Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

National Protest Day :September 21

makie006

Proficient
Advanced Member
Messages
296
Reaction score
0
Points
26
Handa naba kayo para magprotesta!

Kayo anu pinaglalaban niyo?

Kung meron man! Tara na at ilabas lahat ng hinanakit dito!
 
Wala kang mapapala dyan, sila-sila nalang.

Di ako mabubusog dyan. Sila lang makikinabang

Charged to Experience...
 
may suhol daw pagkatapos dha? may pambili tayo ng foods nyan! ^_^
 
Kayo talaga mga ka sym... I mean kung meron kayu iproprotesta anu yun?
 
d2 sa amin 500 + 200para sa foods.. pero nd pa rin ako sasali.. wala kwenta ang dilawan nag babayad ng tao,
 
mag protesta ako sa mga tao hilig mag rally lahat na lng hiniling sa gobyerno katulad ng kadamay binigyan ng bahay nasa kalsada pa din nag rarally halatang bayaran eh :beat:
 
Tayo na at makiisa kaibigan para ipaglaban ang ating demokrasya, baka, matulad pa tayo sa North Korea. Ganyan talaga ang mangyayari pag pinabayaan natin ang ating demokrasya. Ating ipaalala sa mga milllineals na ang mga nangyari noon sa panahon ng diktatorya at pasistang rehiming Marcos ay hindi talaga maganda. Magulo at hindi na nirerespeto ang karapatang pantao. Niyuyurak at nilalapastangan ang proseso ng batas at halos ay nililitis na lang sa isang 'kangaroo' court. Yan ba ang gusto mo? Sabagay, hindi mo pa nga nararanasan ang batas militar kaya nga siguro ay ayaw mong makialam. Base sa mga salaysay ng mga biktima ng karahasan at sa mga aralin na ating natututunan, ang nangyari noon ay isang mapait na guni-guni na nanaisin mong magising kaagad.

Sabi nila, maganda daw ang batas millitar kasi 'safe' daw. Posible ngang may basehan yan, pero, sa una lang yan maganda. Sa kinalaunan, pag nakatikim na yan ng kapangyarihan ay di na yan magpapaawat. Sino ngayon ang aawat sa kanila pag sila ngayon ay umabuso? Wala na siguro. Kaya nakakatakot. Baka ikaw ay matulad kay Kian na dadamputin at sabihing 'adik' at nanlaban. Ano pa ngayon ang maging saysay na ipaglaban ka pa ng iyong mga magulang kung ikaw naman ay wala na.

Ang mangyayari pa dyan ay bawat 'opisyal' ay magiging sipsip sa Presidente at nagiging sunud sunuran para lang ma promote. Yan ang nangyari sa kapanahonan ni Macoy na halos lahat ng natatanggap na mga sundalo ay mga Ilokano at halos lahat ng opisyal ay pawang mga tuta niya. Di ito nalalayo sa nangyayari ngayon kay Kim Jung Un ng North Korea. Ang problema pa ay halos lahat ata ng pondo noon ay nakatuon sa militar, kaya tuloy nabaon sa utang ang Pinas, dahil wala ng pondo para ipagpatuloy ang mga nasimulang imprastraktura. Ito naman ay hindi nalalayo sa ginagawa ngayon ni Presidente Duterte na puro 'increase' na lang sa sweldo ng militar ang inaatupag niya kesa pagandahin ang ekonomiya. Mas matimbang ang pagbili ng armas ang nasa utak niya, mga 'glock' na pang regalo at pagbibigay ng milyon sa mga naulila ng namatayang militar na nagiging 'over the board' na, at di na nasusunod kung ano ang itinakda ng batas. Parang pera-pera na lang, na ginawa na niyang mersenaryo ang militar. Para makuha ang kanilang loob ay palalamunin ito ng pera. Ganyan kasagwa ang nangyayari ngayon sa bayan. Dyan lang ba napupunta ang buwis na binabayad natin sa gobyerno? Tayo yata ang may mas malaking binabayaran buwis kumpara sa ibang mga bansa dito sa Asya.

Tumindig ka bago mahuli pa ang lahat. Hindi lang sa kinabukasan mo kung hindi pati na rin sa kinabukasan ng iyong mga salinlahi. Makiisa at manindigan para sa bayan at para sa Pilipino!

- - - Updated - - -

mag protesta ako sa mga tao hilig mag rally lahat na lng hiniling sa gobyerno katulad ng kadamay binigyan ng bahay nasa kalsada pa din nag rarally halatang bayaran eh :beat:

Hindi lang kadamay ang may kasalanan diyan, pati na yong Presidente natin dahil hinayaan niyang mangyari yon at pati na rin sa gobyerno natin na ubod ng 'bias' at korup. Kasi may pagka 'bias' yang NHA sa mga proyektong bahay. Sa totoo lang, maraming mga nakakakuha ng pabahay ng NHA na 'over qualified' kesa doon sa mga nangangailangan talaga. Tingnan mo na lang, magkano ba ang tinatanggap ng isang pulis o sundalo? Hindi bababa yan sa P25,000-P35,000 kada buwan (para sa mga ordinaryong pulis). Di na dapat sila bigyan pa ng NHA, kasi pede naman sila kumuha ng housing sa mga subdivision. Ako nga kahit P10,000 lang yong sweldo ko at lisensyadong inhinyero pa dito sa probinsya namin ay napilitan talaga akong kumuha na lang ng housing ng PAG-IBIG dahil nga mahirap ma aprubahan sa NHA. Yan pa kayang mga hinayupak na yan na ang lalaki ng mga sweldo na tutulog tulog lang sa mga istasyon?

Sana lang wag tayo magbulagbulagan sa katotohanan.
 
Last edited:

wala ako pakialam sa naramdaman mo mag protesta ka wag mo na iquote pa un reply ko. national protest day nga yan ang protesta ko yan ang pananaw ko. mag protesta ka ng sarili mo ok bye. :dance:
 
wala ako pakialam sa naramdaman mo mag protesta ka wag mo na iquote pa un reply ko. national protest day nga yan ang protesta ko yan ang pananaw ko. mag protesta ka ng sarili mo ok bye. :dance:

Mali yata ang protesta mo. Ang tanong saan ka ngayon magpo protesta? Sa gobyerno ba o sa kadamay? LOL..
 
Hindi lang kadamay ang may kasalanan diyan, pati na yong Presidente natin dahil hinayaan niyang mangyari yon at pati na rin sa gobyerno natin na ubod ng 'bias' at korup. Kasi may pagka 'bias' yang NHA sa mga proyektong bahay. Sa totoo lang, maraming mga nakakakuha ng pabahay ng NHA na 'over qualified' kesa doon sa mga nangangailangan talaga. Tingnan mo na lang, magkano ba ang tinatanggap ng isang pulis o sundalo? Hindi bababa yan sa P25,000-P35,000 kada buwan (para sa mga ordinaryong pulis). Di na dapat sila bigyan pa ng NHA, kasi pede naman sila kumuha ng housing sa mga subdivision. Ako nga kahit P10,000 lang yong sweldo ko at lisensyadong inhinyero pa dito sa probinsya namin ay napilitan talaga akong kumuha na lang ng housing ng PAG-IBIG dahil nga mahirap ma aprubahan sa NHA. Yan pa kayang mga hinayupak na yan na ang lalaki ng mga sweldo na tutulog tulog lang sa mga istasyon?

Sana lang wag tayo magbulagbulagan sa katotohanan.

2015 Salaray Table, inaccurate for this year, but more or less, this gives you an idea ng salary range per rank.
View attachment 325104

Now, what's the ratio of the officers / higher ranking officials compared to those na sinasabi mo na sumasahod ng 25-35k per month? Ano nga din pala ang definition mo ng ordinaryong pulis? Nakita mo ang sahod ng pulis at the PO level? Less thank 20k. Sa isang police station, let's say 30 personnels, ano ang ratio PO? Around 50%. Actually, majority ng laman ng station ay PO. Then ilan ang SPO level? Half ng dami ng PO. So around 25% So PO + SPO = 75% ng personnels ay less than 30k. Hindi ko makita yung point mo kung bakit hindi sila karapat-dapat na bigyan ng pabahay. Also, hindi naman din fully-free yun, may fees pa din sila na binabayaran, pero minimal na lang din.

Kung ang definition mo ng ordinaryong police ay yung mga matitinong pulis, there's no other way for them to get additional income. Bakit? Mas malamang nasa station sila majority of their day. Kung meron man income, baka tindahan sa bahay, or kung madiskarte ang mag-asawa? Please bear in mind, matinong police ha.

Now i-compare natin sayo. Engineer ka ba kamo? 10k sahod? Oh come on, you can do better than that. Kung hindi ka makasahod ng mas malaki, wag mo isisi sa gobyerno o sa trabaho mo. Baka ikaw ang may problema. Unang una, mas mataas ang napag-aral mo kompara sa mga police. Mas malaki ang tsansa mo na makakuha ng higher-paying projects kompara sa mga police. By default, mas malaki ang kaya mo makuha na monthly income compared sa mga police.

In fact, on a survey done in 2015. Take note of the year. Same year as the police salary range table.

On both tables, engineers are in the top 10 highest paying jobs, with an average of at least 27k monthly.
Top 10 Specializations with High Salary - Junior Executives (1-4 Years' Experienced Employees)

1. IT/Computer - Software - Php 37,784
2. IT/ Computer Network / Database Admin - Php 33,029
3. Law/ Legal Services - Php 27, 033
4. Actuarial Science / Statistics - Php 27,032
5. Engineering Electronics / Communication - Php 26, 379
6. Public Relations / Communications - Php 25, 153
7. Technical and Helpdesk Support - Php 25, 078
8. Sales - Telesales / Telemarketing - Php 24, 400
9. Training and Development - Php 23, 762
10. Customer Service - Php 23, 369

Top 10 Specializations with High Salary - Supervisors ( 5 or more Years' Experienced Employees)

1. IT/Computer - Software - Php 67, 478
2. IT/ Computer Network / Database Admin - Php 52, 319
3. Law/ Legal Services - Php 39, 788
4. Engineering Electronics / Communication - Php 34, 831
5. Customer Service - Php 34, 772
6. Sales Engineering / Technical / IT - Php 33, 396
7. Marketing / Business Development - Php 33, 104
8. Quality Control Assurance - Php 32, 978
9. Sales - Telesales / Telemarketing - Php 32, 878
10. Engineering - Industrial - Php 27, 032

Now kung 10k ang sahod mo as an engineer, napakalaki ng kakulangan mo sa industriya mo dahil hindi ka man lang umabot sa average na sahod ng mga kapwa inhinyero mo. Sino ang may kakulangan? Ang magulang mo ba? School mo ba? Ang industriya mo? Gobyerno? O baka ikaw?

Paano ka nakarating sa konklusyon na mas karapat-dapat ka bigyan ng pabahay dahil mas maliit ang sahod mo? Eh di sana ibinigay na lang yung mga pabahay sa mga fastfood crew (no hate against you guys), pero sigurado ako na mas mababa pa ang sahod nila kompara sa iyo.

Ano, iprotesta na natin itong kakulangan mo?
 
Attachments

  • police_marine_salary_infographic_CNNPH.jpg
    police_marine_salary_infographic_CNNPH.jpg
    306.3 KB · Views: 11
2015 Salaray Table, inaccurate for this year, but more or less, this gives you an idea ng salary range per rank.
View attachment 1221631

Now, what's the ratio of the officers / higher ranking officials compared to those na sinasabi mo na sumasahod ng 25-35k per month? Ano nga din pala ang definition mo ng ordinaryong pulis? Nakita mo ang sahod ng pulis at the PO level? Less thank 20k. Sa isang police station, let's say 30 personnels, ano ang ratio PO? Around 50%. Actually, majority ng laman ng station ay PO. Then ilan ang SPO level? Half ng dami ng PO. So around 25% So PO + SPO = 75% ng personnels ay less than 30k. Hindi ko makita yung point mo kung bakit hindi sila karapat-dapat na bigyan ng pabahay. Also, hindi naman din fully-free yun, may fees pa din sila na binabayaran, pero minimal na lang din.

Kung ang definition mo ng ordinaryong police ay yung mga matitinong pulis, there's no other way for them to get additional income. Bakit? Mas malamang nasa station sila majority of their day. Kung meron man income, baka tindahan sa bahay, or kung madiskarte ang mag-asawa? Please bear in mind, matinong police ha.

Now i-compare natin sayo. Engineer ka ba kamo? 10k sahod? Oh come on, you can do better than that. Kung hindi ka makasahod ng mas malaki, wag mo isisi sa gobyerno o sa trabaho mo. Baka ikaw ang may problema. Unang una, mas mataas ang napag-aral mo kompara sa mga police. Mas malaki ang tsansa mo na makakuha ng higher-paying projects kompara sa mga police. By default, mas malaki ang kaya mo makuha na monthly income compared sa mga police.

In fact, on a survey done in 2015. Take note of the year. Same year as the police salary range table.

On both tables, engineers are in the top 10 highest paying jobs, with an average of at least 27k monthly.

Now kung 10k ang sahod mo as an engineer, napakalaki ng kakulangan mo sa industriya mo dahil hindi ka man lang umabot sa average na sahod ng mga kapwa inhinyero mo. Sino ang may kakulangan? Ang magulang mo ba? School mo ba? Ang industriya mo? Gobyerno? O baka ikaw?

Paano ka nakarating sa konklusyon na mas karapat-dapat ka bigyan ng pabahay dahil mas maliit ang sahod mo? Eh di sana ibinigay na lang yung mga pabahay sa mga fastfood crew (no hate against you guys), pero sigurado ako na mas mababa pa ang sahod nila kompara sa iyo.

Ano, iprotesta na natin itong kakulangan mo?

Ito na naman tayo may mga tao talagang nahihirapan intindihin yong mga isinulat natin. Kung babasahin mong mabuti yong post ko, tama naman talaga ang naisulat ko. Bakit? Ito o:

Tingnan mo na lang, magkano ba ang tinatanggap ng isang pulis o sundalo? Hindi bababa yan sa P25,000-P35,000 kada buwan (para sa mga ordinaryong pulis).

Ano ho ba ang ibig sabihin ng 'tinatanggap'? Iyan ay 'Received remuneration', hindi ho yan nangangahulugan ng 'basic pay'? Ang problema kasi sa mga taong gobyerno ay masyado silang garapal na hindi nila niri reflect ang total wages kung hindi ay ang 'basic pay' lang. Hindi isinasama dyan yong mga allowances at adjustments. Di nila ipinapahayag pero kasali yan sa binubuwisan. Taktika ito ng korup na gobyerno ng Pilipinas.

Ano ho ba ang basehan ko? Ayan o sa baba basahin nyong mabuti ang link para maliwanagan kayo:

http://news.abs-cbn.com/news/01/03/1...is-year-diokno
----------------
MANILA - (UPDATE) The second of four programmed salary increases for the police and the military will be given this year, one of President Rodrigo Duterte's economic managers said on Tuesday.

"There will be another round of salary increase this year, both for civilian and military and policemen," Budget Secretary Benjamin Diokno said.
President Rodrigo Duterte promised during the campaign to double the salary of security forces, which could come as early as January 2018, Diokno said.

"I have actually submitted to the Office of the President a copy of the bill and this would only require (a) joint resolution from both the Senate and the House," Diokno said.
"And going by the behavior of Congress, they won’t object to a salary increase because it’s a popular move," Diokno added.

Under the 2017 adjustments, a Police Officer I (PO1) will receive a total annual compensation of P473,625, compared to P355,290 during the previous year.

A Private will receive P436,138 from P342,936 previously.

The first round of salary increases was given last year.

Aside from the military and police, the government has also promised to increase the salaries of public school teachers.

----------------

Base sa sinasabi ni Diokno na makikita mo sa taas o pahayag, nasa P355,290.00 pala ang tinatanggap ng isang PO1 kada taon. Kung divided yan by 12, so, ang tinatanggap pala ng isang PO1 ay nasa P355,290/12 = P 28,578 per month. Baka naman sabihin mo naisama na sa suma total yong 13 month, pede naman natin i deduct yan para matantiya natin ang buwanang tinatanggap ng isang PO1. Ito ang kalkulasyon P355,290.00 - P16,000 (est. basic pay) =P339,290 and per month is P28,274.17 o halos magkapareha lang ng una kung isinulat. Therefore, tama naman talaga ang isinulat ko na nasa P25,000-P35,000 (rough est.) dahil kung kukuhanin mo ang 'average' niyan ay nasa P30,000 na hindi naman nalalayo sa P28,578. (Note: Hindi ko pa isinama dyan yong iba pang mga bonuses na binibigay sa kanila gaya ng Christmas bonus at LGU or Mayor's bonus.) Ayan kitang kita, gets mo na? Pag ginawang P436,138 pa iyan, nasa P36,344 na yan kada buwan. Naku sila lang yata ang minamahal ng gobyerno ng Pilipinas.

Ang depenisyon ko po ng ordinaryong pulis ay para sa mga ranggo na PO1 hanggang PO4 (private). Ang ranggong SPO1 - SPO4 hanggang Superintendent ay hindi na ho mga ordinaryo yan kasi 'senior' na mga ranggo na. Kaya nga pag sinabi mong SPO4, ang ibig sabihin ay 'Senior Police Officer 4', na ibig sabihin ay hindi na baguhan o 'private'.

Sinabi mo pang I can do better than earning P10,000. Ang tanong, naranasan mo na bang mag trabaho sa probinsya? E baka hindi pa nga. Kung well-informed po kayo, dapat alam nyo ang mga minimum wage na itinatakda ng Tripartite Wage Board bawat rehiyon. Sa Maynila, iba ang minimum wage nasa P16,000 (more or less), pero sa probinsya ay mas mababa. Lalong lalo na kung ikaw pa ngayon ay nagtatrabaho sa pribadong sektor na pwedeng kang pagsamantalahan. Alangan naman kakasuhan mo pa yang 'employer' mo e gagasta ka pa ng abogado at sa napakahabang proseso ng sistema natin na sa kinalaunan ay wala kang mapapala. Ang reyalidad, mahirap talaga banggain yong mga may pera. Wala naman ding pakialam yong mga LGU kasi nga yon ding mga pribadong kumpanya na yan ang sumusuporta sa mga pulitiko tuwing eleksyon. Kaya kalimitan ay nauuwi sa aregluhan o kaya ay patatahimikin ka na lang.

Masasabi kong maganda ang nakuha mong istatistika o datos, kaya lamang ang isinasalamin lang dyan ay mga trabaho o posisyon na matatagpuan sa Maynila o sa mga 'first-class cities' o progresibong siyudad. Hindi niyan pinapakita ang totoo at kabuuang estado ng buong Pilipinas. Kung titingnan natin yong datos, ang dalawa na may mataas na ranggo ay nasa IT sector. Ang tanong, saan mo ba makikita yong mga call centers o outsourcing companies na pwede kang magtrabaho? Halos nasa Maynila, Cebu at iilan naman ay nasa Davao at Zamboanga, pero, sa ibang mga lugar at probinsya ay wala. At ang hina hire ng mga yan ay 'Computer Engineers', CompSci, IT graduates. Tapos, pag nag-apply ka pa sa mga iilang outsourcing companies sa Davao at Zamboanga ay masyado pa silang mapili, kaya konti lang din ang natatanggap. Tapos iba din ang rate na binibigay nila at malimit ay 'contractual jobs' lang. Saka, hindi lahat ng sangay ng Engineering ay pedeng magtrabaho sa IT. Paano ngayon kung Mechanical Engineer ka o Agricultural Engineer, pede, ka bang magtrabaho as a Computer Engineer? Gets mo ba ang ponto? In short, naging maganda lang ang istatiska depende sa pagagamitan.

Now kung 10k ang sahod mo as an engineer, napakalaki ng kakulangan mo sa industriya mo dahil hindi ka man lang umabot sa average na sahod ng mga kapwa inhinyero mo. Sino ang may kakulangan? Ang magulang mo ba? School mo ba? Ang industriya mo? Gobyerno? O baka ikaw?

So, ako pa ngayon ang may kakulangan sa industriya? Dahil hindi man lang umabot sa P27,000 na sinasabi mong average na sweldo. Buti sana kung ako lang, e, marami kami na nasa probinsya na P10T+ lang ang sweldo, pati mga kasamahan ko sa trabaho ganun din. Pagsabihan mo rin sila na may kakulangan sila. LOL. Ang problema kasi sayo masyado naman ata kayong nananaginip na malayo sa reyalidad. Punta ka nga sa mga probinsya lalo na sa Visayas at Mindanao at mag conduct ka ng survey para malaman mo ang katotohanan. Kaya nga maraming mga taga probinsya ang lumuluwas sa Maynila dahil nga sa walang magandang oportunidad at pa sweldo. Kaya lang imbis na nakakabuti, e nagiging problema pa. Nagiging contributor pa sila sa lumalaking populasyon ng Maynila, nag reresulta sa 'congestion' o trapik, pagkawalay sa pamilya, matinding kumpetisyon at diskriminasyon sa larangan ng employment.

Yon nga lang POEA na sinasabing marami daw trabaho sa ibang bansa e halos di man yan nakakaabot sa mga probinsya. Puntahan mo yong POEA offices sa mga probinsya eh wala kang makikita na mga job offers. Kung meron man na may mga magaganda job offers gaya ng trabaho sa Japan, New Zealand, Australia, di na yan nalalaman ng madla kasi yong impormasyon na yan ay isinisekrito nila para lang sa kanilang mga ka pamilya, kapitbahay, kaibigan, kamag-anak at yong may malalakas ang kapit. Kaya kung umabot man yong impormasyon sayo ay sasabihin lang nila na 'filled-up' na o sarado na daw. Kaya korup talaga ang sistema.

Sino ang sisisihin: (magandang katanungan)

Ang mga magulang ko ba? Syempre hindi mga magulang ko dahil biktima din sila sa iniidolo mong maling sistema.

Yong paaralan ko ba? Medyo siguro dahil hindi nila tinataas ang antas ng 'training', malimit ko kasi marinig na naka pokus ata sila sa 'IG' o 'income generation' pag 'private school'. Sa public school naman ay wala kang magandang natututunan. Posibleng ang mga titser dyan ay 'qualified' pero hindi naman 'competent'. Karamihan pa dyan ay walang mga skills at experience. Nakakapagturo lang sila dahil kaibigan nila ang principal kundi naman ay nagbayad. Karamihan din sa mga guro ay 'mismatch' ang kanilang kwalipikasyon para sa mga 'subjects' na tinuturo nila.

Yong bang industriya? Ang sagot ko ay 'OO' dahil pulot-dulo sila ng diskriminasyon at korupsyon. Malimit sa mga industriya ngayon na paghindi ka graduate ng 'First Class Universities' ay hindi ka tatanggapin gaya ng Ateneo atbp. Ito ay nangyayari malimit sa mga probinsya.

Ang gobyerno ba? OO, ang gobyerno dahil sa korup na sistema nito pati na rin sa mga korup na nakaupo sa gobyerno. Hindi rin ginawa ng mga Senador at Kongresistang ang paggawa ng batas tungkol sa 'Standardization ng Wages' para sa mga propesyonal na lisensyado at ang pag-aalis ng 'Contractualization'. Ang problema pa doon sa nabanggit ko, pag lisensyado ka ipinapatupad pa ngayon ang batas ng CPD na naging ugat ng paghihirap ng mga propesyonal at nagiging ugat din ito ng korupsyon.

Ako ba? Sa tingin ko ay hindi. Dahil ginawa ko naman ang lahat para maging patas. Hindi ako gumamit ng politiko o 'palakasan' para makapasok sa trabaho. Nag-aral ako ng mabuti at pumasa pa nga ako sa dalawang 'State Board Exam'. Hindi din ako 'adik' o naging salot man lang ng lipunan. Hindi ho ako nagtatapon ng basura kung saan-saan, pati na ang paninigarilyo at paglalasing. Sinusunod ko ang batas 'to the letter' at kung may 'violation' man ako ay tinatanggap ko naman ang responsibilidad at kaparusahan na kaakibat nito. Nagbabayad ako ng tax sa gobyerno, kinakaltas pa nga 'automatically' ng accounting dept. Wala akong rekord sa NBI, Police, kahit pa 'jaywalking' o 'anti-littering'. Hindi ako bumubuto sa mga walang kwentang pulitiko dahil lang sa pera at magaling na pananalita nila.

Ang mga Filipino ba? OO. Dahil tayong mga Filipino ay ubod ng plastik. Sa harap, mabuti tingnan pero ang likod ay sobrang panget ng pag-uugali. Ngiwi ang 'moral compass' katulad ni Mocca (LOL..), walang disiplina at sobrang panatiko. Syempre, maliban naman sa iilan, na lumalaban pa rin para sa tunay na pagbabago, maka Diyos at makatao.

- - - Updated - - -

Siyanga pala tungkol sa karadapat dapat na mabigyan ng pabahay, ito pala ang mandato ng NHA kung bakit marginalized sector dapat sana ang inuuna at yong mga families na due for 'resettlement':

http://www.nha.gov.ph/about_us/corporate_profile.html

Mandates:
Under PD 757 dated 31 July 1975. NHA was tasked to develop and implement a comprehensive and integrated housing program which shall embrace, among others, housing development and resettlement, sources and schemes of financing, and delineation of government and private sector participation.

Under EO 90 dated 17 December 1986. NHA was mandated as the sole national government agency to engage in shelter production focusing on the housing needs of the lowest 30% of the urban population.

Under RA 7279 (UDHA) dated 24 March 1992. NHA was tasked to provide technical and other forms of assistance to local government units (LGUs) in the implementation of their housing programs; to undertake identification, acquisition and disposition of lands for socialized housing; and to undertake relocation and resettlement of families with local government units.

Under RA 7835 (CISFA) dated 08 December 1994. NHA was tasked with the implementation of the following components of the National Shelter Program - the Resettlement Program, Medium Rise Public and Private Housing, Cost Recoverable Programs and the Local Housing Program.

Under EO 195 dated 31 December 1999. NHA was mandated to focus on sociliazed housing through the development and implementation of a comprehensive and integrated housing development and resettlement; fasttracking the determination and development of government lands suitable for housing; and ensuring the sustainability of socialized housing funds by improving its collection efficiency, among others.

-----------------------

So, base dyan sa taas, may mga katanungan na dapat masagot para walang kinikilingan ang gobyerno natin:

Ayon sa EO 90 dated 17 December 1986. Yon bang mga pulis ay kasama sa marginalized sector or lowest 30% of the urban population? Yong bang sweldong tinatanggap nila ngayon ay kasama pa rin ba sa income ng mga marginalized sector?

Ayon RA 7279 (UDHA), RA 7835, EO 195. Yon bang mga pulis ay due for resettlement, dahil sa: 1) may panganib sa kanilangg mga buhay sa kanilang lugar dahil ito ay nasa danger areas, 2) may nakaambang demolisyon, 3) homeless at 4) underprivileged ba sila?

Mas maganda kung masasagot mo muna ang mga yan.
 
Last edited:
Sumali nalang kayo sa mga non-profit organization katulad nang Gawad Kalinga.
 
Back
Top Bottom