Maging marahan.
Lahat tayo ay may pinagdaraanan.
Magkakaiba lang ang antas ng bigat na pasan.
Huwag mong sabihin na "kulang ka lang sa atensyon"
Kung kahit minsan hindi ka pa dumaan sa parehong sitwasyon.
Maging marahan.
Kung para sa'yo ito ay magaan lang,
Baka sa iba hindi na nila alam kung paano pa lalaban.
Ito’y patunay na hindi lahat ng nakangiti ay masaya.
Lumalaban na parang walang iniinda.
Maging marahan.
Pag-isipan muna ang bibigkasin bago bitawan.
Kung ang isang salita ay kayang magpagaan ng bigat sa puso,
Mas may kapangyarihan itong magpaguho ng mundo,
At humusga ng pagkatao.
Maging marahan.
Tahimik lang ngunit hindi iyon kalmado.
Kung makikita mo lang ang laman ng kanyang puso,
Mababatid mo kung ilang beses na niyang gustong sumuko.
Ang totoo, gusto na rin niyang maglaho.
Maging marahan.
Nakangiti lang pero hindi iyon masaya,
May mga sugat siya na mas pinili niyang nakatago,
Kung malalantad lang ang kanyang sekreto,
Hindi mo nanaisin na maging iyo ang kanyang kuwento.
Maging marahan.
Lumalaban lang pero hindi iyon matapang,
Kung pagmamasdan mong mabuti ang kanyang mga mata,
Malalaman mo kung gaano kalungkot ang kanyang kaluluwa.
Nawawalan din siya ng pag-asa.
Maging marahan, sa damdamin ng iba.
Dahil ang mas malalim na sugat,
Madalas hindi nakikita.
Kung hindi mo naman alam ang ganitong pakiramdam,
Baka puwede namang, maging mabuti na lang.