Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Nintendo Switch Issue: Can't Connect to WiFi

Oxcyde

Recruit
Basic Member
Messages
1
Reaction score
0
Points
16
Hi guys. Bagong salta lang po ako dito sa forums. Medyo desperado na akong maayos yung problema ko sa Switch kaya naisipan ko na ring magtanong at manghingi ng tulog dito. Crowdsourcing, kung baga. Gusto ko ring malaman kung meron din sa inyo na parehas yung issue.


***
Basically, may problema yung Switch ko. Nakakconnect sya dati sa WiFi namin dito sa bahay pero ngayon hindi na, for almost a month na. Ang weird lang kasi nakakaconnect pa rin ako sa hotspot ng phone ko, yun nga lang matakaw sa data. Nakakakuha ako ng error na weak daw yung signal o kesho hindi makaconnect ng maayos kahit na 2 ft. away lang ako sa router tapos nakakagamit ako dati ng wifi na nasa 2nd flr yung router at nasa ground flr ako. Paiba-iba yung error. Tried to check them all sa Nintendo troubleshooting page kaso wala ring napala.
***

Inilapit ko na to sa branch ng DataBlitz na pinagbilhan ko tapos binigyan na rin ako ng mga tips tsaka remedies. Nakipagchat na rin ako sa Nintendo support kaso nagpowercycle lang kami, sunod na tip e ipacheck up na sa kanila yung unit kaso sa US.

Ililista ko lahat ng mga nagawa ko sa unit, sa router, other necessary actions sa baba para kahit papaano macross-out na.

Here are the things that I've done so far:
For the unit:
- proper power cycle (holding down the power button, first fix na nakita ko sa web)
*nagkaproblema na yung Switch ko dati, biglang ayaw magconnect sa WiFi. Naayos ko nung nagpowercycle ako the first time. More than a week after nung nangyari, saka na sya hindi makapagconnect ng tuluyan
- cleared out WiFi settings then manually setting up the connection
- tried to download and update system version 2.3.0 using hotspot, problem still persists
**I never noticed kung may recent ba na update na nagcause ng issue na to, no accounts from the net yet, too

For the router (Cisco router, provided by SkyCable):
- changed password settings, made sure ne WPA2-AES
*still using the shared key na nasa router itself. Tried to set up its own password, pero problem still persists.
- power cycle and all
*walang nagbago sa settings ng router nung nakakaconnect pa yung Switch hanggang nung sa panahong hindi na. Nagalaw lang yung settings nung nagkaproblema nsa yung unit
**dalawa yung router sa bahay, same unit pero magkaibang lines, parehas ayaw gumana
***itrtry ko palang gamitin yung ibang wifi connection sa labas, tulad ng sa mga resto at mall

Other stuff done so far:
- searched the net for fixes, none has worked so far
*karamihan sa mga nakita ko e yung temporary connection issue na naaayos ng power cycle
- asked for assistance from DataBlitz staff on two occasions
*accdg sa una kong nakausap, wala pang ibang lumalapit sa kanila na may parehas na issue. pwede ko raw itry na mag-initiate or mag factory reset kaso sayang yung saved file ko ng BotW since di ko pa tapos. Might go for factory reset if it's the only option left. Mukhang hindi rin naman daw dahil sa faulty WiFi chip since nakakaconnect pa rin sya sa mobile hotspot.
**accdg sa pangalawa kong kausap, baka raw sa router na napuno na yung user slots. Baka same issue daw ng sa PS4 connectivity na naayos nung nagreset sila ng router. Parang hindi naman kasi iilan lang kaming users sa bahay tapos pw protected, wala namang bagong gadget na mangaagaw ng slot. Pero sinubukan ko pa ring gawin yung router reset na inadvise nya pero issue still persists.
- reached out to Nintendo chat support
*hanggang power cycle lang yung nagawa namin, sinuggest din na icheck kung tama ba yung pagkakaenter ng password sa Switch, yung sumunod na step is ipacheck up na sa kanila

One thing na pinaghihinalaan ko na nagcause nitong issue e nung sinubukan ko yung hidden browser feature ng Switch. Gumana naman sya. May ilang araw lang na hindi ko nagamit yung Switch hanggang sa sinubukan ko ulit tapos nalaman ko na yung problema. Wala pa akong nakikitang mga complaint na nagcoconnect nito sa issue so far.

Another fact worth noting: Wala pang 24 hours sakin yung unit, nabagsak ko na sa sahig nung natumba yung dock. Almost three feet yung pinagbagsakan, buti walang basag yung screen or kung ano man. Napansin ko lang na may maliit na dent yung gilid. Mukhang wala namang effect since nagagamit ko pa yung unit ng walang problema.

Maraming salamat sa pagbabasa at pasensya na kung medyo mahaba. Kung titignan, almost a month na ngang problema to ng Switch ko. Hindi naman ako nagmamadali kasi wala pa naman akong game na paggagamitan ng internet connection. Nabobother lang ako kasi baka tumagal hanggang sa hindi na maayos. Umaasa pa rin akong madadala ng future system updates pero mabuti nang maging proactive.

Kung may nais kayong itanong pa tungkol sa issue, reply na lang or PM.

6/25 UPDATE:
Just updated to version 3.0.0 today, Tested it out with our home wifi, wala pa rin. It still can connect with my phone's mobile hotspot, though, kaya nakapag update ako.
 
Last edited:

JUNAXCUBE

Novice
Advanced Member
Messages
41
Reaction score
0
Points
26
Check mo TS ang firewall ng connection mo.
 
Last edited:
Top Bottom