Gunita Ng Unang Pagsinta
by: pandot
Nang aminin kong mahal kita lahat sila ay nagtawa.
Turing mo nga sa sulat ko’y pakalat-kalat na basura
Simula noo’y walong buwan na tayong ‘di na nagkibuan
Kahit sa silid paarala’y magkasunod pa ng upuan.
Mga iniaabot na pagsusulit o anu man, na sa ‘kin ang siyang hangganan
Mula sa iyong pagtangan ay sinisikap ko na maiwasan.
‘Pagkat ang pagsagi sa iyong mga daliri’y alaala lang na sa ‘yo’y sawi.
Kung kaya’t patay-malisya na lang, bulag ako kun’wari.
Pilitin man, o subukin man, na sa iyo ako’y muling masdan,
Pagkunot sa pagitan ng iyong mga kilay, hudyat ng iyong pagdaramdam.
Wari ba’y ang paggiliw ko sa ‘yo’y lubhang kasuklam-suklam
At ang pagtatama ng ating mata’y tagos sa ‘king kalooban.
Ang palahaw ng damdamin ko’ng aba, pinid sa aking kaluluwa
Naghuhumiyaw at nagsasabing, “Minamahal kita, alam mo ba?”
At sana kahit man lang isang himala ay makapawi ng pagdurusa.
Isang sulyap mo pa sana’y batid mo na, wagas ang aking pagsinta.
Uminog ang panahon, at ang mga oras ay sumulong
Ngunit ang puso ko ay patuloy na bumubulong
Sana ay ma’takdang muli na tayo’y magsalubong.
Aking pilit palalayain: puso kong sa ‘yo’y lulong.
Kaya nang minsan nga, malandi yaring tadhana
Akala ko nga’y isang banta, o biro lang ni Bathala
Ang paghaharap nati’y ang pangarap ko sa tuwina
Ikaw sa aking mga mata’y maamo na, at ako sa iyong mga mata’y masigla na!
Mukhang tapos na ang sumpa, naulinigan ko sa ‘yong mga salita
Mula sa iyong mga labi, ang damdamin mo wika’y may mali.
Dulot ng mailap mong damdamin, may iba palang nagmamay-ari
Kung kaya aking pagbabaka-sakali’y hindi ko maipagwagi-wagi.
Bagama’t abog na iyon na ako’y tuluyan nang sinawi.
Ang mahalaga’y mula sa ‘king mga labi, “Mahal kita” aking namutawi.
‘Di na mahalaga ang iyong damdamin na aking minimithi
Sapat na ang mga salitang sa ‘yo ay aking naihikbi
Bakas sa iyong mga mata ang pinto ng aking pag-asa
Aba! Teka, mali yata ako ng duda?
Biglang sinabi mong kayo ng kapareha’y wakas na?
Iniwan ka niya, at minarapat mo na sa aki’y makipag-ayos na.
Hiniling mo ang aking pagdamay, at sana sa iyo’y umagapay
Isang matalik na kaibigan ang nais mo’ng ako’y maging tunay
Bagaman wala kang pag-ibig sa ‘king nararamdaman
Ikaw ang una kong pag-ibig, kahit tayo’y maging ano pa man.