Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

My dog is dying, hindi ko na alam gagawin

Status
Not open for further replies.

sth_gerds

 
 
Professional
Advanced Member
Messages
186
Reaction score
218
Points
193
Perfect Health
Solid Family
Divine Faith
Endless Happiness
Absolute Peace
Mind Stone
Power Stone
Reality Stone
Soul Stone
Time Stone
Space Stone
Good Luck
Help naman dito mga ka symb..
Medyo long post, pasensya na..


Nag start to nung January 25, biglang nagsusuka yung aso kong 3yrs old spitz/shitzu. Pag feeding time, kumakain naman siya pero mga ilang minutes start na naman siyang mag suka ulit, tapos maraming white foam. Buong araw yung suka nya nun pero tumitigil naman pag di siya nakakakain.


So nung 26 dinala namin siya sa Vet, sabi possible daw na may nalunok na kung ano yung aso since normal naman ibang vital signs. Nagreseta si Vet ng gamot ng sa suka at pang pa poops, may antibiotic para sa infection. Sabi sa amin baka daw mailabas nya naman sa poops nya yung nakabara.

Pero wala pa rin nagbago, nag susuka pa rin siya kada kain. Ginawa ko hinaluan ko na lang ng dextrose yung tubig para di naman siya manghina.


Nung 27, dinala namin siya sa ibang Vet for 2nd opinion and sabi sa amin need na nya daw ng operation :(. Kailangan din daw i xray muna para malaman saan yung bara sa bituka nya.

Mejo nanlambot ako sa sinabi nung second vet about sa xray. Hindi daw available sa probinsya namin yung xray for pets at need pa namin pumunta sa other province or sa Manila pa. ..

(sa isip isip ko wala na akong ibang option nito).

Hindi ko na din alam gagawin, hindi naman kami nakakaluwag masyado para ma prioritize operation ng aso ko.

Until now sumusuka pa rin siya pag pinapakain namin and nanghihina na din kasi tubig na lang nalulunok nya :(

Awang awa ako sa aso ko pero wala ako magawa. Palagi siya nakatingin sa akin and yung mata nya parang pagod na pagod na.

Hindi ko matiis makita na ganito sitwasyon nya. Iniisip kong i put down na lang siguro siya pero parang di ko yata kaya gawin yung ganun.


Yung other option ko ay ipa adopt na lang siya sa tutulong na mapagamot siya. Willing ako ibigay siya sa ibang tao basta wag lang siya mahirapan.


Baka may ibang option kayong naiisip guys, hindi ako nag aask ng donation pero if may makakatulong,eto lang ang isa sa paraan na alam ko :(





Maraming salamat mga ka Symbianize .

edit:
--close ko na po to.. di na nya po kinaya..salamat po sa concern.. magiging attentive na lang siguro ako sa next na pet ko. thank you po sa lahat.--
 
Last edited:
painumin mo ng SMP 500 w/yakult straight 7 days. Search mo sa youtube gagaling yan
Try ko po to sir. Yun nga lang kasi, pag pinapakain namin siya, ganado naman yung parang gutom na gutom pero parang di dumidiretso sa tyan yung pagkain :(
 
kapag nalilipasan ng gutom minsan nag susuka talaga parang foam. tpos minsan pag nalalamigan sikmura pahiran mo epekasin
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom