Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

nalolong sa online sabong

lynyrdskynyrd

The Loyalist
Advanced Member
Messages
508
Reaction score
29
Points
28
share lang para mailabas ko rin stress. isa pala akong pulis 4 years konpalang sa service at single pa may savings ako sa bangko higit kalahating milyon galing din sa naipon sa sweldo wala naman kasi ako masyado pagastusan. sa bahay nga parents ko parin bahala sa mga bills at pagkain. nong july 2021 sa facebook may nagpost ng link ng sabong, na curious ako. dati rati wala akong balak talaga mag online sabong kahit lagi kong naririnig. pinuntahan konyung site at nasa gcash lang pala. nag cash-in ako 200. yung 200 naging 1k. tinuloy tuloy ko at naubos. nasabi konsa sarili ko wow easy money pala to pindot pindot lang. hanggang sa yun na nga nalulong ako. fundtransfer ko 20k- 50k sa gcash ko yun ang puhunan ko. natatalo hanggang nananalo pero di ako makatulog hanggang may pera laman sa gcash ko kaya natatalo patinpuhunan talo hanngang naubos lahat ng savings ko. para akong na depress na depress madaling uminit ulo ko diko na rin kinakausap mga kabahay ko. nakakatamad narin magtrabaho pero pinilit konparin pumasok kase kelangan. gusto ko makabawi, pagdating ng sweldo sa atm payroll diretso agad cash in sa agent kasi laging na eexceed gcash ko kahit naka link na bpi ko. oo mas lalo nga akong nalolong, dahil sa gusto ko bumawi pero wala mas nadadagdagan lang talo ko. kong estimate ko lahat talo ko nasa 1.5 million na siguro. naranasan ko na rin wala ako pang gas ng motor at natatamad pumasok dahil walang kapera pera. naghahanap na nga ako ng mga nalaglag na barya barya sa kwarto ko o sa maruming labahan ko baka may naka ipit pang barya. sweldo ko at mga bonuses from july 2021 hanggang ngayon diretso sa talpak. may pangtalpak ako kayang kaya ko i all in ang 50k sa isang sultada lang pero di ako makabili ng isang kilong bangus na i uwi pang ulam. kanina lang naubos nanaman ang 20k ko. maraming beses gusto konna tigilan pero basta may pera ako yun iniisip ko talpak talpak. nakaloan narin ako ng 500k sa PSSLAI. kaya ang sweldo ko na datinrati ay 37k naging 11,200 nalang per month dahil sa automatic deduction. at 3 and a half year ko yun babayaran. dikonalam kong depression to stress. hanggang ngayon talpak parin ako. nong may napabalita na isasara na ang online sabong.. ang saya ko dahil matitigil na rin ako pero wala e tuloy parin... makabawinlang ako konti kahit 100k lang titigil na ako . yun ang target ko kahit konting bawi lang sana
Post automatically merged:

parang drugs kahit sa panaginip ko sumasali ang sabong. patinmga tropa ko nalaman nila na nagsasabong ako. family ko lang talaga naisekreto ko.
 
you need someone na makakausap buddy at mahirap talaga malulon sa isang bagay na may negative impact sa ating buhay

i hope makaraos ka rin at the same time kailangan ng ibang pag kakakabalahan
 
I couldn’t imagine the situation you’re currently at paps. Nalulong din ako in a way sa crypto trading specifically sa Futures kasi masusunog talaga puhunan mo. Unfortunately yun na nga ang nangyari. Nasa more or less 200K din nasunog saken. Ilang months din ako aligaga and same reason din - gusto kong bumawi kaya trade pa rin ng trade. Isa lang sagot - disiplina. And walang makakagawa dyan kundi ung sarili natin mismo. Mahirap oo pero wag na nating antaying dumating pa sa punto na masisira na buhay natin ng tuluyan. Tatagan mo sarili mo paps. Hopefully makakarecover ka rin. 🙏
 
Nakakalungkot naman yang karanasan mo TS.. kaya sana talaga mawala na yang e sabong o hindi lahat maka access. Nakakasira ng pamilya talaga at buhay e. Ang yumayaman lang lalo ay yung owner niyan 😓
 
This is why people end up in Squid game.
Consider it as an expensive lesson. Learn from it.
 
Last edited:
Same experienced till now lolong ako sa online sabong na underground TS. Naka recover kna ba sa addiction mo?
 
Same experienced till now lolong ako sa online sabong na underground TS. Naka recover kna ba sa addiction mo?
Kamusta na kaya sya, ako parang 2 weeks online game naman sa 767 pero naka get over naman na ako
 
kong papakita ko lang sa inyo history ng fund transfer ko atm to gcash. puro red ang kulay. nakabili na sana ako isang unit ng sasakyan mamahalin na fortuner o kahit innova manlang haiiist lahat savings ko sa bangko at naka loan narin ako 600k sa PSSLAI. meron parin nahinto ako salamat kay digong nakalimutan ko sabong pero meron parin yung mga online casino gaya ng site ng phperya at colorperya yung 30 seconds ang isang sultada taya ko dun 1500. pero atleast nabawasan ang kati ko. yun nga lang parang wala ng gana pag sahod kasi liit na sinasahod ko dahil malaki kaltas ng psslai sa sweldo ko automatic deduction sa ATM payroll. pag naba... hays... yaw ko na ekwento. basta parang drugs di ako makatulog hanggang di maubos laman ng atm o ng gcash. wala ako kontrol sa sarili masyado greedy di ako bagay sa sugal. matitigil ko rin to paunti onti
 
Di ko talaga maintindihan yung addiction sa sugal. Wala namang nananalo jan sa sugal kundi yung mga nagpapasugal. Yung mga sugarol laging talo yan. Mananalo ng 2 beses matatalo ng 8. Walang buting dulot kahit saang angulo tignan pero napakaraming nahuhumaling. Bakit? Dahil ba sa greediness? Malaki na yung sweldo mo bilang pulis, meron kang 1.5m pesos, pero dahil sa pagiging greed ay nabaon ka sa utang, pero para sayo talpak is life parin? Nakakaawa yung ganitong situtaion, pero para maawa at tulungan ka ng mga tao, kailangan mo rin po kasing tulungan ang sarili mo.

Bilang pulis na baon sa utang at gagawin ang lahat para sa talpak, ano po ang aasahan namin sa service mo sa pilipino? Magiging corrupt ka rin po at protektor ng illegal na gawain? Wag naman sana.

Sana makabangon ka po at matulungan din ang sarili mo gaya nitong nasa video.

 
Lahat naman ata tayo may kanya kanyang addiction even a workaholic is an addiction. Sa ngayon ako same din ung talo ko sa pitmaster tinatry ko na mabawi sa mga online casino (Pero ni hindi nga manalo sa dalawa lang pagpipilian gaya ng meron o wala sa maramihan pa kaya like Bingo). And tama talaga na pag sumugal ka kahit wala ka pang pera natalo. Talo na dun mental health mo and family mo. Gaya ko now sobrang depress ko financially dahil naubos din savings ko para sa anak ko sa kakasugal.
 
Sana okay kana ngayon TS.

Tama ka, kapag umabot na sa puntong adik kana, wala ka nang kawala dyan. Baka ending makagawa kana ng hindi maganda. Buti na lang talaga at inalis na ngayon sa Gcash yan. Pero huli na rin. Marami na nasirang buhay. Mga pulitiko at mga financier ang yumaman dyan.

Kaya sa ibang makakabasa nito, wag nyo na subukan. Kahit sa ibang sugal na nandyan. Kahit sabihin mong "papiso-piso lang naman". Masisira buhay nyo dyan.
 
I suggest magpatingin ka sa specialist, Ganyan din ako noon eh, Pero hindi naman sa sabong kundi sa Mobile Legend na kung saan ay talagang mapapabili ka ng mga skin gamit ang Diamonds na bibilin sakanilang apps, Naubos din ang credit card ko sa ganon Way back 2020 haha I guess nsa 50k to 70k din naubos ko sa ganun. Kaya narealize ko ngayon sayang talaga ang pera. imbes na sana na nagamit sa tama. Hoping and praying for your recovery TS. 1.5m is a lot of money.
 
naiinggit ako sa mga kasamahan ko na may napuntahan mga sweldo nila. meron mga kasamahan naka loan pero sa family, sasakyan o lupa nila nilagay. ako naka loan ako sumuweldo at mag 5 years na ako ako sa trabaho pero may utang,walang savings. sa span ng mahigit 1 year nawala lahat pinagpaguran ko at nagkautang pa ako. 4 years ko tong titiisin bago ko malasap ulit yung boung sweldo sa kamay ko. zzz naka utang narin pala ako sa nanay ko na nasa abroad ng 20k. nagtanong siya sakin bat daw ako hihiram e sumusweldo naman ako. hanggang ngayon di ko pa maibalik balik.
 
Tatagan mo lang Idol makakabawi kadin. Ang sugal bisyo nadin mahirap pigilan kasi masaya lalo na kapag nanalo. Pero once na naging addict na mahirap na umiwas. dapat tangalin mo na sir yung gcash mo, zero sugal na talaga. parang yosi lang kung gusto mo mag stop dapat totally stopped talga wala kahit isang stick or isang hithit. Mabilis naman na ang panahon saglit nalang 4 years kung uumpisahan mo ngayon tumigil sa kahit anong sugal. TUKSO - Maraming buhay at tahanan na ang winasak ng sugal. Dapat enjoy lang natin buhay mabilis lang ang panahon, maraming way para ma enjoy sa buhay. sports pwede din bike pahangin sa labas kapag hinde busy.... hangang sa makalimutan mo mga problema mo pa unti-unti.
 
Back
Top Bottom