kahit ok pa kayo around 2014. 2016 na ngayon marami nang nagbago at lumabas na baho.

Isa pa, naging presidente si Pnoy nagkaroon siya ng kapangyarihan para maipamahagi ang mga lupain na yan at ibalik sa mga talagang nagmamay-ari. Biruin mo 6,453 hectares? sabihin mo nang pwedeng mabenta yan ng 2,000 per square meter e di mga nasa 129 Billion yan lupa pa lang di pa kasama yung halaga ng mga pananim na paniguradong bilyon din ang halaga. Kaya di nila mabitawan at maisauli sa mga kawawang mayari na nauto nila. Kaya nila ipinakulong si Arroyo at ipinaimpeach si Corona ng administrasyon dahil sa personal na galit ni Aquino sa kanila dahil sa Hacienda Luisita parin. Kasi nag sign sila Corona para maipamahagi ang lupain sa Hacienda Luisita sa mga magsasaka kaya pinigilan nila to kaya naglabas sila ng mga paninira kina Corona para mabaliktad ang sitwasyon at maging masama ang tingin ng mga tao kina Corona. Oo matalino magplano ang mga Cojuanco at Aquino pero ginagamit lang nila yun para sa pansariling kapakinabangan lang nila. Tinuturo din nilang naging dahilan tong issue na to para ma stress ng todo si Cory kaya naaga ang pagkamatay nito. Biruin mo ilang dekada nilang pinaghirapang ipaglaban yung lupain na yun wag lang mabawi sa kanila. Kaya talagang naghiganti si Pnoy nung maupo siyang presidente.
 
Regional problem lang ang hacienda luisita. Walang pakialam ang ibang mga Pilipino jan.
 
Dyan naman magaling karamihan sating mga Pilipino, ang mambatikos. Pero sa sariling gawa di mo naman makitaan ng pagiging mabuting Pilipino ang alam lang manisi, mambatikos, manira. Tanong, bago tayo mambatikos at magmalinis, nagtatapon ka ba sa tamang tapunan ng basura? Tumatawid ka ba sa tamang tawiran? Sumunod sa batas trapiko? Tinatangkilik ang mga produktong atin at galing sa legal na pamamaraan gaya ng pagbili ng mga piniratang produkto o pelikula o pagdownload sa mga legit websites? Di ba? hehe.

- - - Updated - - -

Haha nakakatawa naman ang sinasabing walang pakialam ang ibang Pilipino dyan o kayo lang na maka dilaw? Bakit di mo ba kababayan ang mga naargabyado? Porket di ka nadamay wala ka nang pakealam? Yung mga nabiktima ba sa Martial Law isa ka ba sa mga rebelde at aktibista na na torture o nakulong kaya may pakialam ka? Ganun lang yan. Nasa Pilipinas ka kaya lahat ng pangyayari dito sangkot lahat. Kahit pa regional o national yan lalo na kung may mali at yung nakagawa ng mali ngayon ang tingin ng iba ay malinis kahit maraming lihim na ginawang kabalbalan. Wag ganun porket di ikaw yung naargabyado at naapektuhan wala ka nang pakialam. Pag bagyo naman kahit regional pag binagyo kayo nakakatanggap kayo ng tulong galing sa ibang mga rehiyon sa Pilipinas tapos pag di ikaw ang apektado wala kang pakialam?
 
Last edited:
Ganun talaga. Kapag hindi apektado ng isyu ang karamihan wala silang pakialam dun. Mas malaking problema, mas maraming apektado, mas malaking coverage.

Mas malaki, mas malawak at mas mahaba ang impact at damage ng martial law. Kahit hindi ka personal na naging biktima nun, damay ka pa rin dahil lumikha xa ng malaking pinsala sa ekonomiya ng Pilipinas at sa kulturang pulitikal sa bansa na ramdam pa rin hanggang ngaun ang epekto, at dala ni Marcos ang pangalan ng Pilipinas nung mapasama xa sa listahan ng all-time world's most corrupt leaders. May free pass ang mga Aquino. Dahil sila ang nag-restore ng democracy sa Pilipinas na pinakikinabangan ng lahat ng mga Pilipino, wala ng pakialam ang ibang mga Pilipino sa injustices na ginagawa nila sa hacienda luisita kung meron man. Gaya ng sabi ko, regional problem lang un. Ung mga apektado ang dapat makipaglaban para sa mga karapatan nila. Hindi na un problema ng buong bansa.
 
Tanong ko, tinanong mo ba mga magulang mo o ikaw mismo kung naghihirap kayo nung panahon na yun? Kamusta ang buhay kumpara noon at sa ngayon kung ano kalagayan ng buhay ng pamilya mo? Maling walang pakialam. Lahat dapat may pakialam kahit pa maliit o malaking issue yan. Pag nga may nag viral na video e nakikialam agad o nakikireact kayo kahit di kayo apektado. Noon na maliit na issue ngayon lumaki na ati hindi pa nasolusyunan. Buti pa nga dun sa 10 billion na sinasabing kinuha ng mga Marcos e 1 Billion na lang kulang at 9 Billion na ang narecover na hawak na ng gobyerno e yung sa Hacienda Luisita lalong lumalala ang issue. Tuloy-tuloy parin ang karahasan sa pagitan ng mga kawawang magsasaka at mga manlolokong land lord. Isa lang ang malinaw dyan wala lang kayong pakialam sa nangyayari sa ibang sides, nakafocus kayo sa iisang side lang na di naman dapat na yun lang ang tutukan. At isa pa yung regional na yan e sino ba ang sangkot dyan? Ang pamilya lang naman ng dalawang naging presidente ng Pilipinas. Malaking bagay yan. Malaking pera din ang pinaguusapan. At di lang yan, pati yung kasamaan nila di nakikita ng mga one sided lang. At least tanggap naman ng buong Pilipinas na naging corrupt si Marcos pero ang mga Cojuanco at Aquino di nyo matanggap na may mga malalaking kabalbalan ding ginawa at nagpaikot at nanguto sa mga Pilipino. Kung ang bagyo is regional problem din o kalamidad ayos lang sa inyo na pag kayo lang ang tinamaan e bahala na kayo sa buhay nyo? Nakuha mo ba yung point? hanggat residente ka ng Pilipinas dapat may pakialam lalo na kung may mali kang nakikita.
 
Last edited:
Pwede mo ring itanong yan sa mga German ngaun kung bakit nila kinokondena si Hitler e hindi naman apektado o naghihirap ang mga ninuno nila nung Third Reich. Mga Hudyo lang ang target ni Hitler hindi ang mga German.

Hindi lahat ng nakipaglaban sa diktadurya ni Marcos o sumali sa EDSA Revolution nung 1986 ay naging biktima ng martial law at diktadurya niya. Gaya ng hindi lahat ng German ay naging biktima ni Hitler. Hindi mo kelangang maging personal na biktima ng isang rehimen para makilahok na wakasan o ikondena ang rehimen na un. May significance ang martial law history at Marcos dictatorship sa lahat ng mga Pilipino (personal ka mang biktima o hindi) kaya may pakialam ang lahat ng mga Pilipino dun. Walang significance ang isyu ng hacienda luisita sa mga Pilipino maliban sa mga taga-Tarlac kaya wala silang pakialam dun.
 
Yan na naman ang mga german at hitler. Issue sa Pilipinas ang tinatalakay dito hindi issue ng ibang bansa. Wag mo ikukumpara dahil ibang issue na yun. Sinong may sabing di sila apektado? E World War yun, WORLD nga e. Si Hitler ang nagsimula at isa sa utak kung bakit nagkaroon ng World War II kaya natural naman na magalit ang karamihan sa kanya. Humigit kumulang 60 Million ang namatay nun at maraming inosenteng german ang namatay at nadamay. Kaya di mo maikukumpara yan sa Martial Law. Ibang usapan na yan.

Tungkol naman sa DAP at trabaho sa ngayon sa Pilipinas, pag sa DAp ang bilis magrelease ni Pnoy ng pera kahit bilyong piso ang halaga approved agad di mo naman alam kung saan ginamit at lumabas na naging suhol sa mga senador para ma impeach si Corona bilang ganti sa pagpirma ni Corona sa pagpapamahagi sa nakaw na lupain ng angkan nila. Kaya di mo masasabing regional issue din yun dahil maraming naapektuhan kumonekta sa ibang sangay ng gobyerno. Maraming nadamay. Pero napakaramot nya sa mga taong bayan. Gaya ng hiling sa pagtaas ng pensiyon, ayaw nila dahil malulugi daw ang SSS?? Pagtaas ng sahod ng mga nurse sa Pilipinas?? Ayaw din?? Bakit?? Wala ng pondo dahil nagamit na nila o naibulsa na? o ayaw mabawasan ang pondo para sa pansarili nilang kapakinabangan?? Contractualization isa pang pasakit sa mga Pilipino di niya matanggal dahil ang angkan nya isa sa pinakamalaking employer sa bansa. marami pang pasakit at bagay na ipinagdamot ng gobyerno sa bansa. Wag maging bulag.
 
Last edited:
Nasa 600k lang ang German civilian casualties ng WW2. 60 million ang German population nang panahong un. Nasa 120k ang biktima ng martial law, 50 million ang populasyon ng Pilipinas nun, at 5 dekada ng utang at kahirapan ang idinulot ng Marcos dictatorship sa bansa. Hindi ganun ka-extreme ang Marcos dictatorship na katulad ng Third Reich pero gaya ng Third Reich ang Marcos dictatorship ang worst chapter sa post-WW2 history ng Pilipinas. Gaya ng sabi ko, mas malaking problema, mas maraming apektado, mas malaking coverage. Maliit na problema lang ang hacienda luisita kumpara sa problemang nilikha ng martial law kaya hindi mo xa pwedeng i-elevate sa status ng problema ng martial law. Kahit anong problema ng Pilipinas sa nagdaang 30 years, walang makakapantay sa laki ng problema ng Pilipinas nung Marcos Era lalo na nung first half ng 1980s kung kelan tau nabansagang "sick man of Asia" dahil sa naghihingalong ekonomiya na resulta ng 21 years ng pamumuno ni Marcos.

Ang problema kc sa mga Marcos apologist, tini-trivialize o ginagawa niyong insignificant ang martial law ni Marcos at aftereffects nun. Ang martial law ni Marcos ang darkest at most violent period sa history ng Pilipinas after WW2. Sa ilalim ng administrasyon ni Marcos nangyari ang pinakamalalang corruption sa history ng bansa at naganap ang pinakamararahas na krimen na ginawa ng mga (sundalong) Pilipino sa kapwa nila Pilipino.
 
Yun ngang sinasabi mong 70K na biktima ng Martial Law naghihimutok ka na yun pa kayang 600K na buhay ang nalagas nina-LANG mo lang. Haha. pambihira. Sa mga Pilipino nga 50K plus na sundalo ang napatay, 900K na inosenteng sibilyan naman ang napatay. Pilipinas at germany pa lang yan milyon na agad ang namatay. Sa kabuuan 60 Million ang nadeklarang namatay sa World War II Karamihan inosente.

- - - Updated - - -

At pagkatapos ng paghihimutok mo na yan sa Marcos? May ano na mangyayari? May mapapala? May mapapakinabangan pa ba tayo? One sided ka kasi kaya mahirap kang paliwanagan. Yung side na pinagtatanggol mo di mo matanggap na may malaki ring kalokohan at bilyon din ang ninakaw sa kaban ng bayan. Yun lang yun e.

----
Luging-lugi tayo sa pag-privatize ng (6) anim na international airports natin na binigay ni PNoy sa mga cronies niya katulad nila Henry Sy, Aboitiz, Ayala, at Lucio Tan consortium. Mantakin mo kumikita pala ito sa passengers pa lang ng P73.3 billion pesos sa year 2014. Sa kabila nito, tayong mga taxpayers ang nagbabayad ng operations at maintenance ng ating mga international airport, ngunit ang kita ay pumupunta sa mga cronies ni Pnoy. Parang mali ang Public Private Partnership ni PNoy. Ginisa tayong tax payers sa sarili nating mantika.

Grabe talaga siya?....

original posted by: Henry E. Samonte
 

Attachments

  • 13523007_1133103436753007_7822899069661608414_o.jpg
    13523007_1133103436753007_7822899069661608414_o.jpg
    733.1 KB · Views: 4
Last edited:
600k ang German casualties ng WW2, hindi mga biktima ng Holocaust ni Hitler. 7 million ang ipinapatay ni Hitler pero wala xang tinarget na ethnic Germans (maliban sa ilang political opponents niya), puro Jews, Slavs, Gypsies, Romas at iba pang minorities lang. Ang sinasabi mong 60 million ay casualties ng WW2, hindi mga biktima ng Holocaust ni Hitler.

Walang "naghihimutok" dito. Natural lang na reaction of disapproval ang ibinibigay ko para sa isang fascist dictator na bumago (for the worse) sa economic landscape at political culture sa Pilipinas. Basta "Marcos" ang subject ng discussion mauungkat at mauungkat palagi ang martial law, ang condition ng political economy ng Pilipinas nung panahong un, ang corruption nila, ang human rights abuses nila. Kaakibat na ng pangalang "Marcos" ang mga un. Un na ang public perception sa kanila. Sa mga bagay na un sila nakilala hindi lang dito sa bansa kundi pati sa buong mundo. Wala nang mababago kahit pa anong sabihin mo, ko, o opinyon ninuman pero hindi mo pwedeng pigilan ang kristisismo ng ibang tao laban sa mga Marcos.

- - - Updated - - -

Proposal pa lang yang privatization ng international airports. Pinag-aaralan pa xa kasalukuyan, hindi pa naaaprubahan. Duterte administration na ang magdedesisyon tungkol jan.
 
600k ang German casualties ng WW2, hindi mga biktima ng Holocaust ni Hitler. 7 million ang ipinapatay ni Hitler pero wala xang tinarget na ethnic Germans (maliban sa ilang political opponents niya), puro Jews, Slavs, Gypsies, Romas at iba pang minorities lang. Ang sinasabi mong 60 million ay casualties ng WW2, hindi mga biktima ng Holocaust ni Hitler.

Walang "naghihimutok" dito. Natural lang na reaction of disapproval ang ibinibigay ko para sa isang fascist dictator na bumago (for the worse) sa economic landscape at political culture sa Pilipinas. Basta "Marcos" ang subject ng discussion mauungkat at mauungkat palagi ang martial law, ang condition ng political economy ng Pilipinas nung panahong un, ang corruption nila, ang human rights abuses nila. Kaakibat na ng pangalang "Marcos" ang mga un. Un na ang public perception sa kanila. Sa mga bagay na un sila nakilala hindi lang dito sa bansa kundi pati sa buong mundo. Wala nang mababago kahit pa anong sabihin mo, ko, o opinyon ninuman pero hindi mo pwedeng pigilan ang kristisismo ng ibang tao laban sa mga Marcos.

- - - Updated - - -

Proposal pa lang yang privatization ng international airports. Pinag-aaralan pa xa kasalukuyan, hindi pa naaaprubahan. Duterte administration na ang magdedesisyon tungkol jan.

ayos ka brad... attorney ata to ni panot... sana neutral ka... may pag kakamali si juan, sana wag mo rin kalimutan na may mali rin si pedro... kaya di umunlad pilipins eh dahil sa mga kagaya nyo..
 
Hindi umuunlad ang Pilipinas dahil sa anti-Marcos criticism? Mas maunlad na ang Pilipinas ngaun na hindi na mga Marcos ang nasa kapangyarihan dahil mismo sa political criticism na nagpatalsik sa kanila. Kritisismo ang dahilan kung bakit pwede mong punahin at batikusin ang kapalpakan ng mga pulitiko at gobyerno. Kritisismo ang dahilan kung bakit pwede kang mag-demand sa gobyerno ng pagbabago. Ang kawalan ng kritisismo sa isang bansa ang dahilan kung bakit hindi umuusad ang pagbabago ang bansang un. Walang tao, bagay, o ideya ang exempted sa kritisismo. Kung pwedeng batikusin ang relihiyon, pwede ring batikusin ang gobyerno. Kung pwedeng punahin ang mga kapintasan ng mga religious figures kagaya ni Jesus at Muhammad, pwede rin ung gawin sa kahit sinong pulitiko. Kung pwede kong batikusin ang mga Marcos, pwede mo ring batikusin ang mga Aquino o kahit sinong sa palagay mong kalaban ng mga Marcos. Maganda yan. Ipagpatuloy mo lang yan. Walang pumipigil sau at di mo rin dapat pigilan ang iba sa kritisismo nila. Mas maunlad sa pangkalahatan ang mga bansang may democratic principles katulad ng free speech, free press o may kalayaan ang mga taong batikusin ang gobyerno nila at mga pulitiko sa bansa nila para sa kapalpakan ng mga un kesa mga dictatorships kung saan banned ang lahat ng uri ng kritisismo sa gobyerno.

More Prosperous Democracies (which uphold criticism) vs. Poorer Dictatorships (which ban some/all forms of criticism)
USA vs. Russia
Western Europe vs. Eastern Europe
Taiwan (ROC) vs. China
South Korea vs. North Korea
Israel vs. GCC countries
Brazil, Chile, Mexico, Costa Rica, Uruguay vs. Cuba, Venezuela, Bolivia
Christian democracies vs. Islamic theocracies
Philippines (Democratic/Post-Marcos Era) vs. Philippines (Martial Law/Marcos Era)
 
Last edited:
Wag na ikumpara tanggapin na lang na may malalaki ring kabalbalan na ginawa ang mga dilaw. Bilyon bilyon din ang ninakaw nila sa mga Pilipino. Tapos. Hayaan na lang natin yan kamag anak yata to ng mga Aquino kaya di mabatikos ang mga Aquino kahit maraming kasinungalingang pinaggagawa at panloloko sa mga Pilipino. Hehe.
 
Last edited:
Wala akong ibinoto sa kahit sinong Bise. Kasi sa totoo lang wala namang function ang Bise maliban na lang kung mamatay ang Presidente, kaya nga binibigyan na lang yan ng 'cabinet position' para may silbi. At sa nakikita ko, kahit sino pang ihalal dyan, wala pa ring mangyayari, kontrolado pa rin sila ng kanilang mga partido, mga malalaking negosyante at pansariling interes. Kaya di na ako interesado. Kung natuloy lang sana yong Bill ni Merriam na 'Anti-Political Dynasty Bill', 'Anti-Political Recommendation's Bill', 'Anti-Political Turncoatism Bill', etc. baka ganahan pa akong bumoto para Bise.
 
Non of them.,sana may platapormang magpapabago ng turtle net sa Pinas at tagkalin n ang capping ng mga ISP, kurakot kasi..:rant:
 
Back
Top Bottom