Minsan Isang Gabi
Ang tapis mong dilim, kalangitang kay payapa
kumikislap sa ningning ng mga bituing tila kinikilig sa pag-ibig.
Mga kislap na uma-akit sa paningin
Maliwanag at banal,
Gumagabay sa mga ulilang diwang naglalakbay sa dilim
Ang lalim ng panigin ay sinasakop ng iyong ningning
Pag-ibig na nakislap, di maitagong lihim.
Mga panakaw na sulyap, mga basal na ngiti
Mga mahinang bulong at impit na daing.
Binuksan ang puso't nilimot ang lamig.
Naging iisang ningas, Nagtagpong pagnanasa
isang simponiya ng langit, wagas at dakila.
Nakikisabay sa habulan ng kamay ng tadhana
Habol hiningan inaasam ang ligaya.
Sa pag saboy ng hamog, nag mumulat ang paligid.
Bumitiw sa yakap ng lamig, isang matamis na halik.
Tinangay ng hangin ang alaala ng saglit,
Naiwan sa labi ang kilig.