Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Pagibig na hindi masambit

Malabuwan at Dilim ang tema
nakatayo sa gitna'ng liwanag dala ng buwan
Tila bang walang nararamdaman na lamig
Sa ihip ng hanging kaylamig aking puso'y nagliliyab

Parang Isang tao'ng lobo na gustong umalulong
Isigaw ang nagbabagang pagibig sayo hanggang ngayon
Ako'y minsa'y nalito kahit kaya kong harapin ang mundo
Bakit ang sambitin sa harapan na mahal kita ay tinago sa isip ko

Hindi ito isang harana para makuha ang atensyon mo
O isang kanta para marinig ang Golden voice mo
siguro nga ito'y isang simpleng tula na galing sa isang hamak na katulad ko
Pero habang binabasa mo ito'y sana malaman mo ang mensahe ko.

Hindi ako isang makata na gustong gumamit ng matatamis na salita
pero ng naisipan ko gumawa ng tula para sayo'y binago ang paniniwala
Ilang tula ng pag-ibig at mga masarap sa pandinig na kowts ang binasa
Upang sarili'y maihanda at kahit sa pamamagitan ng tula ay masambit na "Mahal Kita"


Advance Salamat sa makakabasa at pasensiya na kung hindi professional ang pagkakasulat baguhan lang po hehe ^_^
 
nice! kay husay :thumbsup: keep writing sir :salute:
 
ayos pare tuloy mo lang...
 
Mas attracting pa din talaga ang tula. :thanks: for sharing sana ay nabasa ng pinag alayan mo.

My two cents:
Feeling ko mas magiging solid kung tinuloy mo yung story line sa unang stanza mo. Yung consistency nung mga image gaya ng buwan, gabi at hanging malamig. Bigla kasing nag iba dun sa mga susunod na stanza.
 
Back
Top Bottom