Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Nature of work

lynyrdskynyrd

The Loyalist
Advanced Member
Messages
500
Reaction score
27
Points
28
Hi, isa po akong pulis. baguhan pa lang po ako mag five years pa lang in the service. may nagawa na akong thread dito kong paano ako nalolong sa online sabong at kong ilang pera ang sinayang ko dun. almost lahat ng ipon ko at nagkautang uta g pa ako sa lending companies na nag ki cater lang ng mga uniformed personnel. nong bagong bago pa ako magpulis, okay naman.. kalalabas sa training center at ang lakas lakas ng katawan dahil nahasa sa ehersisyo at nasanay narin sa puyatan at natipid sa pagkain pero maganda ang katawan ang gaan at malusog ang pakirandam. napunta ako sa mobile company, kami yung umaakyat sa bundok pag may sightings ng NPA. pero nong mag two years na ako sa serbisyo napunta ako sa unit ng Drugs. medyo kinabahan ako kasi prone sa kaso ang mga pulis na assigned dito. nag report ako at nakipagkilala sa boss at sa mga kasama ko. may mga kagaya konrin na baguhan pero meron na yung mga matagal sa serbisyo mga SPO/master sergeants na ang mga ranggo. ako PO/pat pa lang. hindi sila naka uniporme at yung iba mahahaba buhok parang di pulis meron pa nga parang adik o mamamatay tao jj. pero every month ang drug test kaya hindi mga drug user to kasi once na nag positive ka sa drugs, sibak, demote sa lower rank at ang pinakamasaklap dismissal sa organisasyon. ngayong medyo matagal tagal na ako sa unit na ito, hindi maiiwasan ang ALAK at PUYAT. kelangang mag puyat dahil kadalasan anytime may lakad, at sa puyat na iyon meron palaging alak at kelangan uminom dahil narin sa peer pressure. nasa safehouse kayo nakatambay kasama ang asset o confidential informant lalaruin niya yung target na may papakilala siyang bibili ng droga. habang nakatambay meron palaging alak, eto ang ayaw na ayaw ko ngayon, di maiwasan ang alak. minsan tutungga ang senior ipapasa sayo ang baso wala na di matanggihan kapag tinanggihan mo para ka ng naiiba. kasi sila nakainum na ikaw na naka inum dinka makakasabay. itong alak din kasi minsan ito nagpapalabas ng idea at tapang kapag lalabas na kayo sa safehouse at pupuntahan na yung target kasi kelangan sunggaban talaga kapag nag positive transaction. at ang delikado dun baka may baril yung target o may kasama siyang nagbabantay na may baril.
Ngayon, sinasabi ko sa sarili ko puyat at alak tas pulutan karne kapag ganito lagi baka magkasakit sa puso e bata pa naman ako. ang hirap. ang hirap ng lifestyle ko ngayon, malapit sa kaso, pangit ang diet, di magkakasunod ang tamang tulog laging sira ang body clock, walang oras sa ehersisyo, laging nakakatikim ng alak... wag naman sana bumigay ang katawan. gusto ko mag retire ng healthy pa at malusog para namnamin naman ang benipisyo o pension. ika nga health is wealth, wala silbi ang pera kapag may sakit ka...
 
Ipon lang TS.. tapos sabay retire. hanap ng maayos na life style.
Pray and tiwala lang sa DIOS. dyan tayo pupunta pag nahihirapan hinde sa ibang tao.

God bless TS.
 
okay lang tumagay tapos tanggihan na yun mga sususnod, mag vitamins din. subukan mag palit ng ibang departamento. tama mag ipon ganng may time .
 
Salamat sa pagbahagi ng iyong karanasan bilang pulis. Mahirap talaga ang trabaho ninyo at hindi biro ang mga sakripisyo na ginagawa ninyo para sa kapakanan ng mga mamamayan. Ngunit, tulad ng sinabi mo, mahalaga rin ang kalusugan at ang pangangalaga sa sarili.

Ang hindi wastong pagkain, puyat, at pag-inom ng alak ay maaaring magdulot ng iba't ibang problema sa kalusugan, tulad ng high blood pressure, diabetes, at liver disease. Mahalagang magkaroon ka ng sapat na oras para sa pahinga at pagtulog, kumain ng masusustansyang pagkain, mag-ehersisyo, at iwasan ang sobrang pag-inom ng alak.

Maaari mong kausapin ang mga kasamahan mo sa trabaho tungkol sa pagkakaroon ng mas maayos na kalusugan sa loob ng trabaho. Puwede kayong magtulungan sa paghahanap ng mga alternatibong paraan ng pagpapakalma o pagpapalakas ng katawan, tulad ng mga pag-eehersisyo, meditasyon, o yoga.

Huwag kang mag-alala na baka mawala ang respeto ng iba sa'yo kapag hindi ka uminom o kumain ng hindi masusustansyang pagkain. Mas mahalaga ang pangangalaga sa sarili kaysa sa pagkakaroon ng acceptance ng ibang tao.
 
I've been in intelligence community dito sa AFP for almost 10yrs Sgt, na-experience ko rin yan, actually yung TL ko mismo ang araw araw umiinom ng alak, lagi ka aayain, pero sabi nga sa buhay nating unipormado, swerte-malas lang talaga, ang ginawa ko lang eh pinakisamahan ko lang din talaga mga seniors ko, hanggang sa kinakaya ko na tumanggi sa alak, quitting na rin kase ako dyan. hehehe
 
Back
Top Bottom