Hello po, advice lang po guys/gals
I met a girl thru online dating app last year, first time ko lang itry yun, araw araw kame magkachat sa fb and nag meet na din kame a lot of times, sobrang na in love ako sa kanya pero wala kaming label.. but then during sa isang gala namen, nagpapakita kase sya pics dun sa pinuntahan namen then pagswipe nya nakita ko pic nung dating nanligaw sa kanya na dun din sa park at event na yun(sabi nya rin kc dati nafall talaga sya dun). Napa overthink ako pero tinago ko na lang yung sakit na naramdaman ko nun..
then 1 time ni reinstall ko yung app na kung san kame nag meet, nakita ko sya online dun 5hours ago pero paalam nya saken tutulog na sya ng mga 8hours ago pa dun sa messenger, so obviously hindi lang ako yung guy na nakakachat nya and maybe may iba pa syang nakakameet up.. I hide it na lang, pero sobrang sakit tlaga, ramdam ko option nya lang ako..
tapos eto 6months after that, magkachat pa rin kame, attached na ko sa kanya pero ramdam ko hinahantay na lang nya akong bumitaw. dati pa naman, whenever I try parang ang pinaparamdam nya is hanggang dito lang ako, parati siyang umiiwas..
sorry kung medyo magulo, magulo din kc tlaga pag iisip ko ngayon, gusto ko itigil na tong kabaliwan pero di ko alam kung pano, sobrang na attach na sya saken