https://imgur.com/a/yEqhDLw
Yung pananalita ni Yamato "boku" = pambatang I/me. Tapos may kadena sa braso at may malaking tali na lubid na dalawa ang kulay sa likod, parang si Oden.
Siguro si Yamato ay isang homie na gawa sa bangkay ni Oden at kaluluwa ng batang anak ni Kaido na nag-aagaw buhay. Hindi pwede sa kapangyarihan ni Big Mom na bumuhay ng patay gamit ang fragment ng kaluluwa, pero paano kung buong kaluluwa ng anak ni Kaido ang ginamit niya? O kung nag-awakening ng devil's fruit power si Big Mom? Baka ito yung nabanggit na utang ni Kaido kay Big Mom.
O kaya si Yamato ay isang zombie na gawa sa bangkay ni Oden at anino ng anak ni Kaido, at pinilit ni Kaido si Moria na gawin ito. Ewan ko lang kung mananatili ang anino sa bagong katawan kung namatay na ang original na katawan.
Ang problema may mahabang balbas si Yamato, si Oden wala, pero pwede naman na parte lang ng maskara yung mahabang balbas.
Random na hula lang. Swerte kung tumama.