Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Tula Para Sa’yo

Hindi madaling sumulat ng tula para sayo sinta
Nahilo na sa kakaikot ng mga salita
Kailangan bawat letra ay akma
Tila isang love story na tadhana ang may akma

Bawat anggulo, maayos man o magulo
Maingat kong tinitignan
Baka sakaling may linyang matyambahan
At ngiti sa labi mo'y makamtam

Hindi ko alam kung ano ang tema
Hindi madaling humanap ng tugma
Basta't ang alam ko, nais kitang tulaan
Tulang magbibigay sayo ng matamis na ngiti

Walang sandaling hindi ka tumambay sa aking isip
Walang chat mo ang nakapagbilis ng aking pintig
Walang pag uusap hindi ako nahirapang itago ang kilig
Walang gabing hindi ko ninais na ikaw ang maging panaginip

Sa aking tingin, akin nang napabatid
Ang mensaheng naipon sa aking dibdib
Gamit ang tulang walang magarbong damit
Simple ngunit tunay, tulad ng ngiting dulot mo
 
Maganda sana basahin kung may tugmaan ang tula sa bawat taludtod.
At lalong maganda ang tula kung may tamang bilang / sesura o bilang ng pantig bawat taludtod.
Lumalabas din ang husay ng isang tula pag walang nauulit na tugmaan sa bawat saknong.
Ngunit dahil sa ang mahilig ako sa tula, pinipilit kong unawain ang nais iparating ng sumulat
kahit walang sesura at tugma.
 
super old school :pacute:

who's the lucky one :naughty:

brings back our old style of poem writing :giggle:
 
may mga tulang kailngan gamitan ng imagery, meron naman kailngan ng matinding talinhaga at mayroon din naman kailngan maging witty. May mga tulang nilalagyan natin ng tugma at sukat, mayroong may form, meron din nmang free verse. Pero minsan kailngan din nilang maging simple yung bumalik sa tunay na dahilan bakit tayo gumagawa ng tula. 'yung mag express ng damdamin or iconvey yung emotions natin.
 
Back
Top Bottom