Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

MY RELATIONSHIP WiTH MY MOTHER (MAHAL KITA)

Status
Not open for further replies.

Von Neo Gozos

Novice
Advanced Member
Messages
27
Reaction score
0
Points
26
Ang nanay ako ay 59 years old na. Tumatanda na sya at unti unti nang namumuti ang mga buhok niya. Siguro hindi ko nahahalata na ganoon na sya katanda ngayon eh kasi naman medyo bagets ang hilig niya. Mahilig kasi siyang magkulay ng buhok. Favorite niya pa ay Blonde kaya hindi mo agad mahahalata na maedad na siya at marami ng puting buhok. Ang nanay ko ay masipag. Minsan nga natatanong ko ang aking sarili, paano niya kaya napapagtitiisan yung mga gawain niya araw araw para lang maitaguyod ang pamilya namin. Lagi siyang nagluluto, namamalengke, nangungutang, nagluluto ulit, tas mangungutang at sumisigaw lagi ng malakas sa tanghali at gabi ng "HOY KAKAIN NA!!" ,"Von kain na", "Hoy hindi ka pa ga kakain?" (batangenyo accent kami). Siguro natitiis niya ang mga gawaing ito dahil masarap ang gawain niya, ang maging INA at hinding hindi siya magsasawa dahil mahal niya ang mga anak niya. At alam ko ganun din ang ibang ina. Labing isa kaming magkakapatid at dapat labing apat pa . Kasi nakunan yung iba. Ang dami ng pagod ang naexperience ng aking ina kasi madami kaming nag aral. Pero alam ko, na sulit ang lahat ng pagod niya kasi lumaking mababait at magalang ang mga anak niya. Pang labing tatlo ako sa magkakapatid at High school pa lang ako.

Ang nanay ko ay masayahin at sa kabilang dako, napaka nerbiyosa. May makapa lang siya na bukol sa parte ng katawan eh kakabahan na siya at magtatanong sa amin ng paulit ulit na baka cancer na yon pero ang totoo, fats lang pala. O kaya naman, umihi sya ng dugo, nenerbiyosin na iyan at magtatanong ng paulit ulet na baka may kanser na sya sa ovary pero ang totoo, UTI lang. Minsan nga niloloko pa namin siya na " hala nay, bakit may bukol kayo sa likod?" Tas magugulat siya at haharap sa salamin na pinipilit makapa yung bukol sa likod pero ang totoo, niloloko lang namin. Tas sasabihin niya " Kayo talaga lintek kayo, tinatakot niyo ko ah!" (Pero di siya galit at tatawa lang kami ng tatawa hahaha".

Ang nanay ko ay tsismosa(hindi naman un maaalis sa mga ina), at siya ay friendly. Friendly siya na yung tipong parang tropa lang ang tingin naming mga anak sa kanya. Hindi kami nag po-po at opo sa kanya pero may paggalang naman kami. Close kami sa isa't isa at madalas nagsisigawan pero normal lang yun samin (sigawan pero di naman galit) malakas lang talaga ang boses nya kaya napapasigaw din kami hahahaha. Dahil sa sobrang close namin , at ako, hindi namin magawa na magsabi ng I LOVE YOU kasi nahihiya kami at parang sobrang corny ang dating . Kasi naman puro kami sigawan at tawanan lang. Lalo na ako, gusto ko masabi sa kanya yun kahit isang beses ng personal pero hindi ko talaga magawa. Pakiramdam namin na kapag nagsabi kami nang ganun eh manginginig ang aming buong katawan sa kahiyaan at pagkacorny. Kaya minsan pag may retreat kami, at may sulat kaming babasahin mula sa parents, naiiyak na lang kami kasi may I LOVE YOU ANAK na nakalagay.

Ang nanay ko ay ulyanin at malilimutin. Palagi niyang nakakalimutan yung mga binili niyang mga pagkain o sabon sa tindahan o kaya madalas siyang makalimot sa mga inutang niya hahaha pero hindi siya nakakalimot pagdating sa medikasyon namin pag may sakit at lagnat. Minsan nga, siya yung nagkalagnat, tas syempre maaawa kami , kami ang nagluluto at umaalaga (syempre dapat suklian ang pagmamahal <3). At sa twing may sakit sya , hindi na ako humihingi ng baon sa kanya sa umaga kasi maiistorbo ang tulog niya at babangon pa siya para kuhanin ang shorts niyang may lamang mga bariya . Hindi niya kasi ako pinapakuha kasi alam nyang dodoblehin ko ang baon ko pag ako ang kumuha hahaha)

Nagtapos lang ng high school ang nanay ko. Pero magaling siya pagdating sa Accounting. Yung tipong may makita lang siyang papel eh lilistahan niya yun ng mga utang utang at kung anu ano. Minsan nga pag may nakakalat akong drowing na nakalimutan kong itago , eh lilistahan nya yun ng mga numero.at pag uwi ko galing skul, magagalit ako kasi pinaghirapan ko iyon idrowing tapos sasabihin niya, "Aba, akala ko'y basura ehh!" hahaha so mean.

Ngayon nakahanap ng trabaho ang aking ina, hindi na sya ang nagluluto sa min araw araw,hindi na sya namin nakakausap araw araw, hindi na namin siya naloloko at hindi na namin siya nasisigawan ng pabiro kasi stay-in sya sa kanyang pinagtatrabahuhan. Nag aalaga kasi sya ng matatanda (care home) so every weekend lang sya umuuwi o kaya every two weeks. Pakiramdam ko ang unfair kasi iba yung inaalagaan niya at mas madaming oras ang ginugugol nya sa iba kesa sa amin. Kaya sa twing umuuwi sya, dun lang namin natutunan mag kiss at hug . Pero ako, siya lang ang nagkikiss at naghuhug kasi mahiyain ako. Pero Hinuhug ko namn siya pero hindi niya halata, pinapakita ko na lang yung mukha kong mukhang nadidiri na natatawa (mukhasim) pero alam niyang gusto ko na niyayakap nya ako.

Kaya ngayon, narealize ko na hindi ko makakaya kung mawawala sya at habang lumilipas ang panahon, nakakalungkot makita na namamayat na siya at duma dami na ang puting mga buhok. Na realize ko na dapat suklian natin ang mga binibigay sa tin ng ating mga magulang habang nariyan pa sila kasi hindi habang buhay mananatili sila at dapat nating tandaan na hindi tayo makakatayo sa kinatatayuan natin ngayon kundi dahil sa mga kamay nilang maalaga at mapag-aruga.

Sana po mainspire kayo sa kwento ko tungkol sating mga ina :)
 
^tell your parents how much you love them.You will never know when you will be with them again and would have the chance to say.It was a mistake that came in to me recently because I never had the chance to tell my father that I love him.

So siguro para makabawi ka sa nanay mo mag aral ka at pag may trabaho kana give her luxuries na hindi niya naranasan nung maliliit pa kayo.
 
Agree ako kay ifer.
Basta ipakita mo na appreciated ung ginagawa niya para sa inyo. Sometimes (I know) saying I love you sa parents mahirap talaga pero sabi nga ni ifer baka mahuli naman.

Inspiring :thumbsup:

Pero TS tama kaya yung section na pinagpost-an mo neto? :peace:
 
Makikihalubilo na din. Sa age na ganyan ng mga parents natin hindi na masyado nag hahanap ng luxury yan. Mas hinahanap nila eh security ng mga anak na kung sakaling mawala man na sila sa mundo eh okay na ang kalagayan ng mga anak nila. Kaya wag tayo magagalit pag minsan nagiging makulit si nanay o si tatay. Ang gusyo lamang nila maisaayos ang mga buhay ng anak nila.

Mas epektib din para sa kanila kung magiging vocal tayong mga anak sa kanila para mapakita at maparamdam sa kanila ang pagnamahal natin sa kanila. May mga magulang kasi di na naghahangad na materyal na bagay sa edad nila na yan aanuhin pa nila ang yaman. Kaya wag tayong mahiyang maging showy sa kanila. Kung feel mong akapin at I kiss si nanay o si tatay kahit malaki ka na gawin mo dahil yun ang namimiss ng mga magulang natin yung noon bang mga bata pa tayo na hinahagkan nila at inaakap ng mahigpit sabay sasabihan ka ng anak, I love you... miss nila yun ganun kaya wag sana natin ipagkait sa kanila yung moment na ganun dahil lang sa nahihiya tayo.
 
Last edited:
Napakaswerte ninyo sa magulang mo ni hindi ko masyadong naranasan yung ganyan.. kahit kami ay lumaking
masagana or sabihin natin na yung sarap sa buhay..

kaya dapat TS like ifer said itreasure ninyo ang bawat minuto or segundo kasama ninyo sila
kasi lahat tayo dito hindi pang habang buhay


tar@gis ka TS mapapadrama mo pa ko ah.. hahahhaa :lmao:
teka! teka! ganyang edad dapat hindi ninyo na yan pinagtratrabaho!!... :ranting:
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom