Minsan maiisip mo bakit nga ba ganon? Bakit kailangang maubos ang mga pahina ng isang kasaysayang napakaganda? Bakit kailangang magtapos ang kantang may malamyos na melodiya? Bakit kailangang malanta ang bulaklak na minsa'y namumukadkad sa ganda?
Kometang pumapailanlang minsan isang siglo sa kalawakan . Magagandang tanawin na lalamunin ng din ng dilim sa paglubog ng araw sa silangan. Gustuhin mo mang hawakan at tikumin sa iyong mga palad alam mong hindi maaari sapagkat sila'y panandalian lamang.
Walang permanente, lahat ng patutunguhan ay walang iba kung hindi katapusan. Mga sandaling umaabot ng taon at mga bukas na papunta sa ngayon. Hihimpil at sasakupin ang iyong pagkatao subali't mawawalay din simbilis ng pagkurap ng mata mo.
Sa puso't isipan ng nakaka alala, ng mga pangyayaring lumipas na. Ano nga ba ang mas mahalaga, ang lumisan nga ba? o ang iniwan nila? Ang kaisipang minsan ika'y may sinasaluhan ng galak, luha, pasakit at kasiyahan o ang katotohanang ika'y nag iisa na.
Minsan may magdadaan sa iyong habampanahon na uukit ng espasyo sa puso mo. Mga ala-alang mananahan sa iyo hanggang sa huling hinga mo. Magmamarka at babago sa pagkatao mo, mag iiwan ng ngiti sa labi mo. Mawawala sila bukas ngayon o kahapon subali't dili bat wala namang makakasukat sa maabot ng pagpapahalaga mo. Lampas lampas sa sukat ng mundo ang kayang abutin ng puso mo. Mananatili silang abot ng kamalayan mo sa miminsang pangyayari sa buhay mo.