Sir please help. Last time na problem ko is nastuck sa apple logo ung 3gs ko. Naayos ko na sya. Updated na ung 3gs ko sa 6.1 untethered and unlocked by Ultrasnow. Ang problem ko ngaun sir, ayaw magsync ng apps and pics ko sa Itunes papuntang Iphone. Ganito po...
Isasaksak ko ung Iphone sa Itunes. Detected naman sya. Ginawa ko is new Iphone.
Sa Apps tab, left side, andun lahat ng previous applications ko. Nagselect ako isa, click ko "install", mapapalitan ng "will install" ung tab.
Click ko apply sa ilalim, aandar ung sync from step 1 "preparing" step 2, hanggang step 3 "Determining apps to sync" pero hanngang dun lang. Titigil sya bigla. Di sya umaabot sa step 4 which is actually synching ang installing the app to my Iphone.
Sa Itunes, sa right side kung san makikita ung mga pictures ng apps na nasa phone mo, after kong gawin ung install app, lumalabas ung picture nung app na inattempt ko install. Ang isip ng Itunes, successfully installed sya sa Iphone ko pero wala talaga.
Same with pictures, ayaw magsync ng pictures.
For some reason, nakakasync ako ng ebooks at music. Di ko pa natry ringtones.
Kung gusto ko maginstall ng apps by downloading directly sa Appstore ng Iphone, pwede naman sya.
Nafufrustrate lang ako kasi ayaw magtransfer ng mga apps ang pics. Asar talaga kasi ilang oras ko na to sinusubukan.
Mga steps na natry ko:
1. Restarting the Iphone
2. Deauthorizing and Authorizing computer
3. Sync thru wifi
4. Log in and log out sa account
5. Disable all restrictions sa Iphone
ano pa po ba? nagsearch ako sa google ng sagot, yan ung mga suggestions pero di gumana. huhuhu