Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Ulan at Lupa

Muling nagbabalik ang damdaming umiibig. Muling nangangarap sa kasiyahang dulot ng pagsinta.. na sa bawat titik at mga letrang namumutawit sa isipang hangad lamang ang dakilang pagmamahal. Mawari ang pagsintang ibig ialay, pagsintang wagas at galing sa puso... Kaya't heto ang tula, tula mula sa pusong nais makadama ng pagmamahal sa binibining muling bumihag sa natutulog na makata.

Ulan at Lupa

Malarosas mong labi't matamis mong ngiti,
Maari bang masilayan ko sa bawat sandali?
Ang sining ng kagandahan mong walang kapantay,
Maari bang pagmasdan ko habang buhay?

Sa bawat minuto, bawat sandali,
Makapiling ka o sinta ay ang aking mithi.
Kung maari maialay sayo ang tala at buwan,
Madama mo lang ang pag ibig ko sayong walang kariktan.

Walang hanggan, magpakailanman..
Sa pagsikat ng araw sa silangan at paglubog nito sa kanluran..
Sa isipan ko'y ikaw at ikaw lamang
Ang puso ko'y sayo't sayo lang ilalaan.

Malabis man hingin ka sa maykapal
Hindi mag aatubili pagkat ikaw ay aking mahal..
Na sana ikaw ang ulan ng langit at ako ang lupa ng mundo.
Mahulog ka man ay ako't ako ang siyang sasalo.

Ngunit kung hindi mo kaligayahan ay hindi ipagpipilitan,
Hindi dadamhin kahit iyo mang masaktan..
Mahal kita ibig ko lang iyong malaman..
Kahit pa itong sandali ay iyo ng paalam.

Baw...
 
may pinaghuhugutan yata si ts:rofl::thumbsup:
ganda ng tula...
 
Back
Top Bottom