Haay.. Sana nabasa nila na yung pinost kong 60k ay total income ng dalawang magasawa..
At di porket tig 30k ang target mong income for each of the couple ay maghahanap na kayo ng 30k na starting salary agad. Sabi ko nga mahirap macompute kung kelan magiincrease yang sweldo mo kaya average ang targetin mo. Halimbawa 15k sweldo mo for 10yrs. obvious naman na below yan sa 30k target mo. Kung after 10yrs ay 25k na sweldo mo then after another 10yrs 35k na... ang average mo ay
((15k x 10yrs) + (25k x 10yrs) + (35k x 10yrs)) ÷ 30yrs total =
25k
So 30yrs na nakalipas pero di ka pa umaabot sa target mong 30k. Sa natitira mong 10yrs bago ka mag retire ng 65yo magkano dapat ang target mong increase sa sweldo para maabot mo yung 30k?
[(15k x 10yrs) + (25k x 10yrs) + (35k x 10yrs) + (target x 10yrs)] ÷ 40yrs total = 30k
750k.yrs + (target x 10yrs) = 30k x 40yrs total
(target x 10yrs) = (30k x 40yrs) - 750k.yrs
target = [(30k x 40yrs) - 750k.yrs] ÷ 10yrs
target =
45k
Ayan dapat 45k na sweldo mo sa natitira mong 10yrs. Masyado ba malaki yang 45k? katulad ng sabi nyo pwedeng tumaas ang presyo ng kotse at bahay, pero meron din namang wage increase di ba? Pwedeng masyadong malaki yan ngayon pero pagkalipas ng 30yrs eh maliitan ka na. Pano kung file and rank employee ka lang? Kaya nga kelqngan mong magsikap para sa pamilya mo eh. Kung kontento ka na jan e di kelangan mo nga mag tiis. Kaya nga maraming nangungutang mapatapos lang ang anak. Kasi di nila naestimate kung magkano talaga ang gastos nila. Kala nila ok na yung monthly sweldong nakukuha nila ngayon kasi yun lang angmkinompute nila. Kaya ayun. Pag anjan na ang bayarin, kapit sa patalim
- - - Updated - - -
That's it! That's the point. Nakuha mo pala yung sinasabi ko. Mahirap magbigay ng realistic values dahil hindi natin alam kung ano ang mangyayari bukas and/or sa mga susunod na araw at taon. Ano ba ang sinasabi ko na realistic values na relative sa status nila?
Give or take 5-10 years, pareho pa ba ang kalagayan nila sa ngayon? Maaaring oo, mas malamang hindi. What more sa ia-assume mo na 65-years-old retirement plan na isinama mo. Mas malaki ang time-range, mas malaki ang variance. Bakit ka lalayo ng sobrang layo? Ideal values na yun. Maganda yun sa pagpa-plano. Pero since masyado nga mahaba ang duration, marami ka makakalimutan i-consider.
Lol! Bakit ka lalayo ng sobrang layo? Para mapaghandaan mong mabuti. Para hindi ka nangangapa pagdating ng bayarin. Kung di mo inestimate kung magkano pa ang gastusin nila in the future malamang mahirapan sila. Kaya nga kapag may mga taong nanalo ng milyon, kala nila mayaman na sila. Todo bisyo, gastos at sugal hanggang maubos. Bakit? Kasi masyadong malaki ung perang hawak nila kumpara sa monthly expense nila. Kumpara mo sa taong nagplano for his future. Pagnakita nyang marami pa syang hahabuling panggastos, mas lalo syang magsisikap at magtitipid.
Also, yung opinion mo po ay relative sa goals mo. Ang hinihingi nya po dito ay realistic values na relative sa status nya, not yours po. Clear?
Goals ko? Pinakita ko lang sa kanya kung pano nya dapat paghandaan yung gastusin nya. Mahirap ba magpalit ng values depende sa gastusin nya? Not realistic ba yung paghandaan mo ang pampaaral mo sa anak mo? Yung pampagamot mo pagnagkasakit ka? Ang importante dito nakikita nya yung gastos nya in the future.. hindi yung monthly lang ang pinaghahandaan nya.
NOTE: I'm not saying mag-stay sya sa current level ng sahod nya. What I am saying is - kaya nya makapagstart ng pamilya with that salary at kaya nya makapagtaguyod ng pamilya with much, much less budget than what you assumed.
Lol! Sa payatas maraming nakatira na more or less 100 a day lang ang income pero meron parin jan nakakatapos ng college. And ang budget nila is much,much less din than what you assumed. Again, kaya nga sinabi ko na "para sakin" yung target ko. Para makita lang ni ts kung ano ang magiging gastusin nya in the future. Pwede nyang palitan yung values base sa pamumuhay nya.