- Messages
- 223
- Reaction score
- 0
- Points
- 26
Hello po mga ka-symb, eto na po yung last na help request ko dito sa symb since mawawala na siya pero btw, may problema sa built-in keyboard ng laptop ko. Kusang nagpepress yung period/greater than button(./>). Nakakainis siya kasi di ako makagawa ng mga kailangan gawin via Microsoft Word dahil puro period yung magiging laman ng document. Tumitigil siya sandali pag pinipindot ko actually yung button pero pagkatapos ng ilang sandali, tatadtad na naman siya ng period na input. Kahit sa facebook chat, di ako makapagreply agad kasi binubura ko yung period at habang binubura ko nagtatype pa siya so inuunahan ko lagi. Hindi naman siya nabuhusan ng kahit anong liquid para maging ganto. 2 years na yung laptop sa akin. Ano po kaya yung pwedeng remedy dito sa problem ko? Out of warranty na siya since lagpas na ng 1 year. Triny ko buklatin mismo yung button at nilinis ko na pero balahibo lang naman yung laman at walang pagkain since di ko nilalagay yung pagkain ko sa ibabaw ng laptop pero ganun pa rin yung problema niya. Reinstalled the drivers already. Have updated antivirus(Windows Defender ang gamit ko since reliable naman siya sa Win10). I posted this thread on another device. Maraming salamat po talaga sa sasagot!