Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem “Ang Babae Mula Sa Hinaharap”

“Ang Babae Mula Sa Hinaharap”

Ito ay isang liham para sa iyo aking sinta mula sa nakaraan.
Paano labanan ang hinagpis sana ako’y iyong maturuan.
Maari bang bumisita ka sa panahon kung kailan wala ka sa aking piling.
Halika sa aking tabi at bigyang katuparan ang mga samo ko at hinihiling.

Samahan mo akong mamasyal sa tabing dagat habang magkahawak ng kamay.
Sapagkat ngayong oras na ito ako’y mag-isa at wala manlang nais na dumamay.
Yakapin mo ako at huwag pakawalan sa mga bisig mong walang kasing lambot.
Kung ako’y iyong hahagkan matitiyak ko sayo na ang ngiti ko’y sa tenga aabot.

Matulog tayo sa ilalim ng mga bituin habang humahampas ang mga alon sa dalampasigan.
Pagkagising ay isalaysay mo sa akin kung paano nagsimula ang ating wagas na pagiibigan.
Awitin mo sa akin ang mga himig na tinampok sa araw ng ating masayang pagiisang dibdib.
Gamutin mo ang mga sugat ng aking puso, wag kang aalis hanggang sa mga ito ay maglangib.

Pawiin mo ang lungkot na nadarama na dulot ng isang panaginip na sa akin ay nanlinlang.
Mga araw ng kalungkutan na dumadaan lang sa aking mga palad ay hindi ko na nabibilang.
Alalayan mo ako habang hindi ko pa kayang tumayo at harapin ang isang bagong umaga.
Ngayon ko lang napagtanto na ang pagkakaroon ng bukas naisipan ay lubos na mahalaga.

Ang ibig ko lang sabihin ay ayokong matulog sa gabi kung hindi lang din ikaw ang katabi.
Ayoko ng mag-alay ng mga tula kung hindi lang din ikaw ang makikinig sa aking sinasabi.
Pakiusap puntahan mo ako sa aking kasalukuyan upang buhayin ang namatay kong pangarap.
Hihintayin kita hanggang sa ikaw ay dumating, mula sa iyong paglalakbay mula sa hinaharap.
 
Back
Top Bottom