Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Nalulungkot ba kayo kapag BROKEN FAMILY ang status mo?

Kung naluungkot ka, maghanap ka ng bagay na pagkakaabalahan, yung tipong di mo maisisingit sa utak mo yung kalungkutan, maigsi lang ang buhay di dapat pinagtatagal ang kalungkutan.. :)
 
siguro di ko maiintindihan ang nararamdaman ng isang nasa loob ng isang broken family... save from the fact na it is beyond the control of the children hence they should not blame themselves sa katangahan ng mga magulang nila...

pero para sa akin na lumaki sa pag-aabuso ng isa sa mga magulang, paano manggulpi ng asawa, saktan, insultuhin. mas gusto ko na lang na naghiwalay sila kesa ganyan nakikita ang isa na nsasaktan.
 
medyo tanggap ko na rin, grade 5 rin kc ako nung naghiwalay sila ngaun 4th year college nako, parang wala nalang din sakin :)
swerte ng mga buo ung pamilya NAPAKASWERTE nyo
 
Sempre, lalo sakin bata palang ako nsa limang taon palang ako nung nag hiwalay parent ko. ni hindi ko nakakasama yung papa ko. tapos nasa side nga ako ng mama ko pero busy naman sa trabaho ng mga panahon na yun. kaya piling ko lumaki ako ng walang magulang hehe kaya pag nakakakita ko ng mga masasayang pamilya hindi ko maiwasan malungkot kahit hanggang ngayon ganun parin kasi nagkaisip ako ng hindi ko naramdaman na buo ang pamilya ko :)
 
xmpre nakakalungkot din lalo na kung malapit kau sa isat isa, pero di porket broken family tau titigil na ang mundo natin, dadating ang panahon na makakamove on din tau, malay mo mabuo muli diba,
 
Hindi. Ni hindi ko nga alam pangalan ng tatay ko, pero hindi ko iyon itinanong at never ko siyang hinanap. Mula pagkabata ko palang ay nasa abroad na ang nanay ko, Lumaki ako sa pagaaruga ng mga lola, tiya, at tiyo ko. Nagabayan naman nila ako ng maayos at hindi ko masasabi na na-brainwash nila ako dahil I think iresponsable naman talaga yung tatay ko dahil all this time ay hindi siya gumawa ng paraan para hanapin at lapitan ako or ang pamilya namin. Sa ngayon, hindi ko na maalala kung kailan ko huling nakasama ang nanay ko. I think that was 12-13 years ago, I hope umuwi na siya dito sa pinas at mag pahinga na sa pagtatrabaho.
 
mas ok na ung broken family ts kasi pwde mo pa sila makita..sa amin ts d nga broken pero patay na erpat ko..dko na sila pwde mkita at mayakap pa.. :(
 
Lahat naman may rason bakit nagiging broken family.. Kami family broken kami pero kami ng sis ko nasa side kami ng nanay ko. Para sa akin okay lang kasi nung nakakasama pa namen tatay ko ay talaga namang napakasugarol at lassengo. Mahirap lumaki sa ganoong klaseng ama, wala rin syang trabaho.
 
Broken family rin kami. Lahat namin magkakapatid sa nanay kami sumama. Hindi ko alam kung masaya na buo ang family. Nasa SAUDI ARABIA si Tatay.
 
malungkot pero wala naman na magagawa. so tanggapin na lang and be positive :dance:
 
Ako broken family kami sa psychological effect to na hindi ka aware or alam mo pero d mo alam na ganun, experience ko kasi high school pa lamg ako nun nung nangyari samin to may epekto tlaga saya sa pag tanda ko, anyway ngyon tanggap ko na sya pero d biro ung emotional at psychological effect na panagdaanan ko. Happy naman na ko ngayon sa life ko natutunan ko rin na mag forgive and move on walang forget sa ganitong status we just learn to forgive, accept and move on no forgetting hehe
 
ok na ang lesson learned about broken families. not all relationship will work, so dapat before mainvolve sure k sa sarili mo and sa partner mo and pwede naman magng civil ang relations. mas mahirap yun buo nga pero normal na sayo ang nanakit or nagmamanipulate ng partner mo or remiss ka sa obligasyon basta buo pamilya mo. ang tawag dyan e dysfunctional family.
 
No family is perfect ika nga. Need talaga ng good counseling sa mga ganyang cases.
 
Hi mga ka-Mobi….

Isa lang ang pananaw ko about broken family. talagang malungkot.

isa itong mababaw na desisyon about family handling either ng father or mother.
Karaniwan na mga dahilan, laging nagtatalo kasi walang pera, nagkabiglaan lang,
hindi nagkakasundo sa plano para sa pamilya, may third party, bisyo,etc…
What is my point? nawawala na yung sense ng maturity sa pangangalaga ng pamilya.

Sana lang, kapag ikinasal na(church man o civil), hindi lang marriage certificate ang meron, pati commitment certificate.
na kung sinoman o parehas man sila ang dahilan ng hiwalayan, Lalo na kung may anak na sila, habambuhay na pagkakakulong
dahil isang o ilang habambuhay din ang mawawala sa landas kapag nangyari yun.

Nag-express lang mga ka-Mobi.
Di man ako nabibilang sa mga broken family, pero may pamilya na akong masaya kong itinataguyod at minamahal...

:)
 
Back
Top Bottom