Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Original Literature

Collection of stories, essays, poems, song lyrics and other forms of literature originally written by our fellow Symbianizers.
Pambihira ang gabing ito. Halos mapuno ang basketball court para sa isang ordinaryong tao sa baryo namin. Burol ni Bert. Ang taong pumuno ng blotter ng barangay sa dami ng ginawang kalokohan at panlalamang sa kapwa. Sanggano. Lasenggo. Tarantado. Patapon. Pagpatay na lang siguro ang hindi niya ginagawa para tuluyang makulong. Burol ni Bert. Nandoon si Elder Chiz, Ka Bado, Bro Ken, Kapatid Basha, Pastor Rero at Konsehala Vhing Go upang magbigay ng huling pagpupugay. "Isa po itong patotoo na gaano man kasama ang isang tao, may nanatiling kabutihan sa kanya puso," panimula ni Elder Chiz. "Kaya huwag po nating sarahan ang ating puso. Bigyan natin ng pagkakataon magbago ang bawat isa atin. Lalo na ang may nagawang mali sa atin," ani Ka...
Ang Aking Kasikatang Gulang ni: pandot UNANG YUGTO Trese anyos ako nu'n, at isang napakatahimik na bata na ipinadala sa aming probinsya upang doon mag-hayskul. Unti-unti kasi ay tumitigas ang ulo ko at nagiging suwail sa mga magulang. Napapadalas ang pangungupit ko sa tatay at nanay ko at nauuwi lang sa bisyo ko --- ang mangolekta ng NBA cards na umaabot nang libo kung pagkagastusan ko. May balik man kung pagkakitaan ko ito, eh napupunta pa din sa ganu'n pa ring gawain. Naiiba na nga sa dati kong buhay ang nadanas ko sa bagong mundo. Ngunit dito naman unang namulat ang aking pagkataong lalaki sa napakadaming aspeto ng buhay. Nand'yan ang mga panahong iibig ka, matutukso sa hatid nitong halina, at kung minsan pa nga ay mabibigo...
Chapter 1 "We hope you have a pleasant stay. Thank you for flying Skylight Airlines. Mabuhay at salamat." "We're here," giliw na giliw na sabi ni Kuya Marky habang tinatanggal ang seatbelt niya. Napabuntong-hininga lang ako. "God, I hope I can get some decent sleep tonight." Natawa si Kuya. "Right, like you get any sleep when we were in New York." I roll my eyes. If I'm being honest, I think I’m going to have a harder time sleeping now because I’m really nervous coming back to Manila. It’s been years since we came home, but when family calls, we come running. Kuya and I have been living in New York for the past six years. Pagka-graduate ko ng high hchool nagdesisyon ang magulng namin na doon na kami magtapos ng pag-aaral at...
image credit to 16minuteslate of Symbianize.com All this time, ako ay naghihintay To find true love na walang kapantay I promise to be faithful, lahat ay iaalay That I will cherish her, kahit pa habambuhay I want to hear ang maganda mong tinig I want to see ang mga mata mong nakakaakit I want to feel ang paghawak sa kamay mo nang mahigpit It seems so simple ngunit kasawian ang sinasapit Where to find you, oh aking sinta? I’ve been longing for you, magpakita na sana We haven’t met yet pero ikaw ba’y maniniwala That I saw you in my dreams, na tayo’y magkasama We are in a park, sa sikat na Luneta Holding each other’s hands kahit pa may makakita Very romantic scene na parang sa pelikula Sitting on a bench na daig pa sila John Lloyd...
Kulang na lamang ay hukayin pabalik sa ibabaw ng lupa ang nais ipabatid ng hagulgol ni Lish. Iyak. Hikbi. Sinok. Limang taon na rin pala. Hindi gaya ng karaniwang dumadalaw sa puntod, bato at dabog ang bitbit ni Lish. Sa tuwing nalulungkot siya ay binabato niya ang pangalan ng asawa. Sinusumbatan. "Bakit ba kasi ginawa mo lang biro ang lahat? Ang sakit mo? Ang pag-inom ng gamot mo! Ang huling oras na kasama mo ako. Sabi mo bubuo tao ng pamilya, magiging masaya at sabay tatanda... Pero bakit?" Iyak. Hikbi. Sinok. Tinadyakan niya ang damong pilit tumatakip sa pangalan ni Kib. "Talagang nagtago ka pa?! Alam mo bang nagmamaneho ako? Paikot-ikot. Paikot-ikot. Tuliro. And I ended-up here! Wala sa plano 'to tapos magtatago ka lang...
Pauwi na sana ako nang biglang sumulpot si Ayesha sa sakayan. As usual umiwas ako kaya natapakan ko ang ebak ng aso na alam ko naman kanina pa nandoon. Kumalat sa puti kong sapatos. Bad trip. "Hi, Rancho." Alam kong nakangiti siya kahit may telang humaharang sa kanyang ilong at mga labi. "Kumusta?" Sobrang hirap ng sitwasyon. Pipili na naman ako. Si Ayesha o ang tae sa paa ko. "Ito may tae sa paa," sa isip ko. "Pauwi ka na ba? Sabay na tayo." Sobrang lawak ng labas ng PITX at may sandamakmak pang tao ngunit magtatagpo kami ng taong minahal ko. Sabagay ganoon din naman kami nagkakilala. Mahal pa, I mean. Mahal, sinaktan. Iniwan. "Yosi?" Alok ko. Iyon na lamang ang naisagot ko. Wala naman iba kasi. "No. Thanks. Tinigil ko na."...
Sabi ng Lolo ko _____ "Condolence pre," si Lincoln. Siya lang yata ang taong looking forward sa mga lamay. Naging biruan nga ng kaanak niya na iaarkila na ng sariling patay para hindi na pagala-gala para lamang makapagsugal. "Grabe. Ninety-nine na pala si Manong Dads! Sayang hindi umabot sa ayudang 100k!" "Kaya nga. Dapat kapag senior na matik na ang kalhati tapos installment na lang bawat taon ang dagdag." "Omsim. Puhunan din. Saka nasa katinuan pa sila noon. Aabot kaya ako nun?" Alam kong sugal lang nasa isip n'ya. "Alam mo pre, noong bata kami madalas sabihin ni Lolo na maganda ang buhay nung panahon ng hapon. Mura ang bilihin at tahimik. Walang krimen." "Ha? Dami pinatay nun 'di ba?" "Mga pasaway lang daw pre ang...
"Ma, narinig ko po sa usapan ninyo nina Tito na itinago ninyo ang pagbubuntis sa akin. Kung hindi pa raw lumaki ang tyan ninyo hindi talaga kayo aamin. Hindi n'yo po ba ako gusto?" "Hindi naman anak," singit ni Papa. "May takot lang. Bata pa kasi kami. Nag-aaral. Kasing edad mo lang kami noon. Ikaw ba may ideya sa pagpapalaki ng anak?" Umiling ako. "Nishel, anak, hindi ka namin inaasahan pero hindi ibig sabihin na hindi ka namin mahal. Itinago kita pero umiinom naman ako ng vitamins at iniaagaw pa ng Papa mo sa baon niya ang pampacheck-up." "Hindi po ba sumagi sa isip ninyo na ipalaglag ako?" "Naku hindi! Ang takot lang namin noon ay paano ka namin bubuhayin. Buti na lang mabait ang mga Tito mo tapos yung Lolo mo kahit todo ang...
Nawa ay mahugasan Ang mga kasalanan Tangayin ng agos Tungo sa kawalan Humpak na nakalublob Ang katawang nakatirapa Nakatikom na bibig Lumilikom ng hininga Iadya na maputikan Kamay na sasalba Ganap na maligtas Banal sa lapastangan
Top