Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Monthly expense

braindope

Apprentice
Advanced Member
Messages
71
Reaction score
0
Points
26
Hi to all,

Ask q lng kung ang 15k is enough for starting a family. Im newly wed with a son (4months) living in q.c. Mag-kano kya ung dpat n i-allot q for grocery s budget monthly?. Ng.babalak n kc kmi bumukod ng wife q.
 
Hi to all,

Ask q lng kung ang 15k is enough for starting a family. Im newly wed with a son (4months) living in q.c. Mag-kano kya ung dpat n i-allot q for grocery s budget monthly?. Ng.babalak n kc kmi bumukod ng wife q.

it depends on ur lifestyle..me officemate ako 35k per month xa, with 1 newborn daughter, pero hirap pa rin xa...kung simple k lng at hindi pabebe sa FB laging pakita ng karangyaan, I think 15k will suffice, pero medyo hirap kayu nyan sa emergency expenses..
 
it depends on ur lifestyle..me officemate ako 35k per month xa, with 1 newborn daughter, pero hirap pa rin xa...kung simple k lng at hindi pabebe sa FB laging pakita ng karangyaan, I think 15k will suffice, pero medyo hirap kayu nyan sa emergency expenses..

AGREE ako dito TS, nasa lifestyle lang naman talaga. Advise ko lang, always save money atleast 500php para sa emergency expencies kung ndi nagamit ipunin mo lang para savings na rin. Enjoy Life Always. :)
 
Kasyang-kasya na yan TS kung isa pa lang naman ang anak mo lalo na kung di pa nagaaral. kailangan mo lang is mag budget ng mabuti para di ka magastusan ng malaki. Basta siguraduhin mo lang na nakakakain kayo ng sapat at walang masyadong luho sa katawan gaya ng pagpunta o pagpasyal kung saan-saan, pagkain sa mga mamahaling resto o pagbili ng mga bagay na di naman masyadong kailangan gaya ng mga gadgets at appliances na pwedeng makadagdag sa gastusin nyo lalo na sa kuryente. Isa pang wag mong kakalimutan is dapat meron kayong savings kahit di ka regular na nakakapagtabi sa bank ang mahalaga patuloy mong nahuhulugan yung account in case na kailanganin nyo may makukuhanan kayo para di nyo na kailangan mangutang na magiging dahilan pa ng paghihirap nyo kung sakali.
 
Ouch 35k n per month hirap pa din, di naman kami maluho sa tingin ko.

Budget plan ko is:

6500 - rent eto kasi standard price ng renting sa lugar namin
1300 - internet
2000 - electric and water bill
3000 - grocery ( projected ko lang)

na-list ko lang yung pinaka basic na gastusin monthly may kulang pa ba?
 
Ouch 35k n per month hirap pa din, di naman kami maluho sa tingin ko.

Budget plan ko is:

6500 - rent eto kasi standard price ng renting sa lugar namin
1300 - internet
2000 - electric and water bill
3000 - grocery ( projected ko lang)

na-list ko lang yung pinaka basic na gastusin monthly may kulang pa ba?

Laki pala ng rent dyan sa inyo TS. Kami 3 kami sa bahay kasama ko nanay at tatay ko at ako lang din ang kumikita. Ang nilalaan kong budget para sa pagkain namin sa araw-araw is 200 mula breakfast, miryenda sa umaga, lunch, miryenda sa tanghali, dinner. bale lalabas na 6,000 per month sa food pa lang. sa bill naman sa kuryente namin mga nasa 1,200 lang tapos 300 sa tubig. Bale ang total na gastusin is 7,500 kung kagaya mo naman na magrerent at may internet mag add ako ng 7,800 kaya magiging 15,300 ang gastusin ko. Ganyan siguro dapat maging total na gastusin mo monthly. Wala pa dyan yung pansarili mong gastusin gaya ng pamasahe mo or pang gas mo araw-araw pagpasok sa trabaho pati budget mo sa pagkain at savings para kung sakaling kailanganin nyo ng biglaan ng pera o panggastos.
 
Last edited:
Wla kc mura n rent d2 smin 6500 n lhat ang pricing nla, malaki pla dn ang gastos s food kla q ok n un 3k :weep:
 
(4months) son
isipin mo pa po
gatas - pinaka maliit is 500+
vaccine montly ito. round 3-5k in private- hindi ko alam.

ako rin need ko yan.
wife ko is no work alaga sa baby.
nsa 13k lang din sahod ko.
my support naman ng perents ko.
pero sympre kakahiya umasa.

rent ko free
load sa fone round less than 500
electric - 2000
grocery - ever 15th - nsa 1500
 
Last edited:
kaya mo yan gawan ng paraan ts,,napagdaanan ko din yan,,,sacrifice talaga pag isa ka ng magulang...
 
kami 15k lang din monthly with 2 daughter po ako..kasya naman samin..depende talaga un sa lifestyle nyo TS..ang tataba nga ng mga babies ko eh nagaaral pa ung panganay grade 1 pero public school lang sya..ung for emergency naman iba din un may ipon naman..yong 15k monthly allowance lang talaga sya..
 
kami 15k lang din monthly with 2 daughter po ako..kasya naman samin..depende talaga un sa lifestyle nyo TS..ang tataba nga ng mga babies ko eh nagaaral pa ung panganay grade 1 pero public school lang sya..ung for emergency naman iba din un may ipon naman..yong 15k monthly allowance lang talaga sya..

pwde mo po ba ishare ung monthly expense.
 
Mas malaki pa ang rent expense mo kesa sa akin, 6k lang sakin, sayo 6.5k pa...

Question lang: KAILANGAN nyo ba talaga bumukod? Can you site some reasons para sa pagbukod nyo?

Baka lang maitanong mo ang reason sa pagtatanong ko nito. Kung ia-analyze natin mabuti, the bulk of your salary would be alloted para sa pagbayad ng rent. 43% ng salary mo ang mapupunta para sa pagbayad ng bahay, buti pa kung rent-to-own yan, hindi kita pipigilan. Anyway, from the practicality standpoint, I would advise you to stay where you are, kung nasa poder ka man ng parents mo or ng parents nya. Reasons?

1. Kung sa sariling bahay ng parents mo / nya kayo titira, malaking halaga ang matitipid mo.
2. Kung nagre-rent din ang parents mo / nya, ano ba naman yung mag-share ka na lang ng konting halaga. Like for your example, 6.5k din ang rent nila sa bahay na inuupahan nila, mag-share ka ng half, 3,250 pesos, ilagay na lang natin na 3.5k ang ibabayad nyo, 3k na agad ang nabawas sa rent expense nyo na pwede nyo pa magastos sa iba pang mas kailangan niyo. Gaano kalaki ang 3k? Base sa budget plan mo: equal sya sa 1 month grocery expense ninyo.
3. Base uli sa salary-budget plan mo, I will assume na wala trabaho si misis. Paano kung magkasakit ka? Tapos nag-absent ka, tandaan mo "No Work, No Pay"
4. Yung possible na maging sahod ni misis (after nya maka-recover sa panganganak) hindi pa natin maisasama sa budget plan mo. Pero kapag hindi pa kayo bumukod sa family mo / nya, pwede na din makapagtrabaho si misis. Bakit? Kahit papano, meron na kayo mapapag-iwanan ng anak nyo. Isipin mo na lang, yung 3k na natipid mo sa #2, ang gawin mo, ipang-share mo na lang as grocery for the whole family, may bantay pa ang anak mo. At ang pinakamaganda pa dun, may trabaho pa si misis para ipandagdag sa budget nyo.

Isa pa sa nakikita ko na paraan sa pag-trim down ng expenses nyo, INTERNET expenses. 1.3k? Seriously? Ano nga pala nature ng work mo? KAILANGAN mo ba talaga ng internet? or GUSTO mo lang ng may internet? Kung walang internet, pwede mo pa gamitin yan 1.3k mo as emergency funds.

Tandaan mo, habang lumalaki ang bata, lumalaki lalo ang gastos mo. Eh paano kung mabuntis pa uli si misis?

I'll wait for your reply dun sa question ko.
 
TS,
Reason namin ng misis ko sa pag-bukod, kasi medyo nag-rereklamo narin yung byenan ko, tapos yung mga kapatid nya nag-papasaring narin (ine-expect din talaga nila na bumukod na kami). Although nag-bibigay din kami 3.5K monthly (kahit siguro dagdagan namin ganun pa din sila). Di rin pwede samin tumira kasi maliit lang yung bahay and madami nakatira, no room for us na. Gusto ko rin sana malapit sa work ko para mabilis ako makauwi. For now inaabot ako ng 2hrs. sa byahe (4hrs. balikan)

Need ko yung internet sa line of work ko kaylangan ko minsan mag-remote kasi. Di pede sa shop gawin kasi security issue yun. Eto narin source ng balita ko believe it or not di na ako nanonood ng TV, purely sa net nalang ako nag-aupdate sa news and pag-kaylangan ko mag-research or aralin yung mga bagong pinapagawa sakin sa work. Heavily depended ako sa internet sa line of work ko. For future use din namin if mag-umpisa kami ng online business (tagal na namin to balak). Nag-try na ko ng mas-mababang plan dati sablay pag-nag-reremote ako sobra bagal.


Maganda mga suggestions mo TS pag-iisipan din namin yang mga yan :)
 
Need ko yung internet sa line of work ko kaylangan ko minsan mag-remote kasi.
bakit po di ka mag demand sa company, para sa plan mo! kung purely work naman pala kaya kailangan mo na net sa phone.
 
tingin ko di ako pag-bibigyan ng company ko ngayon, bukod sa di pa ako regular, di pa solid yung dept. na napuntahan ko newly form lang kasi
 
Kung mabait, kontento at walang reklamo ang wife, kasya na ang 15k na budget with the new born baby. Ang hirap lang kasi jan yung gamit ng bata like diaper and gatas. Pero ako as single, di kasya kahit na di ganung kabongga ang lifestyle ko :lol:
 
Sapat para sa monthly expense mo ngayon pero di sapat para sa gastos buong buhay mo. Para sakin mga 60k up dapat ang monthly income nyo bago magpamilya at kung balak magretire ng 60-65yo.
Sakin kulang yan. Kung assuming saktong 40k makukuha mo at walang bawas na tax at sabihin nating 25yo ka nagsimula magtrabaho at magreretire ka ng 60yo.
Ang magiging pera mo ay 40k x 12mo/yr x 35years = 16.8M

Bibili ka
Bahay - 2M
Kotse -2M
Pagtanda nyo magasawa magkakasakit kayo ng cancer sa kilikili o kaya papabrain transplant kaya 2M per head para sa treatment.
Total 8M

Kung mabubuhay kayo magasawa hanggang 75yo at budget nyo per day per head is 200:
75 - 25 = 50yrs
50 x 365days x 400 = 7.3M

Gastos sa bahay, 2k kuryente, 1k maynilad at mineral, 500 lpg, for 50yrs
3.5k x 12months x 50yrs = 2.1M

Gastos sa anak per day hanggang 25yo. Kung 200 per day din budget:
25yrs x 365days x 200 = 1.825M

Papaaral ka ng anak? Sabihin nating 40k per year tuition for grade 1 to 12. At 40k lahat para sa junior, senior kinder, prep.
40k x 13yrs = 0.52M
Allowance, kunwari 100 per day para pandagdag lang dun sa 200 budget nyo sa anak per day
100 x 20days/month x 9months/year x 13 yrs = 0.234M

Papacollege ka? Assuming 50k per semester at 2 sem per year, 5yr course, additional 200 for allowance
50k x 2sem/yr x 5yrs = 0.5M
Allowance, 200 x 20days/mo x 9months x 5 yrs = 0.18M

Total gastos
8M + 7.3M + 2.1M + 1.825M + 0.52M + 0.234M + 0.5M + 0.18M = 20.659 million

Di pa kasama jan yung mga magandang damit, gadgets, pasyal, abot para sa kamaganak, sugal, panlibre, gastos sa kabit, painom, pachristmas, pabirthday, nilindol, binaha, binagyo, ninakawan, nakasagasa, nauto sa networking, etc. :D

Kaya ako iwas muna magasawa. Business muna :D
 
Last edited:
nakita ko na yan post mo sa isang pa thread dito. medyo unrealistic ang mga figures,

unang-una, hindi lahat ng tao ay pare-pareho ng "goals", ang goals ay relative sa kasalukuyang katayuan ng pamumuhay. siguro sayo iyan ang relative goals mo, mas malamang kay TS hindi ganyan. base sa sinabi ni TS, 15k lang ang sahod nyo, so dapat ang ibinigay mo figures ay around the realistic values na pwede nya ma-attain / makuha... kung ikaw ay isang ordinaryong empleyado na may sahod ng 15k, sa tingin mo, ilang taon or ilang dekada ang kailangan mo maabot para makarating sa level na 60k a month ang maiuuwi mo?

mas maganda sana kung ang figures na binigay mo ay relative sa status nila
 
nakita ko na yan post mo sa isang pa thread dito. medyo unrealistic ang mga figures,

unang-una, hindi lahat ng tao ay pare-pareho ng "goals", ang goals ay relative sa kasalukuyang katayuan ng pamumuhay. siguro sayo iyan ang relative goals mo, mas malamang kay TS hindi ganyan. base sa sinabi ni TS, 15k lang ang sahod nyo, so dapat ang ibinigay mo figures ay around the realistic values na pwede nya ma-attain / makuha... kung ikaw ay isang ordinaryong empleyado na may sahod ng 15k, sa tingin mo, ilang taon or ilang dekada ang kailangan mo maabot para makarating sa level na 60k a month ang maiuuwi mo?

mas maganda sana kung ang figures na binigay mo ay relative sa status nila

Unang-una, kaya nga nagpost ako na "para sakin" dahil alam kong iba iba ang "goals" ng mga tao eh. Pangalawa, ano bang realistic values ang sinasabi mo? Ikaw na nagsabi na iba iba ang goals ng tao kaya di ka makakapagbigay ng perpektong computation. May mga tao na sapat na ang asin at tuyo na ulam. May mga tao na mala fiesta kada hapunan. Kaya nga nagbigay ako ng computation ng posibleng maging gastos nya in the future. Para sya na mismo ang magadjust depende sa pamumuhay nya. Gusto mo makatipid? Mag skwater ka nalang at maghintay ka na bigyan ka ng libreng pabahay. Wag ka bumili ng kotse tapos pag nagkasakit ka ng cancer, panalangin mo na late stage mo na malaman para di ka na magpatreatment. O di ba tipid ka na ng 8M. Pangatlo, malabo ba ang 60k? I don't think so. Kung dalawa kayo magasawa kakayod, edi tig 30k kayo. Dekada ba aabutin para magka 30k na sweldo? Di malabo ang starting na 25-35k. Syempre depende yan sa trabahong papasukan mo at skills mo. IT, call center, OFW, etc. Pangapat, kaya ako nagbigay ng 60k na target, dahil mahirap macompute kung magkano ang magiging income ng bawat tao. Pwedeng 15k sa umpisa at 40-50k or more pagdating ng edad na 50yo up. Mahirap icompute kung di ko alam kung kelan sila mapopromote kaya kung tingin nila habang buhay na silang di mapopromote, edi targetin man lang nila yung tig-30k na income nilang dalawa bago sila gumawa ng major decision katulad ng pagbukod. Gusto mo ng mas mababang target? Edi iadjust mo yung gastos mo.
Gusto mo ng computation relative sa status nila? Kaya maraming pamilyang sumasablay sa gastusin eh. They don't look at the bigger picture. Kokompyutin lang nila yung monthly gastos nila, tapos pag may sobra kung saan saan gagastusin. Kaya pagdating ng bayaran ng tuition fee, nganga.. pag nagkasakit, punta sa albolaryo para makatipid o kaya itutulog nalang

San ko nakuha yung 60k? Dun sa 20.659M assuming 35yrs ka magtatrabaho. Dinagdagan ko lang ng 10k+ para pang extra
20,659,000 ÷ 35yrs ÷ 12mo/yr = 49.2k
Gusto mo ng mas mababang target? Edi magretire ka ng 65+. Kung 40yrs ka magtatrabaho:
20,659,000 ÷ 40yrs ÷ 12mo/yr = 43k

Tig 22k+ kayo magasawa. Mukha bang imposible yang target ko? Di naman ah...
 
Last edited:
dto sa province sweldo ko lang mga 14, at dalawang anak pa, sa elementary na sila pero dahil work ako sa school libre ang tuition, kung sa pangarw arw kaysa pero d maiwasn na makulngan parin.... libre pa ang bhay d kmi nagrerent kaya kung sa 15k mo, cgurado magkakaproblema ka dyan gatas palng ng anak mo magastos yan saka pampers... hehehehe
 
Back
Top Bottom