Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

MyPhone My28 now only 888.

Last week naghahanap ako ng budget phone para pamalit sa single core android ko dahil sa kabagalan ng apps. Then nakita ko yung Cloudfone 402q na quadcore, 4gb rom, 1gb ram at gorilla glass ang screen for 999 pesos pero mejo malas kasi 3 day limited sale lang yun sa 4 locations sa metro manila at 3rd day ko nabasa yung ad nung sale pero sinubukan ko pa din puntahan yung dalawa sa apat na location pero sadly, 1st day pa lang eh ubos na agad yung stocks para sa tatlong araw ng sale. Then naghanap ako ng alternative at nabasa ko yung comparison ng My28 at Flare 2 Lite, at base dun sa review at comparison, yung My28 ang mas sulit sa dalawa dahil 8gb ang rom, may libreng sports watch at maganda daw ang screen so yun ang hinanap ko sa mga myphone shops/kiosk at Smart Centers sa Star Mall Alabang, Festival Mall Alabang, Megamall, Fisher Mall, Waltermart Bicutan at mejo sinuwerte kahapon nung napadaan ako sa Smart Center sa SM Bicutan. Pero sadly, My28s ang nakuha ko. Bukod sa 4gb lang ang rom, wala na kasamang sports watch although para lang daw yun sa first 50k buyers at mejo disappointing ang screen dahil masyadong maliwanag at weird yung magandang viewing angle dahil kailangan eh parang nakayuko ka sa screen para mejo gumanda ang view sa screen. Kapag binawasan naman ang brightness, nababawasan din yung contrast ng screen kaya imbes na mag-dim lang ang screen, lumalabo din ang screen. Yes, 888 pesos lang ito pero may karapatan pa din kaming nakabili ng "S" dahil downgraded ang unit na nabili namin sa advertised na My28 na may 8gb rom at tulad ng sabi ng iba, may mas magandang camera. Sa pricing kasi parang pantay nalang yung my28s sa flare 2 lite unless super deal breaker yung vga front cam ng flare 2 lite pero mejo mas ok yun kasi open yung 2nd sim slot sa ibang network.

Speculation ko lang na yung sale na ginawa ng cloudfone sa 402q nila eh parang water testing kung madami bibili. Since naubos yung stocks nila sa 1st day pa lang ng sale, palagay ko na posibleng sumabay sila sa quad core android phone sale for under 1k para sumabay sa Cherry Mobile at My Phone. Advantage lang kasi ng 402q eh 1gb ram at gorilla glass screen pero I'm doubting sa camera ng Cloud dahil yung supposed 13mp ng cloudfone ko eh ampanget, parang drinowing sa chalk ang pictures at mas maganda pa yung pics sa cam ng My28s ko.

So kung tingin nyo eh orig na my28 pa ang mabibili nyo ngayon sa mga myphone shops at smart centers, madi-disappoint lang kayo. Di na ako magrereklamo sa battery dahil sa 888 pesos, aasa pa ba tayo sa mataas na battery? mga phones nga sa 2-4k range eh mabibilis din ma-lowbat dahil sa mababang capacity ng battery, dito pa kaya sa 888 pesos na quad core phone?
tama ka, pero may reason pa rin sila kung bakit nila bibilhin yung my28 or my28s.
Ang perks kasi ng smart sim ay libreng 100mb data kada buwan, so pwede mong sabihin na ang data lang ang nagdala. (o nagbuhat mismo.)
Reasonable price kasi yung 888 pesos, Hindi katulad sa unang kong smartphone na CM Topaz (pang YT lang).
Madaling maglobat kapag naka data (parang lumalagas), tapos 1.4k lang ang capacity ng battery.
 
So far, satisfied naman ako sa my28s. Need ko lang kasi ng phone na ok para sa mga networking apps at simpleng games. Isa pa palang point na maganda tunog ng noise cancelling earphones yun nga lang mejo iffy yung quality ng earphones. Isipin nyo nalang for 888 pesos, may quad core phone na kayo + 100mb free data every month for a year + free 30 pesos load monthly (kailangan lang na naka-load ka ng 100 pesos every month), good sounding earphones at mabilis naman mag-charge yung phone ko. Honestly, sa bawat ire-reklamo natin sa my28s, babalik at babalik talaga yung 888 pesos tag price para isampal sa atin unless mang-i-inggit talaga sa mga naka "S" yung mga nakabili ng 1st batch ng my28. So far, kailangan ko nalang i-open line yung phone ko para magamit ko yung globe sim ko.

Ito pa pala, say magkaron ng 2000mAh battery para sa my28 at my28s pero priced at 500 pesos or more, bibili kaya tayo? Hindi ba mapapa-isip agad tayo na mas ok pa bumili nalang uli ng isang unit as back-up phone? Again, sa lahat ng pwedeng i-reklamo, babalikan tayo ng 888 price tag. :thumbsup:
 
Para pala dun sa mga ayaw ng logo sa likod ng case, pwede nyo i-wet sand yun gamit ng 600 (mejo coarse para mas mabilis mag-sand) or 1000 (highly recommended dahil sa fine grits) sand paper. i-sandwich nyo nalang yung sand paper sa popcicle stick para flat yung pag-sand nyo. Mejo matibay naman yung powder coating ng mga colored back covers. Tandaan nyo lang na light lang ang pag sand para hindi ma-cut yung powder coating. Plan ko kasi i-custom paint yung back cover ng unit ko.

View attachment 257312
 

Attachments

  • jFsUAe.jpg
    jFsUAe.jpg
    78 KB · Views: 13
Ng order aq online nung 29,jan..dumating nung feb 2 6pcs..dq alam kng ok un nd pa nadistribute ngaun ng order uli aq 6pcs...pwd na pangnegosyo haha gang april lng to ..kaya nman to eopen line local phone lng to...sana may update dito sa symb. For openline
 
Bakit po mabilis malobat sakin nung inopenline q my28 s globe tma nman ginawa q process
 
white na lang available last night sa smart online.
 
Pwede kaya mastaas na amp charger gaya ng 1amp - 2amp tagal kasi charging nya more than 2 hrs
 
Realtalk lang to ha. Sorry sa mao-offend. :dance:

pangit na rin daw quality ng cam ng my28s according sa comment sa FB

Turn off, 4GB rom at pangit na Cam

sa halagang 888 nag reklamo ka pa sa quality ng cam? :slap: what do you expect sa 888? :clap:

Tama. Sabihin mo sa kanila, sa halagang 888 pesos my smartphone ka na. Hindi ka na magpapakamatay magOT sa trabaho or lumuhod sa munggo para humingi sa magulang mo.

Ang hirap kasi sa mga tao nowadays, puro pag-selfie ang inaatupag. Kung gusto nila malinaw cam, either get sila ng Samsung Galaxy S6 or LG G4. Yun nga lang, pahirapan bumili sa kamahalan.

Hi! Pwede bang i-downgrade to kitkat yung myphone my28 o kaya naman e lagyan ng custom rom. Sa tingin ko kasi, yung android lollipop ang dahilan kung bakit epic battery drain itong myphone my28. Kung pwede lagyan ng cutom rom o kaya ng kitkat, pa tut naman sa mg nakapagpagan na, salamat!

So far wala pa akong narinig na nagdowngrade sa SPREADTRUM SoC. Kung ako sa'yo pagtyagaan mo na yan. Kesa naman masayang ang 888 mo kapag naHARD BRICK yan sa ROM FLASHING.

Huwag ka na magtaka boss. 888 pesos lang yan. Sa halaga na yan, huwag ka mag-expect ng monster battery na 4000 or 5000mAh.

At issue ng SPREADTRUM talaga yan kaya ko binitawan yung Huawei Y5C ko. Battery drain and heat issues na kumakalat sa SPREADTRUM SoCs. Pero for me normal yung init at battery drain lalo na kapag naka-bonggang mobile data connection ka. Smart phone yan eh. Hindi yan Nokia N70 noong araw na tumatagal ng halos 1 linggo standby.

Pero hello, parang conceited naman, yung naunag batch, yung walang S sa dulo, same 888 lang yun, mas malaki ang internal with a decent camera, tapos yung pinalit downgraded na, dba parang unfair naman yun? Same price binayaran for 888, pero we get less memory with mediocre camera, feeling dinaya kaya, di yun sa reklamo, we want fairness

Napansin kasi nila na parang nalugi sila sa move na yun.

Saka sisihin natin yung mga bumibili in bulk (maramihan) tapos ibebenta online sa mataas na halaga. Ang tataba ng utak diba?
 
Last edited:
Realtalk lang to ha. Sorry sa mao-offend. :dance:





Tama. Sabihin mo sa kanila, sa halagang 888 pesos my smartphone ka na. Hindi ka na magpapakamatay magOT sa trabaho or lumuhod sa munggo para humingi sa magulang mo.

Ang hirap kasi sa mga tao nowadays, puro pag-selfie ang inaatupag. Kung gusto nila malinaw cam, either get sila ng Samsung Galaxy S6 or LG G4. Yun nga lang, pahirapan bumili sa kamahalan.



So far wala pa akong narinig na nagdowngrade sa SPREADTRUM SoC. Kung ako sa'yo pagtyagaan mo na yan. Kesa naman masayang ang 888 mo kapag naHARD BRICK yan sa ROM FLASHING.

Huwag ka na magtaka boss. 888 pesos lang yan. Sa halaga na yan, huwag ka mag-expect ng monster battery na 4000 or 5000mAh.

At issue ng SPREADTRUM talaga yan kaya ko binitawan yung Huawei Y5C ko. Battery drain and heat issues na kumakalat sa SPREADTRUM SoCs. Pero for me normal yung init at battery drain lalo na kapag naka-bonggang mobile data connection ka. Smart phone yan eh. Hindi yan Nokia N70 noong araw na tumatagal ng halos 1 linggo standby.



Napansin kasi nila na parang nalugi sila sa move na yun.

Saka sisihin natin yung mga bumibili in bulk (maramihan) tapos ibebenta online sa mataas na halaga. Ang tataba ng utak diba?

di natin pwede isisi ang resellers, basic economics lng yun, kaya understandable.

Kung npnsin nila na nlugi sila, they should have reviewed it before sila nag release, damage has been done.

Yeah I got my my28s okay nmn, pang back up phone lng tlga

EDIT: For 1st time smartphone users, my28s is a must, mura na, tapos okay ang specs
 
Last edited:
sure bang P 888.00 lang tlaga? hehe. wala na po bang ibang charges to like sa sim no monthly po ba?
salamat :)

sure po..umorder ako online mas madali kasi, laging out of stock sa smart store..2pcs inorder ko waiting pa dumating kasi 5-10 days pag outside manila
 
Last edited:
kmusta battery nito kapag nakaoff yung data wifi mobile sim etc.. yung nanonood ka lang ng mp4 na nakasave sa memory card??
 
Back
Top Bottom