Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Mountain bike questions, tanong lang kayo. Sasagutin ko

Sir Good day po beginner po ako, As beginner 1st time bibili ng mountain bike 5'6 height ko ano ano po ba dapat specs ang mas maganda para
sa akin, Ano bang mga mgandang requirements na tandaan ex po anong frame body type, Fork type, What Speed,anong klase na break etc etc.... yung mga parts po dapat na nakalagay sa mga halagang 5-8k meron na po ba ?? salamat po sir :) God bless
 
i suggest sir na w8 mo na alng makumpleto ang parts bago ikabit para di ka magkaproblema. Kung ikakabit mo po kasi, magkakproblema ka sa shifting kasi ang front derailleur mo eh pang 3speed crank.

kapag nakabili ka na ng crnakset eh bumili ka din ng cassette na 11speed, rear derailleur na 11speed, front derailleur na 2x11, chain na pang 11speed at shifters na pang 2x11.

so yung breakes na lang ang matitira.. hindi ba kaya maiadjust ang FD para magamit sa 2 chainrings ?
 
- - - Updated - - -

- - - Updated - - -

kahit anong model sir pwede sa beginner, ang pinakaimportante jan eh dapat, tama ang sukat ng bike sayo kasi kahit pinakamagandang brand kung din naman sukat sa katawan mo eh ikaw lang din ang magsasuffer. Go na ikaw sir :)

- - - Updated - - -

yes po sir pwedeng iupgrade yan, pwede mong gawin hydraulic brakeset. pwede ka din magpalit ng groupset like deore, pero much as possible gamitin mo muna ang bike mo, saka ka na magupgrade, ienjoy mo muna ang bawat ride.

Thanks sir, 5'11 height sakto kaya sakin yung m136?

nanood kasi ako sa youtube dapat daw ata pag naka stretch yung paa mo simula pedal hanggang saddle?
 
nung bumili ako, malaking frame (17" na 27.5) yung pinili ng pinsan ko para sakin para daw tama sa height.
adjust mo na lang saddle height mo para mastretch yung binti mo :D
 
Sir Good day po beginner po ako, As beginner 1st time bibili ng mountain bike 5'6 height ko ano ano po ba dapat specs ang mas maganda para
sa akin, Ano bang mga mgandang requirements na tandaan ex po anong frame body type, Fork type, What Speed,anong klase na break etc etc.... yung mga parts po dapat na nakalagay sa mga halagang 5-8k meron na po ba ?? salamat po sir :) God bless

sa budget nyo po eh ang masasuggest ko ay yung mga built bikes, basta ang frame size po dapat ay size 17 or medium.
sa 8k mountain bike na po yung expect mo na ang parts nya ay:

fork: coil spring type
groupset: shimano 7 or 8speed
brakeset: mechanical disc brake

- - - Updated - - -

so yung breakes na lang ang matitira.. hindi ba kaya maiadjust ang FD para magamit sa 2 chainrings ?

yes po sir kung ok pa naman sya eh pwede pa magamit,, actually pwede naman sir pero matrabaho sya at di advisable.

- - - Updated - - -

Thanks sir, 5'11 height sakto kaya sakin yung m136?

nanood kasi ako sa youtube dapat daw ata pag naka stretch yung paa mo simula pedal hanggang saddle?

di ko masasabi sir kasi kahit m136 sya eh ibat iba ang size ng frame, sa height mo sir dapat sayo ay large or size 18 frame. yung sinasabi mo na nakastretch ay depende na po yun sa saddle height mo or taas ng upuan, dun ka magbabase kung gaano dapat kataas ng upuan mo sa bike.
 
sa budget nyo po eh ang masasuggest ko ay yung mga built bikes, basta ang frame size po dapat ay size 17 or medium.
sa 8k mountain bike na po yung expect mo na ang parts nya ay:

fork: coil spring type
groupset: shimano 7 or 8speed
brakeset: mechanical disc brake

- - - Updated - - -

Salamat po ng marami pasensya na po kung matanong sa tingin nyo po ba itong Specs na to ay naayon na po sa aking size wala kasi nakalagay yung body size,
Alloy frame
3x8 speed drivetrain
Lockout fork
Mechanical disc brakes
27.5 wheelset

Salamat po ulit God bless
 
Sa quiapo po ba marami mabibilhan ng jersey at cycling short.... un terno po? Or may ma ssuggest po b kayo na iba or online seller na mura lang... :) salamat po
 
frame size sir ang importatnte jan, yung po dapat ang malaman nyo kung ano ang size, kung medium lang naman sya, ok na din.
 
nakabili na po ko ngayon trinx m500 wala na kasing m136. :wave:

@skylar21 kaya lang 26"*17" 7500php po bili ko

Specs:
Frame: 26"*17" Alloy Special-Shaped Tubes
Fork: Trinx Steel Suspension Travel: 100mm
Pedal: Natty
Saddle: Trinx Sport
Handlebar: Trinx Hi-Ten Steel Oversize Flat
Shifter Lever: Shimano ST-EF65
FD: Microshift FD-M20
RD: Shimano RD-TY300
Cassette: Trinx Steel 13-32T
Chain: Kmc C70
Chainwheel: Prowheel 22/32/42T*170L
Break: Trinx Alloy Mechanical Disc
Hub: Trinx Sealed Bearing
Rim: Trinx Alloy Double Wall
Tire: Cst 26"*1.95"

___

Saka na ko mag uupgrade enjoy ko muna yung bike gaya ng sabi mo sir Ramonc2

Di ko alam pano na magsisimula sa cycling, plano ko sana gumising araw araw ng maaga para mag bike 1hour?

kanina lang 30minutes ako nag pedal para maiuwi yung bike.. hingal na hingal na ko :lol: di ko din kasi gamay gumamit nung shifter (front 2 : rear : 5) yung default nung ginamit ko. hanggang makauwi

Quick question : pasensya na dami kong tanong :pray:

1. Need ko na po bang bumili ng helmet, jersey at cycling short? or ok na muna yung casual shorts + white tshirt + cap pag mainit?

up ko yung question ni sir kevz_020 , tumingin kasi ako sa lazada 600php shorts palang normal price na po ba yun?

2. Ano pong magandang master lock para sa bike para di manakaw?

ito po yung gamit ko ngayon kaso parang pwedeng putulin

Sapat na po ba yung isa or dalawa dapat? para sa front and rear wheel?

View attachment 299469

3. gusto ko sana in "future" na ako na mag maintenance ng bike ko, may toolkit(set) po ba ang bike or isa isa ko silang bibilhin? screwdriver lang kasi meron ako haha

(sabi nmn nung salesman every month daw ipamaintenance ko sa kanila para ma check yung mga break at shifter)
 
Attachments

  • 1.jpg
    1.jpg
    19.6 KB · Views: 0
Last edited:
Sa quiapo po ba marami mabibilhan ng jersey at cycling short.... un terno po? Or may ma ssuggest po b kayo na iba or online seller na mura lang... :) salamat po

marami po sa quiapo lalo yung sa kabilang road, yung katapat mismo ng bikeshops, may terno which costs around 800/set.

- - - Updated - - -

nakabili na po ko ngayon trinx m500 wala na kasing m136. :wave:

@skylar21 kaya lang 26"*17" 7500php po bili ko

Specs:
Frame: 26"*17" Alloy Special-Shaped Tubes
Fork: Trinx Steel Suspension Travel: 100mm
Pedal: Natty
Saddle: Trinx Sport
Handlebar: Trinx Hi-Ten Steel Oversize Flat
Shifter Lever: Shimano ST-EF65
FD: Microshift FD-M20
RD: Shimano RD-TY300
Cassette: Trinx Steel 13-32T
Chain: Kmc C70
Chainwheel: Prowheel 22/32/42T*170L
Break: Trinx Alloy Mechanical Disc
Hub: Trinx Sealed Bearing
Rim: Trinx Alloy Double Wall
Tire: Cst 26"*1.95"

___

Saka na ko mag uupgrade enjoy ko muna yung bike gaya ng sabi mo sir Ramonc2

Di ko alam pano na magsisimula sa cycling, plano ko sana gumising araw araw ng maaga para mag bike 1hour?

kanina lang 30minutes ako nag pedal para maiuwi yung bike.. hingal na hingal na ko :lol: di ko din kasi gamay gumamit nung shifter (front 2 : rear : 5) yung default nung ginamit ko. hanggang makauwi

Quick question : pasensya na dami kong tanong :pray:

1. Need ko na po bang bumili ng helmet, jersey at cycling short? or ok na muna yung casual shorts + white tshirt + cap pag mainit?

up ko yung question ni sir kevz_020 , tumingin kasi ako sa lazada 600php shorts palang normal price na po ba yun?

2. Ano pong magandang master lock para sa bike para di manakaw?

ito po yung gamit ko ngayon kaso parang pwedeng putulin

Sapat na po ba yung isa or dalawa dapat? para sa front and rear wheel?

View attachment 1175461

3. gusto ko sana in "future" na ako na mag maintenance ng bike ko, may toolkit(set) po ba ang bike or isa isa ko silang bibilhin? screwdriver lang kasi meron ako haha

(sabi nmn nung salesman every month daw ipamaintenance ko sa kanila para ma check yung mga break at shifter)

eto sir mga sagot ko sa tanong mo:

1. better safe than sorry po tayo, kya need mo po talaga ang helmet, kahit tshirt na lang muna at shorts basta naka helmet ka, di natin masasabi sa daan, maingat ka nga sa pagbabike pero ang ibang sasakyan ay hindi, ikaw din, mas mura bumili ng hemlet kesa magpagamot sa ospital. kapag nagkabudget ka na, magandang tshirts ay drifit pra kahit mapawisan ay mabilis matuyo pawis sa damit, hindi mabababad ang likod mo sa pawis. kung bibili ka ng outfit sa bikeshops ka bumili kasi mas mura po dun. mas recommend ko ang jersey kasi may backpocket sya kung saan mo pwede ilagay ang ibang gamit mo like cp at wallet. sa shorts kung saan ka komportable.

2. kahit anong brand po ng bike lock maganda basta sa trusted seller ka bibili pra di palyado. pero eto po tanong ko, kung ang bike lock ay gagamitin lang sa bahay pra ilock ay kung pwede ay sa loob na lang ng bahay itago si bike kasi uso ngayon ang magnanakaw ng bike sa garahe kahit nakabikelock, nilalagari talaga nila or ginagamitan ng bolt cutter. yungbike ko sabahay sa kwarto ko talaga tinatago. kung magpapark naman sa labas or sa lugar na pupuntahan, siguraduhin na maayos ang pagkalock nyo at kung iiwan nyo eh tingnan tingnan nyo rin, wag kayo makampante at maging alerto kasi uso ngayon ang nakawan ng bike. ako kapag nabili ko sa 7-11 at iiwan ko ang bike, pag nasaloob ako ehsinisilip ko talaga at nichecheck ko kung may umaaligid or kahinahinala, pag pag may nakita ako or nakutoban, lalabas ako pra tingnan.

3. may nabibili po online, lalo sa facebook or kahit sa bikeshops na complete toolbox, around 2.5k-3k ang price nya. tama yung mekaniko, kung tingin mo eh lumalalim na ang pisil mo sa brake lever eh ibig sabihin non ay napupudpod na sya kya ipacheck mo din.

correction lang po mga sir,lagi ko kasi napapansin. pra sa konting kaalaman.

magkaiba po ang break (sira/basag) sa brake (preno).
 
:thanks: a lot sir brake pla :lol:

Drifit shirt at helmet muna unahin ko :salute:

Last na tanong nalang siguro sir.

4. buwanan din ba yung pag lalagay ng grasa? (oil? di ko alam english kung same sila grasa or oil)? anong brand po gamit nyo?

5. pagnililinis po ba yung gulong ng bike ok lang mabasa yung mga gear? or lalagyan dapat ng grasa or oil pagnabasa?
 
@homolusk233

nice nice, okay yang bike mo :thumbsup: yung bike ko gusto ko kaagad maupgrade, syempre for performance and to show off na din :laugh:

ako gumigising din ng umaga, 4am, 5km ride lang, di aabot kung 10km e, may pasok pa. :lol:
 
Thanks, practice muna ko bukas gumamit ng shifter di kasi ako sanay haha :lol: nanonood lang ako ng tutorial sa youtube ngayon :dance:
 
:thanks: a lot sir brake pla :lol:

Drifit shirt at helmet muna unahin ko :salute:

Last na tanong nalang siguro sir.

4. buwanan din ba yung pag lalagay ng grasa? (oil? di ko alam english kung same sila grasa or oil)? anong brand po gamit nyo?

5. pagnililinis po ba yung gulong ng bike ok lang mabasa yung mga gear? or lalagyan dapat ng grasa or oil pagnabasa?

eto po sir:

4. Ang grease/grasa po ay yung malapot na parang paste. Ang oil ay yung medyo malabnaw na parang mantika.

grease = bearings, hubs, crankset, shifter cables, brake cables(mechanical disc brake at rim brake).
oil = chain

Kung ang hubs mo po sa wheelset ay shimano ang tatak, it means cup and cone sya, meaning, loose bearings ang gamit nya. Kung malimit ka magbike (5x a week), need mo ang twice a month na iparepack or regrease ang bearings sa hubs, depende na rin kung nababasa. kung sealed bearing naman ang hubs mo eh kahit once every 6months.

5. kung maglilinis po ng gulong hanggat maaari ay wag mabasa, kung kaya mo sir baklasin gulong ay much better. kung aksidenteng nabasa or sinadyang mabasa, be sure na tutuyuin mo ng mabuti o punasan mo ng tuyong basahan tapos bilad mo sa sikat ng araw ang bike mo pra tuyong tuyong pra di matengga ng tubig n mgiging dahilan ng kalawang, kung tingin mo eh tuyong tuyo na. lagyan mo na ng oil ang chain pra less friction at gumanda ang shifting. nakakasira ng gear at chain kapag walang oil kasi prone to friction na nakakapudpo lalo ng ngipin ng gears(sprocket/cogs/cassette).
 
:Thanks: ulit boss laking tulong sakin :salute:
 
anu pinag kaiba ng deore at acera?

Mas mataas po ang Deore sa Acera, performance, price at weight factor.

eto po hierarchy ng Shimano MTB groupsets:

1. XTR
2. Deore XT; Saint(downhill)
3. SLX; Zee(downhill)
4. Deore
5. Alivio
6. Acera
7. Altus
8. Tourney

Sa Road bike groupsets naman po ay:

1. Dura-Ace
2. Ultegra
3. 105
4. Tiagra
5. Sora
6. Claris
 
Last edited:
salamat :D
tanung ule anu magandang tire para sa road biking?
 
"road biking" meaning sir ay ano po, naka-mountain bike ka po pero sa road lang palagi, or road bike po talaga ang gamit mo?

kung mtb ang gamit mo pero pure road eh pinakamaganda ang maxxis detonator, kung mtb on road pero di aspalto at may konting rough roads, maxxis crossmark or maxxis pace.
 
Back
Top Bottom