“Panaghoy Sa Panaginip”
Lupit ng tadhana ay tila isang malakas na bagyo na sumisira sa puso ko.
Nag-iisa sa dilim pinupunusan ang mga luhang dumadaloy hanggang siko.
Pagharap sa salamin ay isang malakas na sampal na tumatagos sa buto.
Nagtatanong saan ba napunta ang mga oras na dumaan bakit nagka ganito.
Mga alaala ng lumipas ay parang buhawi na paikot-ikot sa utak.
Hindi na mabilang kung ilang beses ang damadamin ko ay nabitak.
Ang sakit na nadarama ay kasing lamig ng niyebe na mula sa langit.
Katinuan ko ay aabot na sa hangganan nakahawak nakayakap sa bingit.
Nabingi na si bathala at mga anghel sa mga panalangin kong paulit-ulit
Pati na ang diyablo di na makatulog sa walang humpay na pangungulit.
Tanging ang unan ko lamang ang handang makinig sa mga litanya.
Umiiyak, humahagulgol nangungumpisal sa mataas na puno ng akasya.
Kelan ba ako magwawagi puro na lamang kabiguan ang nararanasan.
Sumusuko na ako sa maraming pagsubok na dapat ko pang pagdaanan.
Panaghoy ko’y umaalingaw-ngaw sa kalawakan na wala namang laman.
Kalungkutang nadarama ay parang patak ng ulan na hindi na maiibsan.
Nakatulala sa kawalan gumuguhit ng sarili kong mundo sa hangin.
Bakit punla ko’y sinumpa hindi maisagawa ang nakatakdang hangarin.
Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa muling paglubog nito.
Ang pag-ibig na inaasam ay mananatiling isang mailap na mito.

Last edited: