Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Takipsilim(Dawn)

TakipSilim


Ibalik mo ko sa panahon na kung saan tayo ay masaya.
Sa panahon na kung saan walang paglagyan ang tuwa.
Ibalik mo ko sa oras na kung saan tayo ay maligaya,
na kahit tila simpleng tinginan tayo ay tumatawa.

xxx

Ibalik mo ko kung saan mukha mo ang pinagmamasdan.
Bawat minuto o sigundo, ang galak ay walang mapagsidlan.
Ibalik mo ko, sa oras na hawak ko ang iyong kamay.
Sa mga pagkabigo na tanging ako lang ang iyong karamay.

xxx

Ibalik mo ko dahil ako'y lito at naliligaw,
dahil sa pagibig na habang tumatagal ay nahihilaw.
Ibalik mo pagka't ako'y nalulungkot at naghuhumiyaw.
Anong nangyare sa atin bakit tila unti unti tayong bumibitaw.

xxx

Ngayon minamasdan na naghahati ang liwanag at dilim.
Kasabay nito ang mga tinagong pag-ibig at lihim.
Unti unting sinasakop ang liwanag ng isang malaking lilim,
sa pag-ibig ay hudyat ng pagtigil na tinatawag na TAKIPSILIM
 
Last edited:
napakaganda ng mga tula mo, galing bro, kaka inspired
 
Back
Top Bottom