Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Panahon na nga raw ba para ibalik ang ROTC at CMT?

Idol ko si Abdul

Amateur
Advanced Member
Messages
120
Reaction score
13
Points
38
Dahil sa gyera sa Ukraine at posibleng gyera ng China at Taiwan, panahon na nga ba na ibalik ang ROTC at CMT?

Sa nakikita ko mga kapatid parang tutulog tulog lang ata ang Pilipinas partikular sa isyu ng National Defense. Yong ibang mga bansa gaya ng Ukraine, bago nagka gyera nagkaroon muna ng massive training ang kanilang mga sibilyan para makaagapay sa Armed Forces nila at makapag handa. Ganito din ang nangyayari sa Taiwan, nagkakaroon sila ngayon ng massive civilian training para sa Sandatahang Lakas nila. Pero tayo tutulog tulog, walang kahandaan. Pang collateral damage lang ba tayo? Wag naman sana mangyari sa atin ito.

Wala talagang natututunan ang mga Pilipino sa ating kasaysayan. Yong mga opisyal natin bili ng bili kunyari ng mga sasakyan at kagamitang pandigma pero pang porma lang ata. Di man lang tayo maka depensa sa ating soberenya. Panay hintay lang ata sa tulong ni Uncle Sam. Ang problema pa, walang pa tayong totoong "force multiplier" na pwede naman sanang gawin. Kabobohan ba ito? O sadyang duwag lang tayo na ayaw nating lumaban at bagkus handa lang tayo sumurender kung aatakihin man?

Sa aking palagay, pwede naman ibalik ang ROTC at CMT pero dapat ibang version na dapat. "Conscription Service" na dapat, ika nga. Mag level up na, sabi ng karamihan. Di katulad nung dati na puro kahoy ang bitbit ng mga kadete, tinapay, softdrink, at abridor ang dinadala ng Supply, at medical kit naman na walang laman kundi ammonia lang ang bitbit ng Medic. At ito pa yong grabe, parating solicitation para sa damit ng mga Officers at kanilang sponsor, na mga kadete naman ang nag-aambag ambag para pambili, na sa tingin ko ay isang abuso at uri ng korupsyon. Yong commandant naman umiinom pa ng Tanduay sa harap ng mga kadete, na hindi magandang imahe at kawalan ng disiplina. Wala ka talagang matutunan sa ganyan, pagbitbit ng kahoy, pag mamartsa lang at pagpapalakpak sa mga opisyal. Yan ang naranasan ko sa ROTC, walang ka kwenta kwenta. Di mo mafi feel ang pagka Pilipino na taas noo. Ewan ko ba sa inyo ang yayabang magsalita na marami daw tayong reserved officers pero sa totoo lang 80-90% ng nakatapos dyan eh wala namang natutunan. Dapat kasi upgraded version na gaya ng ginagawa ng South Korea.

Ano ang suhestyon ko? Dapat may 3 years conscription tayo. Dapat pag dating ng 18 years old, lahat ay mag serbisyo sa bayan na sponsor naman ng Estado. Hindi dapat estudyante ang nagbabayad sa training. Kaloka talaga! Ikaw na nga nagtatanggol sa bayan eh ikaw pa magbabayad para sa training mo. Puro talaga kagaguhan! Dapat din maglaan ng budget ang Pilipinas para sa uniporme, allowance, at armas ng mga conscripts (nasa Batas naman talaga yan). Dapat i train ang mga conscipts na maging kawal ng Sandatahang Pilipinas, na maraming alam. Pag sinabing "alam" hindi lang cognitive, kasali na dyan ang "skills". Dapat alam niya hawakan, gamitin, at i maintain ang mga armas at kagamitan. Kung Engineering naman yong conscipts dapat alam niya paano magkompone ng mga sasakyan, mapa land, sea at air man. Kung Allied Health Sciences naman yong kurso nya, dapat alam niya paano bigyan lunas ang mga natamaan na sundalo. Ibig sabihin doon siya sa ospital ng sundalo mag train. Hindi yong puro kalokohan at demo lang ang tinuturo. Dapat walang exemption kasi ito isang dahilan ng korupsyon, palakasan at bayaran. Lahat ng tao may kapansanan man o wala ay may silbi, dapat ilagay lang sila sa tamang paglagyan.

Bakit ko ba nasabi ito? Kasi nga pag namatayan o nalagasan man tayo ng mga "frontliners" o "acitve servicemen" dahil sa digmaan, meron tayong mga reserba na may ALAM na kayang magpapatakbo ng mga kagamitan ng sandatahan, lumaban, at hindi pang "cannon fodder" lang. AT malaki din ang bentahi ng isang bansa pag "skilled" ang kanyang sandatahan at mamamayan. Maihahalintulad natin ito gaya ng mga "Spartans".

Nakakasawa na talaga maging Pilipino kasi sa tingin ko puro kabobohan na lang ang nangyayari. Ano sa tingin nyo mga kapatid?
 
Last edited:

themonyo

The Eternal Symbianizer
Veteran Member
Messages
5,607
Reaction score
186
Points
308
Power Stone
Reality Stone
Soul Stone
Time Stone
Mind Stone
Space Stone
agree akong ibalik pero there should be better implementation and enforcement para maiwasan corruption...
yung mga kalokohang medical exemption
yung mga nagbabayad, tapos either itatago sila sa isang room para hindi na sumali sa mga drills and training
meron pang hindi na talaga pumupunta ng mga sessions
bullying
hazing
extortion

:sigh:
hindi ko alam kung paano nila aayusin yan pero safeguards should be put in place
 
SgtKeroro

Recruit
Messages
13
Reaction score
4
Points
48
Pabor rin ako dyan...base sa news na nakita ko magiging focus daw ng ROTC is ung Emergency awareness and preparedness during calamity etc. which is kailangan na kailangan ngaun para maiwasan ang casualties during emergency situations
 
r a Z e

奔 放 自 在
Silver Master
Mythic Star Member
Epic Diamond Member
Founding Member
Messages
28,200
Reaction score
16,181
Points
1,828
In favor ako sa pagbabalik ng ROTC para sa mga kabataan natin ngayon, pero dun ako in favor sa proposed version ng gobyerno ngayon, hindi sa proposal mo ts.

Why? Kasi sa ngayon, yun yung realistic gawin. Yun yung sakto sa sitwasyon ng bansa, at yun din panigurado yung kakayanin ng national budget kung sakali. Bakit mo ihahanda ang mga kabataan sa gyera kung in reality, mas madalas pa tayong atakihin ng mga sakuna/natural calamities kesa sa threat ng digmaan? Yan ang reality ng Pilipinas eh, lapitin tayo ng malalakas na bagyo since kapitbahay lang natin ang Pacific Ocean, at nasa Pacific Ring of Fire din tayo kaya may threat din ng mga lindol dito. So kung ganun ang sitwasyon ng bansa, bakit nga naman di na lang ihanda ang mga kabataan sa emergency awareness & preparedness?

Hindi rin naman kasi natin pwedeng ikumpara ang Pilipinas sa mga bansang nabanggit mo. Ang Ukraine, matagal nang may historical na hidwaan sa Russia. Ganun din ang China at Taiwan since the end of WW2. Ang South Korea naman, katabi lang ang North Korea. Ang Pilipinas? Kung di ako nagkakamali, since the end of WW2 eh so far yung claims pa lang natin sa West Philipine Sea ang posibleng maging dahilan ng isang malaking national threat, kung magpapaka-agresibo tayo nang tuluyan against China. But then again, syempre mas papaboran, uunahin at ipa-prioritize ng gobyerno ang bilateral at diplomatic talks para dyan, para maiwasan ang pangamba ng gyera. Kasi una, yun yung mas tamang gawin. At pangalawa, incapable tayo makipag-gyera. Kaya sa sitwasyon natin ngayon, mas akma talaga na ihanda na lang muna ang mga kabataan for emergency awareness and preparedness since yan yung mas malaking threat na taon-taon nating nararanasan, di lang dito sa Maynila kundi sa buong Pinas.

Yung sarili mong version ts, may maaayos ka namang points but realistically speaking, hindi pa siya pwede at hindi rin siya tugma sa sitwasyon natin ngayon. Maybe in the future kung sakaling mas umunlad na talaga ang bansa (kung uunlad nga) wherein pwede nang maglabas ang gobyerno ng seryosong annual budget para sa ganyang kalaking programa para sa mga kabataan natin.

Nice topic, btw. :approve:
 
agaxent

Symbianize Angel
Veteran Member
Messages
2,153
Reaction score
83
Points
168
Ultimate Endurance
Divine Faith
Endless Happiness
Good Luck
Power Stone
Reality Stone
Soul Stone
Time Stone
hanggat nandian ang mga komunistang nagbabalatkayong mambabatas sa Gobyerno at mga legal front ng CPP NDF, napakahirap manyari yan. pipigilin at pipigilin lang.

saka makikita mo puro Never Again to Martial Law ang PEG,

isa ako sa Henerasyon nuon na Last Officer ng C.A.T during High School, nung time na pinatigil yan halos 3/4 ng kongresista pro leftist eh.
gusto ko din maranasan ung ROTC na naging NSTP nung college days ko na.
 
TambayBlues

The Eternal Symbianizer
Prime Member
Advanced Member
Messages
6,554
Reaction score
489
Points
328
Mind Stone
Power Stone
Reality Stone
Soul Stone
Time Stone
Space Stone
I would support it as an "elective" especially for those who wish to enter the military as a career and students should be allowed to take it during summer break dahil masyadong disruptive at physically draining especially kung naka full load ka sa college. This is assuming they will have the same format. Or if they want to make it mandatory it should be taken just before college graduation. Mababa na kasi ang world rankings natin sa academics and this will make students suffer even more and potentially bring us further down the rankings. This is coming from someone who took ROTC in college.
 
Idol ko si Abdul

Amateur
Advanced Member
Messages
120
Reaction score
13
Points
38
Nakakainis talaga. Marami ba talagang mga obob na mga officers ng Pinas? Sinabi ko na hindi ROTC ang solusyon kung hindi conscription pero eto na naman tayo balik na naman sa corrupt practices ng ROTC. Sa conscription mararamdaman mo ang pagka Pilipino. Kung ROTC kasi parang walang pakinabang at pagmamahal sa bayan ang mga nakakatuntong ng high school lang. Mga busittt!!!
Post automatically merged:

In favor ako sa pagbabalik ng ROTC para sa mga kabataan natin ngayon, pero dun ako in favor sa proposed version ng gobyerno ngayon, hindi sa proposal mo ts.

Why? Kasi sa ngayon, yun yung realistic gawin. Yun yung sakto sa sitwasyon ng bansa, at yun din panigurado yung kakayanin ng national budget kung sakali. Bakit mo ihahanda ang mga kabataan sa gyera kung in reality, mas madalas pa tayong atakihin ng mga sakuna/natural calamities kesa sa threat ng digmaan? Yan ang reality ng Pilipinas eh, lapitin tayo ng malalakas na bagyo since kapitbahay lang natin ang Pacific Ocean, at nasa Pacific Ring of Fire din tayo kaya may threat din ng mga lindol dito. So kung ganun ang sitwasyon ng bansa, bakit nga naman di na lang ihanda ang mga kabataan sa emergency awareness & preparedness?

Hindi rin naman kasi natin pwedeng ikumpara ang Pilipinas sa mga bansang nabanggit mo. Ang Ukraine, matagal nang may historical na hidwaan sa Russia. Ganun din ang China at Taiwan since the end of WW2. Ang South Korea naman, katabi lang ang North Korea. Ang Pilipinas? Kung di ako nagkakamali, since the end of WW2 eh so far yung claims pa lang natin sa West Philipine Sea ang posibleng maging dahilan ng isang malaking national threat, kung magpapaka-agresibo tayo nang tuluyan against China. But then again, syempre mas papaboran, uunahin at ipa-prioritize ng gobyerno ang bilateral at diplomatic talks para dyan, para maiwasan ang pangamba ng gyera. Kasi una, yun yung mas tamang gawin. At pangalawa, incapable tayo makipag-gyera. Kaya sa sitwasyon natin ngayon, mas akma talaga na ihanda na lang muna ang mga kabataan for emergency awareness and preparedness since yan yung mas malaking threat na taon-taon nating nararanasan, di lang dito sa Maynila kundi sa buong Pinas.

Yung sarili mong version ts, may maaayos ka namang points but realistically speaking, hindi pa siya pwede at hindi rin siya tugma sa sitwasyon natin ngayon. Maybe in the future kung sakaling mas umunlad na talaga ang bansa (kung uunlad nga) wherein pwede nang maglabas ang gobyerno ng seryosong annual budget para sa ganyang kalaking programa para sa mga kabataan natin.

Nice topic, btw. :approve:
Aatakihin ka na ng China, di ka pa ba maghahanda?
 
Last edited:

r a Z e

奔 放 自 在
Silver Master
Mythic Star Member
Epic Diamond Member
Founding Member
Messages
28,200
Reaction score
16,181
Points
1,828
Aatakihin ka na ng China, di ka pa ba maghahanda?
May kelangan bang paghandaan? May imminent armed attack na ba?
Unless na lang siguro kung ipo-provoke natin mismo nang malakasan, which is malaking kat*ngahan sa part natin, di ba? Like I said, mas uunahin ng gobyerno ang bilateral talks pagdating sa ganyang mga sitwasyon, dahil obviously di natin afford makipagbakbakan nang direkta sa China.

And again, handa bang maglabas ng budget -- or should I say -- may mailalabas bang budget ang gobyerno para masustain yung ganung klaseng programa for years to come?

Uulitin ko lang,

Back
Top Bottom