Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Essay Isang Baso ng Kape

NAGTIMPLA AKO NG ISANG BASO NG KAPE….
Binuksan ang laptop at nag-check ng emails, “Receiving 4 of 29 mails…” – napakarami naman nito…
Isa-isang binasa ang mga email upang sagutin ang mga katanungan nila…
6 sa 29 na email ang nagre-request ng site meeting for technical workshop w/ the BMS and installation team.
Sinagot ang bawat isa, “I will be leaving for vacation by next week, all the queries with regards to technical matters will be handled by Mr. Naval and commercial matters on the other hand will be directed to my procurement officer Mr. Reda, they will be the one to visit you,… blah,.. blah,.. blah,..”
COPY – PASTE na ang sumunod na mga eksena para sa ibang email na aking nabasa….
Humigop ako ng kape na medyo lumamig na ,…
Pansamantalang tumitig sa isang bahagi ng screen ng laptop at nag-isip,…..
Mula sa gunita ay nagbalik ang isang magandang ala-ala,….
Isang ala-alang palaging nagpapaalala how I was able to get to where I am now - s’yempre sa QATAR (lol)….
Naisip ko na ang pag “send-receive” sa emails ay tulad din ng paghihintay ko noon sa mahabang pila kasama ang maraming iskolar ng bayan, tapos pagdating mo sa counter ay bigla kang susungitan ng isang kawani ng DOST na parang hindi mo ininda ang paghihintay doon sa initan…
Lihim akong napangiti at muling napahigop sa aking baso ng kape, halos maubos ko na dahil nawala na ang lamig nito…
Pagkatapos ay ibinaba ko ang baso, napasandal ako sa aking upuan at napatingin sa di kalayuang salaming pintuan…
Tanaw ko ang kalangitan mula rito na medyo makulimlim….
Muling nagbalik ako sa ala-alang kanina lamang ay sumagi sa hinuha ko, naalala ko yung babaeng nagtitinda ng pastilyas at polvoron habang nakapila ako.
Kay amo ng kanyang mukha, lalong nagpatingkad sa bawat ngiti niya ang maliliit na biloy sa magkabilang pisngi niya at ang maitim at mahabang buhok niya ang una at tunay na nakahalina sa aking mga mata (nauuna kasi siya sa pila kaya likod ang una kong nakita)….
Upang makausap siya ay nagtanong ako kung magkano at kung matamis ba ng paninda niya, matamis na ngiti rin ang naging sagot niya.
Pakiramdam ko ay lalong uminit ang araw at nakatutok ang mukha ko rito – napayuko ako at dumukot sa aking bulsa ng pera upang ilayo ang mukha ko sa mga mata niya.
Bumili ako ng makailang beses para lamang marinig ang tinig niyang sa akin ay tila ba musika...
Nahihiya ako pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na umisip pa ng paraan upang magkakilala kami at magkausap ng may kahabaan.
Muling pinagmasdan ko siya habang nakatayo at nagpapaypay sa pila….
Bigla ay lumingon siya at sa pagkakataong iyon ay nagtama ang aming mga mata,….
Hindi ko na nagawang umiwas pa at sa halip ay ngumiti na lamang ako at tumango sa kanya…
Kunwaring dinukot ko ang panyo sa aking bulsa at yumukong muli upang tuluyan ng umiwas na sa eksenang hindi ko na malaman kung ano ba talaga ang dahilan at tila kaylakas ng aking kaba sa simpleng sulyap lamang niya.
Iyong pakiramdam na kaygaan sa pakiramdam ngunit nakagugulo sa isipan...
Iyong tila may bumubulong sayo upang lapitan at kausapin siya ngunit tila kaybigat ng iyong mga paa...
Iyong sa bawat salitang bibigkasin mo ay parang bata kang nauutal sa pagbulalas nito...
Nagpatuloy ang aking pag-sulyap sa kanya at pag-ngiti sa tuwing mapapalingon siya,….
At hindi ko namalayan ang oras hanggang sa makita ko na lamang ang paglakad niya papalayo…
Ilang sandali pa ay kaharap ko na ang masungit na staff na parang kanya ang perang ipinamamahagi sa aming mga nakapila…
Hinigop kong lahat ng natitirang kape sa baso ko at nagpatuloy sa pagbasa ng mga emails na paroon at parito…..

Sa ilang sandali ay muling magtitimpla ako ng isang basong kape, sana’y may mahagip na muli ang isip ko sa mga pangyayaring minsan ay nagpangiti at tumatak sa diwa ko….


Sa mga nagpatuloy at nakatapos sa maikling kuwentong ito MARAMING SALAMAT PO... :):):)
 
Back
Top Bottom