Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Serial Story The Lighthouse Project

CHAPTER 1

Sunod-sunod ang hikab ko at nilalabanan ang antok habang naglalakad pauwi. Kulang na lang papakin ko ang kape o lagyan ng toothpick ang mata ko para manatiling mulat.

Lumundag-lundag ako para makalog ang katawan at pilit na maiangat ang paa para makahakbang sa paparating na humps.

"Isang kanto na lang, kaya mo 'yan, self!"

Ganito ang eksena ko araw-araw, gising sa gabi, tulog sa umaga. Tinanggap ko nang ito ay malaking parte ng pagiging isang alipin sa BPO, dumadakdak kami habang naghihilik ang karamihan sa mga tao sa Pilipinas.

Tanggap man ng utak ko, nilalabanan naman ng katawan ko. Hinihingi niya ang tulog na pang-normal na tao na hindi ko naman kaya ibigay. Mas malakas ang tawag ni Madam "Judith" kapag katapusan ng buwan. Mas malaki ang pangangailangan sa pera kaysa sa tulog. Sa ilang taon kong ganito ang trabaho, hindi na nakabawi ang katawan ko, kasi kapag rest day ko ganito pa rin ang nangyayari sa gabi - mulat pa rin.

Kumanan ako sa kanto ng street namin, "kaunting kembot na lang, self. Lapit na makapagpahinga."

Nagkandirit pa ako habang lumiliko para aliwin ang sarili. Noong mga unang araw ko sa Call Center medyo takot pa ako bumiyahe ng madaling araw, pero talagang sanayan lang. May mga nakakasabay naman akong officemates na kapareho ko ng babaan sa bus, itong lakad lang talaga mula kanto ng Subdivision namin hanggang sa bahay ang kinailangan kong sanayin gawin mag-isa.

Tanaw ko na ang bahay namin habang naglalakad, pero iba ang pumukaw sa atensyon ko. Nakatalikod siya at parang iniilawan ang ilalim ng hood ng SUV niya gamit ang flashlight. Parang bagong bili yata iyang sasakyan, kasi ilang beses ko pa lang siya nakikitang ginagamit 'yan.

"Ano sira kaagad?" bulong ko habang naglalakad.

Ewan ko ba dito sa kapitbahay namin, mayaman naman, pero ang madalas na binibiling sasakyan ay iyong segunda mano. Gusto 'yata maging mekaniko nitong si Uno.

As usual binilisan ko ang lakad ko habang papadaan sa tapat niya. Bilang pagdaldal ang trabaho ko, kung makakaiwas sa kwentuhan ay ginagawa ko. Nakakaumay na rin makipag-usap. Gusto ko lang ng katahimikan.

Iyong akala kong ligtas na ako sa walang kwentang comments ni Uno, bumati siya habang pabukas na ako ng gate namin.

"Freya! Inumaga ka na naman!"

Huminga ako nang malalim bago pumihit para harapin siya. Nginitian ko siya sabay sabing, "good morning, neighbor."

Madilim pa ang paligid pero naaninag ko ang mukha ni Uno galing sa liwanag mula sa poste ng kuryente. Naka-cargo shorts siya, sneakers at plain t-shirt at may nakasabit na bimpo sa balikat. Nakasandal siya sa kotse niya habang nakangiti sa akin.

"Good night pa lang sa 'yo, Freya."

Napakadalang na nakakapag-usap kami ni Uno. Madalas wala manlang kaming bati sa isa't isa kapag nagkikita, kahit na dati magkadugsong ang bituka namin. Magkatapat ang bahay namin ni Uno, at noong bata pa kami ay madalas kaming magkasama. Naging playground at sanctuary ko ang bahay nila. Sa bahay nila, okay lang mag-ingay, sa bahay nila pwedeng maglaro, sa bahay nila hindi binibilang ang pagkain, sa bahay nila malaya ang mga batang maging bata. Walang kailangang gawin para makapag-laro bukod sa pagtapos ng homework, kapag tapos na namin iyon, libre na kaming maglaro at magligalig sa bahay nila

Well, noon iyon.

Ngayon, laging patay ang ilaw sa bahay nila Uno. Lagi niyang iniiwang madilim. Hindi mapakali si Uno sa katahimikan kaya siguro mas ginugusto niyang umalis.

Sumandal ako sa poste sa tabi ng gate namin, "Saan na naman ang punta mo?"

Tumingin siya sa langit, "kung saan dalhin ng..." bumunot siya sa bulsa niya at binilang ang lamang pera, "one thousand two hundred fifty three pesos."

Napairap ako. Hindi ko mapigilan. Sa mga kagaya kong hirap sa buhay at kailangang kumayod para kumita, malaking bagay na ang wawaldasing one thousand two hundred fifty three pesos ni Uno. Isa na 'yan sa mga dahilan kung bakit from bestfriend, na-demote na lang si Uno sa pagiging kapitbahay. Masyado na kaming malayo sa isa't isa, habang tumatanda lumalaki ang agwat.

Nang maibulsa niya ang pera itinutok niya sa akin ang flashlight at kumunot ang noo, "ano na naman ang sinabi ko?"

Napailing ako, "wala."

Tumalikod ako para buksan ang gate ng bahay namin. Nang isara ko ang gate, nagbalik na si Uno sa pagkukutingting niya ng kotse n'ya.

Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng bahay at pumunta sa kuwarto ko. Wala pang gising sa bahay, ito ang isa sa mga advantage sa pagta-trabaho sa gabi, 'yong katahimikan.

Naglinis ako, nagbihis at humiga na sa kama. At kagaya ng ginagawa ko kapag nakakauwi, tinititigan ko ang mga pictures na nakadikit sa dingding ko. Luma na ang mga pictures na nakalagay, isinabit ko ang mga pictures na 'yon noong mga panahong marunong pa akong mangarap. May isang mapa ng Pilipinas na may mga pin sa iba't ibang lugar.

Freya = voyager, traveler. Nakakatawang isipin na kabaligtaran pala ng pangalan ko ang magiging realidad ko. Imbes na makapag-explore sa mundo at makapunta sa iba't ibang lugar, mapapako pala ako kung nasaan ako ngayon.

Mas matimbang pala ang responsibilidad kaysa sa kagustuhang pansarili. Mas mabigat ang ipinatong ng pamilya ko sa balikat ko kaya siguro hindi ako makausad.

Hindi ba iyan naman ang nararapat?

Kaya ka pinag-aral para makatulong sa pamilya.

Kaya ka inalagaan, para ikaw naman ang mag-alaga.

Narinig ko ang dagundong ng makina ni Uno.

Pasimula pa lang ang isa na naman niyang adventure, habang magsisimula pa lang ang paglalakbay ko na hanggang panaginip na lang.

"Hay buhay."

Ipinikit ko ang mata ko at pilit na natulog.

#

20220408
 
Chapter 9:

Nanlaki ang mata ko sa dami ng nakahaing pagkain sa harap ko. May 24 hours na tapahan sa tinigilan naming gas station.

Kunot ang noo ni Uno habang nilalagyan ng kanin ang plato ko.

Inawat ko ang kamay niya, “Sobrang dami naman niyan, ‘di ko ‘yan mauubos.”

Lumagapak ang kutsara at tinidor ni Uno sa plato niya, “E ayaw mo pumili ng kakainin kaya ako na ang bumili. Kailangan nating ubusin ‘to, ayaw ni Lola ng may tirang pagkain.”

Halatang nagpipigil na siya ng inis sa akin. Hindi ko siya masisi dahil may pagkamatigas talaga ulo ko. Ilang taon rin kaming hindi nagkakasama ng ganito kaya hindi niya alam na ganito ako ngayon. Kung dati hindi na ako naghihintay na yayain kumain, kusa na akong nagbubukas ng ref nila, ngayon hindi na. Alam ko na ang value ng pera.

Sumandal at nag-krus ng braso si Uno at napatigil ako sa pagkuha ng ulam.

“Kung makikita ka ni Lola ngayon, alam mo sasabihin niya sa akin? Bakit kita pinabayaan.”

Yumuko ako at kinutkot ang nisnis sa pantalon ko, “hindi mo naman ako responsibilidad.”

“Alam mo bang lagi kang ibinibilin sa akin ni Lola dati? Tawagin mo si Eya, baka hindi pa nanananghalian. Bumili ako ng suman, bigyan mo si Eya paborito n’ya ‘yan. Magmerienda muna kayo ni Eya, ‘wag puro laro.”

Sumimangot ako dahil alam kong kung ako nalulungkot dahil wala na si Lola, mas malala siguro ang nararamdaman ni Uno. Pero nang tingnan ko ang mukha niya, walang bakas ng pagkalungkot kundi inis.

Inilapat ko ang mga braso ko sa lamesa, “bakit ka ba nagagalit sa akin? Wala naman akong ginagawa sa ‘yo.”

Ginaya niya ang pwesto ko, “naiinis ako dahil ayaw kong hindi sinusunod ang Lola ko. At dahil sa pagpapakipot mo, parang sinusuway ko ang mga bilin n’ya.”

Umirap ako, “ngayon lang naman tayo nagkita e.”

Pinitik ng marahan ni Uno ang noo ko, “at kaninong kasalanan ‘yon?”

Napaisip ako, akin ba?

Tumango siya, “Sa ‘yo. Dahil ikaw naman ang nagsimulang umiwas sa akin.”

Ayaw ko ng topic na ganito kaya kinuha ko ang kutsara at tinidor, “tama na. Walang patutunguhan ‘yang sisihan.”

Nilagyan niya ng tapa ang plato ko at itinulak papalapit sa akin ang suka, “kumain ka na.”

Bumulong ako, “di ko ito mauubos lahat.”

Nagsimula na siyang kumain, “kumain ka muna, malayo pa byahe natin. Ako nang bahala sa matitira mo.”


#

Maliban sa sandaling pag-uusap namin kanina ni Uno, wala na kaming ibang pinag-usapan habang nasa loob ng kotse. Hindi na ako nagreklamo nang ibili pa niya ako ng kape, hindi na rin ako nagpumilit magbayad dahil tingin niya pa lang sa akin parang nang-hahamon na ng away.

Sa pagbiyahe namin naiisip ko lang, parang laging walang kasama si Uno kapag umaalis siya. Parang walang barkadang pumupunta sa bahay niya para tumambay, parang simula ng maging adults na kami parang wala akong masyadong nakikitang ibang taong nakapaligid sa kanya. Siguro dahil kagaya ng pagbabago ko, nagbago na rin siya. Hindi naman isang beses lang pwede mag-evolve, depende sa mga nangyayari sa buhay natin, nag-aadjust rin tayo.

At dahil ayaw ko namang pareho kaming matuyuan ng laway, inabot ko ang pindutan ng volume sa stereo niya at hinihaan ang tugtog.

Hindi manlang ako nilingon ni Uno.

Tumikhim ako bago magsalita, “saan ba tayo pupunta?”

Sumagot lang siya nang hindi tumitingin sa akin, “Sa Batangas.”

Ang laki ng Batangas, “saan doon?”

Napangiti siya, “kapag sinabi ko kung saan, anong gagawin mo?”

Napairap ako, “alam ko ako sumakay dito nang hindi alam kung saan ang pupuntahan ano, pero pwede bang pakisagot na lang yung tanong ko kung saan tayo pupunta?”

Natawa si Uno, “buti naman alam mong ikaw ang kusang sumakay dito.”

Nagbuntonghininga ako at nilakasan ulit ang tugtog.

Pinatay niya ang music, “oo na sasagutin na. Sa Calatagan tayo pupunta.”

Lumingon ako sa kanya, “Calatagan? Anong mayroon sa Calatagan?”

Ngumiti siya habang nakatingin pa rin sa kalsada, “You’ll see.”

Hindi pa ako nakakapagtanong ng follow up question ko nang mag-ring ang cellphone ni Uno, mabilis naman n’yang sinagot.

“Oh pare.”

Hindi ko marinig ang boses ng nasa kabilang line.

“Uhm, not today. Siguro next week, i-set natin.”

“Nope. Sorry ‘di ko kayo kaagad nasabihan. Bawi ako next time.”

“Ah, hindi. Last minute thing.”

Tumawa siya, “Oo na. Next time.”

“Sige. Bye.”

“Sino ‘yon?” tanong ko.

“Ah, wala mga nakakasama ko minsan kapag umaalis.”

Kumunot ang noo ko, “Madalas mo sila kasama kapag umaalis ka? I mean lagi ka kasing mag-isa umaalis sa umaga e, so akala ko lagi ka mag-isa gumagala.”

Nag-shrug lang siya, “minsan may kasama, minsan ako lang mag-isa, minsan naman may nakikilala sa biyahe o kung saang lugar ako pumupunta. Depende sa trip at pagkakataon.”

Tumango ako, “ah.”

“Bakit mo naitanong?”

“Ah wala lang.”

Ngayon ko lang naisip na baka nakasira pa ako sa mga plano n’ya. Baka nahiya lang rin siya na paalisin ako, o naawa lang kaya ‘di na niya ako pinababa. Siya rin naman ang nagsabing anytime pwede ako pumunta sa kanya, pero hindi naman niya nasabi na pwede akong sumama sa mga biyahe n’ya. So, ganoon ba ‘yon? Sabit ako ngayon? At dahil sumabit ako hindi na natuloy ang kung anong plano niya?

Hindi pa ako tapos mag-overthink nang maramdaman ko ang pitik ng daliri niya sa noo ko.

“Aray! Para saan ‘yon?”

Ngumiti siya, “Para tigilan mo na ang pag-iisip. Unang una, ako ang nagyaya sa ‘yong sumama sa akin. Sinabi ko naman ‘di ba, anytime na gusto mo akong puntahan pwede. Pangalawa, hindi ako nakatali sa kahit anong plano. I do what I want and today, I want to spend my day with you.”

Kikiligin na sana ako pero napaisip ako, “psychic ka ba? O transparent ba ako?”

Tumawa siya pero hindi sumagot. Ano ‘yon tinawanan lang ako?

“Anong nakakatawa?” pinagtaasan ko siya ng kilay.

Umiling si Uno, “Sa tagal na nating hindi nagkakasama, I thought we would practically be strangers by now.”

Ngumiti siya, “Good to know my best friend is still there kahit na marami nang nagbago.”

Nag-init ang mga pisngi ko sa sinabi ni Uno, pero dahil awkward pa rin ako sa kanya bumulong lang ako, “best friend? Demoted ka na sa kapitbahay, uy.”

Napangiti ako sa lakas ng tawa ni Uno, ‘yong klase ng tawa na nakakahawa, ‘yong ramdam mo hanggang sa dulo ng maliit na daliri sa paa, ‘yong nakakapuno ng puso.

20230620
 
Chapter 10:

Bumiyahe kami ni Uno nang may ibang gaan ang pakiramdam. Habang nagda-drive siya kinukuwento niya sa akin ang mga ginawa n’ya noong hindi na kami masyado nakakapag-usap. Pero wala siyang nabanggit sa mga pinagdaanan n’ya, nothing heavy, puro adventures at kung anong mga pinagkaabalahan n’ya.

Hindi rin namin napag-usapan ang Lola niya, feeling ko isa ‘yon sa mga pilit n’yang kinakalimutan kaya siya gala nang gala. Naikwento niya rin sa akin na ‘yong akala kong wala siyang trabaho at nagpapakasasa sa pinapadala ng parents niya ay hindi pala totoo, may trabaho siya bilang isang Data Scientist, kahit saan pwede siyang mag-work kaya kahit paalis alis siya ng bahay nila walang kaso, sumu-sweldo pa rin siya ng ayos. At ang trabaho niya pala malaki ang sahod, kaya na niyang suportahan ang sarili niya, so ang mga padala daw sa kanya ng parents niya pinangbabayad niya lang ng mga gastos sa bahay nila o kaya napupunta sa ipon.

Kahit na medyo awkward pa rin ako kay Uno, ramdam ko ang dati naming closeness. Kahit may mga bagay na naiilang pa akong itanong, parang nagbukas ng bahagya ang pinto para makapasok ako ulit. Parang may pag-imbita si Uno sa mga salita n’ya, parang hindi kami nagkahiwalay ng ilang taon.

Nasa Tagaytay na kami at binuksan namin ang bintana ng kotse habang nag-uusap. At dahil nagd-drive siya, libre akong titigan siya habang nagku-kwento. Nakakatuwang isipin na kahit marami nang nabago sa kanya, kita ko pa rin ang bakas ng dati kong kababata. Kumukunot ang noo niya kapag nag-co-concentrate sa pagkukwento, may maliliit na guhit sa gilid ng mata kapag ngumingiti, mahaba at mapilantik ang mga pilikmata kapag kumukurap. At habang malaya akong tumitig sa kanya, hindi siya masyado lumilingon sa akin, madilim pa sa labas at nakatutok ang mata niya sa kalsada.

“Saan ka ba dapat pupunta ngayon? Parang nag-iba kasi ang plano mo,” tanong ko.

Tumikhim muna s’ya bago sumagot, “Dapat sa Zambales kami today e, camping for a few days.”

Umusod ako para mapalapit sa kanya, “Hala. Bakit ‘di ka na lang tumuloy? Sabit lang naman ako e, bakit sa ibang lugar pa tayo pupunta? Naka-book na ba kayo doon sa pupuntahan mo? I mean, alam kong camping so baka wala masyadong fee pero baka may advance kang binayaran sayang naman ‘yong binayad mo.”

Nag-automatic ang utak ko sa pagco-compute kung magkano ang kinain namin kanina, ‘yong kape, gas at panibagong gastos ni Uno kung saan man kami pupunta.

Napakapit ako sa dashboard nang biglang pumihit si Uno at nag-park sa tabi ng kalsada. Pinatay niya ang makina at humarap sa akin.

Madilim na sa lugar na ‘to pero parang flashlights ang mata ni Uno habang nakatingin sa akin. Itinuon niya ang braso niya sa manibela.

Nagbuntonghininga siya bago nagsalita, “Freya, nasabi ko na kanina ‘di ba? Medyo tunog mayabang pero sa totoo lang, I do what I want to do; that’s the beauty of living alone. I have the freedom to decide kung saan ko gustong pumunta at kung sinong gusto kong kasama.”

Tunog mayabang nga.

Napangiti siya, “Hindi ko ‘to sinasabi sa ‘yo para asarin ka, pero kapag ikaw ang kausap ko hindi mo kailangan magdududa kung nagsasabi ako ng totoo. Hindi ako magsisinungaling sa ‘yo, kahit na alam kong mag-ooverthink ka o maaasar ka.”

Tinuktok n’ya ng daliri niya ang manibela at tumitig sa akin, “At dahil ginagawa ko naman ang gusto kong gawin. To make it perfectly clear – Ang gusto ko ngayon ay i-take ang pagkakataon para makasama ka dahil matagal na tayong hindi nakakapag-usap ng ganito. Ang gusto ko ngayon is to travel with you and bring you somewhere special. Ang gusto ko ngayon is to spend time with you and talk to you like we used to.”

Alam ko naman na sinusubukan niyang mag-reach out. Binibigyan niya ako ngayon ng pagkakataong magkaroon ng kaibigan ulit, at alam kong kailangang kailangan ko ng kaibigan ngayon. Pero bakit ang hirap mag-open sa kanya? Bakit parang may pumipigil pa rin sa akin na magsalita?

Yumuko ako at kinagat ang labi ko, ngayon ko lang ulit naramdaman ang bigat sa dibdib kong panandalian kong nakalimutan. Gusto kong mag-open sa kanya parang kung paano siya mag-open sa akin. Sinasabi niya na gusto niya akong makasama, na parang pabor pa sa kanya na nandito ako, hindi ako pabigat. Pero hindi niya alam na mas kailangan ko siya sa ngayon.

Naramdaman ko na lang ang magaang haplos ni Uno sa ulo ko, “I said those things because I want to. I shared with you without you asking me dahil gusto kitang kausapin, gusto kong sabihin sa ‘yo lahat ng ‘yon. Pero hindi ibig sabihin kailangan mong gumanti ng kwento, wala akong ine-expect sa ‘yo, Freya.”

Nangilid ang luha ko habang iniaangat ko ang ulo ko para tumingin sa kanya. Binawi niya ang kamay niya at sumandal siya sa upuan n’ya.

Malambing ang ngiti niya sa akin, “May request lang ako sa ‘yo, kung pwede.”

Suminghot ako at tumango.

“Alam nating hindi na tayo bata, alam nating marami nang nagbago sa buhay natin. Marami na akong hindi alam sa ‘yo, marami ka na ring hindi alam sa akin.”

Nagbuntonghininga siya, “Pero sana huwag mong isiping ibang tao ako, sana huwag kang mailang sa akin na parang wala tayong pinagsamahan noon. Kung may assumption ka tungkol sa akin, kung may hindi ka alam, pwede mo namang itanong. Gaya ng sabi ko kanina, hindi ako magsisinungaling sa ‘yo. Hindi rin kita ipe-pressure na magsabi ng mga bagay-bagay kung hindi ka pa handang sabihin. But I hope you trust me enough to feel comfortable with me.”

Nanginginig ang labi ko sa mga sinabi niya, parang sobrang gaang sa pakiramdam, pero hindi ko alam kung paano mag-react dahil hindi ako sanay na inaasikaso, hindi ako sanay na inuuna at iniintindi.

May ilang minuto rin kaming nanahimik. Gaya ng sinabi ni Uno, ginagawa niya ang gusto niya. At mukhang ang gusto niya sa ngayon ay bigyan ako ng pagkakataong makapag-isip. Nandoon lang kami sa gilid ng kalsada sa dilim habang hinahaplos ng malamig na hangin.

Huminga ako nang malalim at tumingin sa kanya. Nakangiti lang siya, walang bahid ng pagkainis o pagkainip.

Kinagat ko ang labi ko bago nagsalita, “Hindi ako sanay na gawin ang gusto kong gawin, kung kailan ko gustong gawin. Pero kanina may humatak lang sa akin nang makita kitang papaalis. May bumulong na gusto kong sumama. Gusto kong makalayo muna.”

Hinintay niya lang akong magpatuloy.

“So hindi ko maipapangako, pero hangga’t kaya ko ibibigay ko iyong request mo. Hindi naman ako sa hindi kumportable sa ‘yo pero sa ilang taon na ring nagdaan at marami na ring nangyari kaya hindi na rin ako kasing-open ko dati.”

Natawa ako dahil sa awa ko sa sarili, “hindi ako sanay pakinggan kaya hirap ako magsalita.”

Bumuga ako ng hangin at pinilit ngumiti sa kanya, “pero para sa ‘yo at sa araw na ‘to susubukan ko.”

Ngumiti siya, “that’s all I’m asking for. For you to try.”

20230621
 
Back
Top Bottom