Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Nambabae na naman Tatay kong matanda na

kahitmaputi

Symbianize Chieftain
Advanced Member
Messages
1,394
Reaction score
1
Points
28
Hay awang awa na nga ako sa nanay ko eh. Di umuwi tatay ko kahapon, una reason may business daw gagawin out of town. Gusto samahan ng nanay ko pero ayaw isama inaway pa siya at sinabi pa sa kanya "mauna ka na". Kaya pala nun makalawa humihingi ng 500k pang buy and sell daw ng sasakyan. Tapos nagtxt ngayon magpapaalis muna daw ng stress kaya di uuwi at gusto daw mahawakan niya mga pera na nakatabi sa bangko at uuwi lang daw pag naayos na yun. Di ko alam kung ano stress sinasabi niya dahil stable na kaming lahat na mga anak nila. Yun savings nila sa bangko ayaw na ipahawak ng mama ko sa kanya dahil 2 million na ang nawala dahil sa pambababae niya. Kaya pala kung anu ano dahilan na naman sinasabi para makahuthot ng pera. Gabi gabi na lang late umuwi tapos nakainom maski diabetic pa. 62 years old puro kalokohan pa nasa isip. Sinabi ko na lang sa nanay ko na hayaan na niya dahil babalik din yan pag wala na pera at pag sumumpong na naman ang sakit. Paulit ulit na lang na ganito eh. Dalawang kapatid ko nawalan na nga ng gana at lumipat na lang ng tirahan. Ayaw ko naman iwan mag-isa dito nanay ko at baka ano gawin niya pag mag-isa na lang siya.
 
Papakulong nyo na lang papa mo para hindi na makakapangbabae. Hehe. Seriously, kung nasabihan nyo na siya ng ilang beses, wala na kayo magagawa sa pagiging babaero nya. Pagdadasal nyo na lang siya. Ganyan din lolo ko noon, kahit anong gawin ng lola ko, ganun pa rin sya, hanggang sa yung mismong katulong namin ng mama ko hindi nya pinalampas haha. :rofl:
 
Kong mapatunayan po sa mata ng batas ang ginagawa ng tatay mo ay maari kayong himingi ng tulong sa barangay upang malipat ang kaukulang pera sa panibagong saving account ang dapat para sa nanay mo, since nasasayang ito sa ibang tao at hindi nagagamit para sa Pamilya.
 
Back
Top Bottom