Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story I Quit Drinking Kopiko Brown

You're the reason I quit drinking Kopiko Brown
(Inspired by I Quit Drinking of Kelsea Ballerini & Lany)


Matapos ang isang taon, sinubukan kong muli uminom ng Kopiko Brown.
Habang hinahanda ang tasa, mainit na tubig at ang instant coffee, hindi maiwasang manumbalik ang kahapon.
Ito 'yung kape natin.
Kape na palaging pinagsasaluhan sa iisang tasa.
Kape na saksi sa mga umagang nagmamadaling pumasok sa kanya-kanyang trabaho.
Kape na saksi sa mga gabing hapo ang katawan at isipan.
Kape na saksi sa mga kwentuhan at tawanan sa loob ng tatlong taon nating pagsasama.

Matapos nating maghiwalay, inaamin ko, hindi naging madali ang lahat.
Subalit kailangan ko ng tanggapin ang lahat, kahit paunti-unti.
Iniwasan ko ang mga bagay na nakakapagpaalala ng kahit ano tungkol sa'yo.
Kung kaya't iniwasan ko rin uminom ng Kopiko Brown.

Kahit ang simpleng pag-inom ng kape ay nagdudulot sa akin ng pangungulila.
Mahirap pala kapag nasanay kang may kasalo sa iisang tasa ng kape.
Tila ba nagbago ang panlasa ko.
Noon ay nagustuhan ko naman ang lasa ng kapeng 'yon, subalit tila hindi na ito kanais-nais pa sa aking dila.

Paglipas ng mahigit isang taon, sinubukan ko itong muli.
Muling nanumbalik ang kanais-nais na lasa nito para sa akin.
Naisip ko marahil ay nagbago na ang timpla nito makalipas ang isang taon.
O hindi kaya'y sa wakas, tuluyan ng naghilom ang mga sugat ng kahapon...
 
Nice TS, sana manumbalik ang iyong panglasa sa KAPE, try mo muna ang no sugar, no creamer
 
View attachment 370772

kaya pala wala akong makita/mabasa.. naka Dark Mode ako...
I didn't know na may dark mode pala symb. Sige next time yung automatic color na gamitin ko pag mag post ulit hehe
Post automatically merged:

next week uli ...waitiing sa poem mo....mukhang malalim pinaghuhugutan nyo...
thank you, though mag compose pa ulit ako :hhands: :hhands: :hhands:
mukhang malalim pinaghuhugutan nyo...
medyo nadala din kasi sa maulang panahon tapos naisipan magkape hehe
 
Di ako mahilig magkape... pero mukhang masarap nga magkape ngayong maulan & malamig haha

Nice share :approve:
 
Wag kasi kopiko brown, TS. Dun tayo sa tunay na kape LOL

Di ko pa nabasa poem hehe
 
Back
Top Bottom