Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Pansamantala

inspired by Callalily's song "Pansamantala"


pansamantala
hindi pang matagalan
may hangganan, ending at katapusan
di mo alam kung kelan finish na ang laban

mahirap magpanggap na hindi ka umaasa
ngunit, 'ika nga nila wala kang magagawa
tiyaga at lakas ng loob na lang talaga
baka sakaling magkaroon pa ng pagasa

naging takbuhan ka sa tuwing siya'y nalulumbay
sa tuwing naghahanap ng karamay,
sa tuwing may problema at walang umaalalay
ikaw naman, steady lang- nagdadasal na baka ang lahat ay magkaron ng saysay

kontento ka na sa ganito
naaalala niya lamang pag may kailangan siya sa'yo
sa bawat pagtatapos ng isang araw at yugto
siya masaya, ikaw naman puso'y nagdurugo

masakit? isang napakalaking OO
ngunit 'diba ikaw ang pumili nito?
ikaw naman ang sumugal sa laro
nagkataon lang na nung mahulog ka, busy siya at hindi ka masalo

aminin mo man o hindi
bakas sa iyong mata ang pagkasawi
pinipilit mo lamang na ngumiti
para ang sakit ay maikubli

walang kasiguraduhan ang lahat na ito
kung saan ang patungo, malapit man o malayo
maraming ka pang tatahakin sa mundong ito
nangangarap, nagdadasal na balang araw sana ang IKAW at SIYA ay maging KAYO
 
Back
Top Bottom