Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Serial Story My Band-aid Heart

CHAPTER 1

I look at the picture of the happy couple, drenched in tears – my tears. I cry for the happy faces on smiling back at me, I touch the face of the woman who thought she held the hand of the man who will be with her forever. The one who will finally make her dreams come true. The one who will promise her the life she wishes for, the life she deserves. I hold the pictures tight in my hand and put them over my heart; I raise my head to the sky and cry. Cry for the year I have spent loving this man, cry for the ‘almosts’ we didn’t have and cry for myself because now I have to go out there again, into the big, bad world, bruised and broken.

“Whyyyy???!!!!”

I knelt to the dirt and yelled, “Whyyy???!!!”



“Lintek ang ingay mo!” Ang lakas ng batok sa akin ng Tita ko, muntik na akong sumubsob sa basurahan namin.

“Aray naman, chang.” Humihikbi hikbi pa ako at nagpupunas ng luha. Pinagdadampot ko ang mga nahulog na pictures namin ng “mahal” kong si Kenneth.

“G***, istorbo ka sa pinapanuod ko e, para kang baboy na kinakatay jan.” Hinatak ni chang ang braso ko at pilit akong itinayo.

“Hindi ko na alam ang gagawin ko sayong babae ka, isosoli kita sa inyo e.” Bigla naman akong natauhan.

“Wag naman po, chang. E alam nyo naman ako gusto ko talaga maging artista mula nung bata ako kaya ganito lang ako, pagpasensyahan nyo na po ako.” Tinry kong ngumiti kahit na pilit na pilit. Ayoko namang bumalik sa probinsya namin, lahat ng lalaki dun nakita akong walang salawal mula pagkabata, paano naman ako makakahanap dun ng boyfriend na seseryosohin ako?

“Oh sya, iligpit mo na yan. Ano bang gagawin mo jan sa mga pictures na yan? May pakandi-kandila ka pa, baka makasunog ka na naman dito sa bahay talagang papalayasin na kita!” Sobra naman, isang beses lang yun e tsaka bata pa ako nun, sabi kasi ng mga kaibigan ko pag nakuha ko raw ang picture ng crush ko dasalan ko sa tapat ng kandila ng alas-12 ng hatinggabi at kinabukasan papansinin na nya ako, malay ko bang hahanginin yung kurtina at tatamaan yung kandila diba?

“Opo, mag-iingat naman po ako chang, wag na po kayo magalit. Pasok na kayo sa bahay, baka matapos na yung pinapanood nyo.” Tinulak ko ang likod ni chang ng onti para iwan na nya akong mag-isa at matapos ko na ang ritwal ko.

Pinulot ko ang mga pictures namin ni Kenneth na halos maubos na ang sweldo ko kakaprint galing sa cellphone ko, para lang punitin ang sunugin. Baliw na nga yata talaga ako.

Sumilip muna ako sa likod ko para siguraduhing wala na si chang, at nagbalik sa pag-iiyak sa mga alaala namin ni Kenneth. Tiningnan ko ang mga pictures namin habang isa isang sinusunog, para hindi magalit si chang bumulong na lang ako, “T******* mo kasi e. G*** ka, bakit mo ko pinag-palit?”

“Sana tubuan ka ng mga kurikong sa mukha, hayup ka.” Hinahaplos haplos ko pa ang mukha ni Kenneth sa picture. Hindi ko alam kung isusumpa ko sya or itetext ko ulit baka sakaling magkabalikan pa kami.

Tinuktok ko ang kamay ko sa ulo ko, “G***. G*** ka, wag nang umasa! Tama na ang ilang linggong pakikipag-balikan, move on na. Move on na!”

Nakakahiya mang aminin, pagdating sa pag-ibig wala ako masyadong pride. Wala sa bokabularyo ko yun. Ilang beses man akong itakwil ni Kenneth, dinodoble ko ang efforts ko para makausap sya, hanggang sa i-block na nya ako sa Facebook at nagpalit na rin sya ng number nya. Saklap.

Isa isa ko nang hinagis ang pictures namin sa apoy. Kailangan mawala lahat ito kundi hindi ako makaka-move on. Hindi ko kaya.

At syempre parte na ng ritwal ko ang umiyak habang isinusumpa sa mga kalangitan na may makikita akong iba. Na magiging masaya rin ako someday. At alam ko ibibigay yan sa akin ni Lord, dahil mabuti naman akong tao. Malandi lang, pero mabuti.

Nang maubos ko na ang pictures, hinawakan ko ang dibdib ko sa ibabaw ng puso ko at sinabing, “Hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo, Kenneth at tapos na akong umiyak dahil sayo. Makikita mo, makakahanap rin ako ng lalaking karapat dapat sa pagmamahal na maibibigay ko.”

Pinanood ko nang lamunin ng apoy ang mga pictures namin ni Kenneth. Last day na today ha, Olga. Tomorrow is a new day and tomorrow you’ll be a free woman. Free ka na ulet.

Napaiyak ulet ako, "Bwisit na luha to, ayaw maubos. Hay!” Tama na.

“Tama na.”

Last hingang malalim at pumasok na ako sa loob ng bahay.

Dumerecho na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama, nakatingin sa kisame. Bukas, lagi namang may bukas. Hindi pa nauubos ang pagkakataon mo. Mag-25 ka pa lang, bata ka pa at marami pang lalaki jan. Hindi pa naman naubos ni Kenneth ang bango mo, buti na lang hindi ka naanakan nung lokong yun.

Bukas, kailangan maging normal ka na, hindi na natutuwa sayo ang mga kaibigan mo masyado ka nang ma-drama.

Pinunasan ko ulit ang mga luha ko, at pumikit na.

Patulog na ako nang biglang dumagungdong ang boses ni chang sa loob ng bahay…

“OLGA ANDREA! HINDI MO NA NAMAN PINATAY ANG KANDILA!”
 
Last edited:
Chapter 92

Nag-excuse si Chuck sa mga bisita n’ya at sinabihan akong sa kwarto n’ya kami mag-usap.

Ayokong pumunta sa kwarto n’ya habang maraming bisita na nakakakita so I pushed him sa side ng bahay, sa may garden kung saan walang mga tao.

Malakas pa rin ang tunog ng music kahit nasa gilid kami ng bahay so I’m sure wala namang makakarinig sa usapan namin.

He slides the door closed at ini-lock n’ya ito para hindi kami maistorbo.

Humarap ako sa kanya and I can see how good he looks, and I look like sh*t.

He’s looking sa dingding ng bahay n’ya and I realize he’s looking at everything except me. Gano’n ba ako ka-pangit ngayon? I mean, kulang ako sa tulog at hindi ako nakapag-ayos, so is he embarrassed of me? That I’m here?

Nagbuntonghininga siya, “What are you doing here, Andi?”

Kung ano mang lock ang nailagay ko sa emotions ko, nag-disintegrate ‘yon with those words.

I feel the tears streaming down my face while I look at him.

“What am I doing here?!”

I scoff, “What the f*ck am I doing here?!”

Napalingon siya sa pinto nang magmura ako.

What the hell am I doing here?

What the hell am I fighting for?


Napamaywang ako, “Am I embarrassing you? Should I go?”

He runs his fingers through his hair, “I don’t know. I didn’t expect you to come here – “

“So you had a party!”

He sighs, “I thought – “

I interrupt again, “You thought we were over.”

I wipe angrily at my tears, “Okay. Then I’ll be quick. Sayang naman party mo at baka hanapin ka na ng mga bisita mo.”

I take a deep breath, “I just came para sabihin sa ‘yo that I’m sorry. Although nasabi ko na sa ‘yo the other day, gusto ko pa rin malaman mo that I’m sorry. I’m sorry for everything na nagawa ko. I feel like hell these past few days dahil nag-aalala ako kung may babalikan pa ba ako sa ‘yo or wala na. And I can’t imagine losing you over the things that I did. So, I’m sorry kung nasaktan kita.”

Pinunasan ko ulit ang luha ko, “I’m sorry for being petty, for being insecure, but that’s just how I am. Kahit gaano kababaw, gano’n talaga ang nararamdaman ko and I thought you understood. I thought you knew how insecurity can affect a person, akala ko naiintindihan mo kasi gano’n ka rin dati sa ex mo. Insecurity in your relationship took a toll on you as a person and I know how you feel. But that will never hinder me from being proud of you, kung ano man ang kakulangan na nakikita ko sa sarili ko, it will not affect how I feel about you. I was and still am so proud of you and your accomplishments. I hope you know that.”

Tiningnan ko siya and I can see the hurt in his eyes, alam kong nahihirapan rin s’ya and that for what it’s worth I know he still has feelings for me, hindi ko lang alam kung sapat pa ‘yon sa ngayon.

So I give him the most genuine smile I can muster, “I’m sorry that I can’t wait around for you when you will be available to see me. I’m sorry that I have friends that I talk to because my boyfriend is too busy for me. And I’m sorry that I won’t be there to kneel and beg you to stay with me, because I know my worth than to do that.”

He hangs his head.

I sigh, “I’m sorry that I can’t give you what you want and resign from my job because honestly, I love my job. I have a good boss who understands even my craziest issues and who cares about my boyfriend too. I also don’t want to leave my job all because of another relationship, dahil I’ve learned from that before.”

Napa-hikbi na ako pero kailangan ko itong sabihin, “If that’s the only way to win you back, then I’m sorry I can’t do it.”

I cry harder, “I want to, believe me. Gustong-gusto kong gawin lahat ng kaya ko’ng gawin para hindi ka mawala, para malaman mo’ng mahal kita, but I think I would hate myself if I do it.”

I sigh, “Paano naman ako? I’ll hang on to you at mawawalan ako ng respeto sa sarili ko dahil na naman sa ibang tao? If I do it for you, what am I doing for myself?”

Gusto ko siyang sigawan at saktan dahil nakatayo lang siya doon. Nakatingin sa sahig.

Walang ibang sinabi. Walang ibang ginagawa.

And I’m tired. I’m just so tired.

Parang naubos na ang lakas ko and right on cue Carla knocks on the glass doors.

Tumalikod ako para hindi makita ni Carla ang itsura ko.

I guess binuksan ni Chuck ang pinto because I hear her voice, “Ah Sir. The investors are here.”

Bumulong si Chuck, “Just give me a couple of minutes.”

Sumara ang pinto and I hear Chuck behind me, “There’s some people here – “

More important people.

I sigh, “Sige, go ahead.”

“Andi, I – “

“I’ll be fine. Go.”

Tumalikod lang ako nang marinig kong magsara ang pinto, I walk over to the door and see him greet the new guests.

I feel happy and sad at the same time.

Itong party na ito is a testament to his success, I realize hindi ko na nakakamusta ang kumpanya n’ya but I guess everything’s going great dahil sa dami ng masasayang bisita na nandito.

May nagpatay ng tugtog and Chuck walks over sa stairs hawak ang microphone, nagpalakpakan ang mga tao and he gives them a small smile.

I watch as he tells people the story of how he started the company, kung paanong pinaghirapan ng iilang tao ang malaking kumpanya na nila ngayon. I remember na dati pangarap n’ya lang ito and now it’s all coming true. And I’m so happy for him, he deserves this more than anyone I know. I know how hard he worked for it.

Nagpapalakpakan ang mga tao at nag-announce pa ng ibang bagay si Chuck.

It’s his night with his employees and I shouldn’t put a damper on their festivities so I back up sa glass door at dahan-dahan akong naglakad sa garden papunta ng garahe.

I’ve said what I’ve had to say, wala naman nang dapat pag-usapan pa. He gave me an ultimatum that I can’t accept, so I guess ‘yon na ‘yon.

Kung ‘yon ang kundisyon n’ya then I guess we’re over.

Ipapakuha ko na lang sa ibang araw ang bagahe ko, buti na lang bitbit ko ang phone ko at wallet.

I walk out of the house and check my phone para mag-book ng taxi or Grab.

Naupo ako sa gilid ng kalsada katabi ng mga naka-park na kotse para hindi naman ako makita ng ibang tao. Then my phone starts ringing.

Si Sir Tristan.

I sigh at hindi na lang ito sinagot.

I don’t feel like talking to anyone tonight. Parang sa dami ng sinabi ko kanina nasaid na ang laway ko and I don’t want to talk muna.

My phone keeps on ringing at pinatay ko ang sound para hindi maingay.

I sigh. Siguro hanggang doon na lang talaga ang kaya ng relationship namin ni Chuck. Ilang buwan na naman kaya ang iindahin ko dito para maka-recover. Mukhang malabo.

I bend my knees at ipinatong ang braso ko doon at yumuko.

Gusto ko na namang umiyak. So I do.

After a while may liwanag akong nakita sa harapan ko, I look up and see Sir Tristan standing before me.

Nakapamaywang siya at naiyak ako lalo.

He sighs, “What the hell are you doing here?”
 
Chapter 93:

3 MONTHS LATER


“I thought I already made this clear yesterday? Why haven’t they delivered it yet?”

Minsan talaga nakaka-bwisit makipag-usap sa ibang tao, I mean ilang bilin at ilang meeting ba ang kailangang gawin bago ma-gets ang instructions?

Minamasahe ko ang sentido ko habang nakikipag-usap sa committee namin na in-charge sa food.

“Okay, just make sure those arrive before dinner tonight or else I’m not paying them for the services and they can consider themselves banned from future events.”

Pinatay ko na ang call bago pa makasagot ang kausap ko.

“Woah. Remind me never to get on your nerves, Andi.”

Napalingon ako sa boss kong nakangiti sa akin and I give him a small smile, “Sorry Sir. Medyo stressed lang, ang hirap kasi kausap ng ibang tao.”

He smiles, “Get some rest, I’m sure the party will be fine.”

We have a big event sa company namin and Sir Tristan asked me to head the committee for the event.

“Hay naku Sir, ilang lingo nang umuuwi nang gabi ‘yan si Andi. Lahat ng committee members ninenerbyos kapag siya na ang tumatawag.”

Natawa silang dalawa at napaisip naman ako, “Gano’n na ba ang impression sa akin ng mga tao? Grabe naman, gusto ko lang maayos ang lahat no.”

Dee chuckles, “Chill lang kasi, Andi. Mas kinatatakutan ka na dito kaysa kay Sir.”

Napairap lang ako, “If they’d do their jobs well then wala naman silang dapat ikatakot sa akin.”

Tumawa si Sir Tristan, “Then I should get to work, baka ako pa masermunan ni Andi.”

Umalis si Sir Tristan nang nakangiti.

I slump back in my chair, “Talaga ba’ng kinatatakutan na ako ng mga tao dito, Dee?”

She grins, “It’s not a bad thing naman, Andi. I mean most of them understand kung bakit ka nagiging strict, but it’s nice to just smile once in a while and tell them you appreciate their efforts.”

Hala! Nakakahiya naman, baka isipin nila para akong boss dito, e assistant lang naman ako.

I sigh, “Na-sstress kasi ako sa event tonight. Big deal kasi ito sa atin ‘di ba? So, I want to make sure everything’s perfect at hindi mapapahiya si Sir Tristan.”

Ngumiti lang si Dee, “He’s already proud of everything you’ve done. Kung hindi mo napapansin he hasn’t lifted a finger since in-assign ka niya with this event. Wala nga siyang ibang decision na ginawa because he trusts you with this.”

She bites her lip before she says, “Pero magpahinga ka rin minsan, Girl.”

I roll my eyes, “Alam mo, sobra kayo, Dee. I take breaks naman ah. Umuuwi rin naman ako para magpahinga.”

She raises an eyebrow, “You know I’m not just talking about this event. You’ve been spending all your time working, I see your emails minsan kahit nasa bahay ka na nag-eemail ka pa. I also get your texts minsan kapag madaling araw. Hindi ka rin nag-le-leave. You don’t take time off.”

Ever since that night na pumunta ako kina Chuck I’ve spent all my time working or thinking about working.

Kumunot ang noo ko, “That’s not true. I mean, nag-wo-workout na ako, ‘di ba? I’m spending time making myself better.”

May lungkot sa mata ni Dee habang sinasabihan ako, “I know and that’s a good thing. You’ve been working and working out. You’ve even started to look for a place, which I think is great kung ang rason mo is to be independent and to start making a life for yourself, but we both know the reason why you want to move.”

Actually, naghahanap na talaga ako ng apartment or a condo para makapagsarili na ako, para hindi na ako laging nakaasa kay Tsang. Lalo na’t by next year nandoon na rin ang mga pamangkin ko sa pinsan dahil magco-college na sila.

Ang reason ko talaga kaya ako humahanap ng apartment is para mas malapit ako sa office. I guess I’ve been pretty obsessed nga sa pagttrabaho these past few months. Kaysa naman kasi igugol ko ang sarili ko sa pagluluksa, mag-ttrabaho na lang ako.

Lumapit si Dee at umupo sa guest chair ko, “Have you taken the time to just relax?”

I don’t want to relax.

Kasi kapag nag-relax ako nag-iisip ako, at kapag nag-iisip ako siya lang ang pumapasok sa utak ko and that’s not good for me.

It’s been three months since I left his house broken hearted and I haven’t recovered from it.

Siguro dahil na rin kahit na nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin hindi siya sumagot that day kaya hindi pa rin ako nakaka-move on.

He hasn’t said anything to me or even tried to contact me since that day. Ni hindi nga n’ya ibinalik ang gamit ko and I didn’t ask Jem na kunin ‘yon dahil ayoko nang maunang mag-make ng move to contact him. Baka akalain n’ya pa gumagawa ako ng paraan para makausap siya. I meant what I said that night na hindi na ako maghahabol, na
hindi na ako magpapakatanga para sa isang tao.

But it hasn’t made it any easier for me.

Minsan naiisip ko sana desperada na lang ako ulit, sana martir na lang, para walang regrets. Pero nare-realize ko rin, oh tapos? I’ll be back to where I’ve always been, sa sidelines, nanlilimos ng importansya at atensyon mula sa taong mahal ko. What kind of life would that be?

Anong klaseng tao rin ako kung hahayaan ko’ng maulit ‘yon sa akin?

I look over at Dee, “I’m fine, Dee. I’ll be fine. This is what I need right now, kailangan ko lang maging busy, maging productive.”

I know she understands what I’m saying dahil hindi lang ako ang naging adik sa trabaho nitong mga nakaraang buwan, siya rin. We’ve both been through a tough time at ang pinanghahawakan lang namin sa buhay namin ngayon ay ang trabaho namin.

She nods, “I understand. Basta, if you’re ready to chill or if gusto mo lang ng kausap you know I’m always here.”

I smile, “Sige, I’ll let you know kapag tapos na itong project na ito at kung wala nang ibang ibibilin sa akin si Sir Tristan, baka sakaling magka-time na ako to chill.”

Hinatak ako patayo ni Dee, “But now we have to prepare for the party. You’ve done your part at I’m sure okay na ang lahat, so tayo nang magpa-pamper bago tayo maging busy later.”

Umiling ako, “Marami pa akong aasikasuhin, Dee.”

Hinatak niya ako ng mas malakas, “Tumigil ka. Kailangan mo ng mani-pedi, wax at eyelash extensions. Sasamahan mo ako.”

Magpprotesta na sana ako pero biglang lumabas si Sir sa kwarto n’ya, “Yes, you ladies should go prepare for the party. We’ve got things handled here. I’ll see you guys sa venue later.”

At dahil dismissed na kami ng boss namin I’ve got nothing else to do but to go get ready for the party.
 
Chapter 94:
Dalawang oras kami sa salon ni Dee, nakapagma-manicure, pedicure, make-up, nakapagpaayos ng hair at nakapagpa-wax na rin ako ng legs ko ang kili-kili, ang sakit pala no’n, pero ang kinis grabe.

Nag-check in na rin kami sa hotel kung saan kami mag-sstay at kung saan gaganapin ang event.

Black and white ang theme ng party namin, dapat nga magus-suit na lang ako para mas mabilis akong makakilos, pero pinilit ako ni Dee na pumili ng formal dress. Black ang pinili ni Dee kaya ang pinili ko is isang white halter strap dress na may accent ng bulaklak sa shoulder at may slit showing my left leg.

Tama rin naman ang pa-wax ko ng legs dahil maraming legs ang makikita sa akin kapag naglakad ako.

“You look so good, Andi. I’m sure ang daming nakatingin sa ‘yo mamaya.”

I scoff, “Para namang mapapansin ko pa ‘yon. Ang dami kaya nating kailangang gawin.”

Inirapan lang ako ni Dee habang sinisilip n’ya ang itsura n’ya sa salamin, “Hay naku. You should mingle na lang later. Ang dami mo nang ginawang preparations para dito kaya sigurado namang things are going to go smoothly.”

Para namang makakapag-concentrate ako sa pakikipagkilala sa mga tao, e kanina pa nga lang habang nasa salon kami ang dami ko pang inasikaso, ang daming taong tinawagan at ang daming updates na hiningi.

Hinawakan ako sa magkabilang balikat ni Dee, “Hey. You’ve done enough, let other people do their jobs naman.”

I know that Dee’s right, so I relent, “Fine. I’ll just do one check before mag-start ang program and then I’ll just text the committee members to text me kapag may problem lang that they can’t handle.”

She grins.

“Happy? Okay na?” tanong ko.

She nods, “Yes. Let’s enjoy the night naman, Andi. We both deserve it.”



#

Bumaba kami at pumunta sa grand ballroom ng hotel kung saan may mga nag-aayos pang mga staff. Like I promised, I just texted the committee members na tawagin lang ako kapag may problem na hindi sila ma-solve. And I also thanked them for the job well done.

I remind myself na i-treat sila sa susunod na linggo para naman makabawi ako sa stress na ibinigay ko sa kanila these past few weeks.

When I’m convinced na wala namang magiging problema sa party, I take my seat near the stage and I look at the notes na hawak ko. I also double checked the guest list to make sure na walang aberya sa mga nag-RSVP. I think sa lahat ng mga preparations na ginawa ko ito ang pinaka-importante. I know the list like the back of my hand.

If I’m being honest nakapagpadagdag ng anxiety ko these past few weeks ang guest list because I know that right there in number 23 is a name I’ll never forget – Charles Santos.

Tumango ako sa receptionist namin na nag-aabang ng mga bisitang parating and I give her a warm smile. Syempre hindi ako nakatakas sa mga chismis sa office nang mag-break kami ni Chuck, hindi ko rin alam kung paanong kumalat pero I’m guessing employees from his office had something to do with it.

Buhay na buhay ang dugo ng mga tsismosa tonight dahil alam nilang this is the first time I’ll see Chuck again after our breakup.

Kabado rin ako kaya mas pinipili ko nang mag-focus sa kung anong pwede kong i-control, which is to make sure na lahat dito sa party is maayos.

I walk across the room nang makita ko ang Manager ng hotel pero biglang sumulpot sa harap ko si Dee, “Hoy. Saan ka pupunta?”

Napangiwi ako, “May itatanong lang ako sa Manager, just one question.”

Pinihit ni Dee ang mga balikat ko at itinulak papunta sa table malapit sa stage, “Doon ka na. Maupo ka na sa table natin and I’ll check whatever it is you need to check with the Manager.”

Tinulak ako ni Dee, “I’m sure ha-harass-in mo lang ‘yon tungkol sa pagkain.”

I shut up dahil ‘yon mismo ang itatanong ko sana.

I sigh at naupo sa VIP table just as Dee asked, tiningnan pa n’ya ako to make sure nakaupo lang ako and I wave at her.

Ako raw control freak? Pareho lang naman kami.

I feel hands wrap around my shoulders at napalingon ako, nanlaki ang mata ko at napatili, “Jem!”

Kahit naka-dress ako nagtatalon ako habang yapos si Jem, I can’t believe he’s here.

Itinulak ko siya, “Anong ginagawa mo dito, Bhe?”

Nag-pose siya sa harap ko, “I got an invitation for a party so I’m here!”

I’ve been seeing Jem nang mas madalas these past few months, may mga pinagdaanan rin kaming usapan on how I disappeared habang may boyfriend – again. So I promised him that I will be better.

Kahit sino pang dumating ulit, it’s not going to be the same.

And I feel na kahit hindi pa ako fully recovered sa nangyari sa amin ni Chuck that I have really learned from it. Hindi na ako desperate for the next guy. I am looking for something permanent, ‘yong hindi lang puro kilig ang dulot kundi ‘yung may kahihinatnan. I thought I had that with Chuck, pero I think I really have to start with myself.

I have to find what I want to become, be complete on my own bago ako makipag-relasyon sa iba.

Para naman hindi ko i-expect na may punan sila sa akin, kung sino man ang dumating bonus na lang ‘yon. Kasi ako pa lang panalo na.

And the next guy who comes along will be damn lucky to have me.

Bineso ako ni Jem, “Ano? Nakita mo na ang ex mo? Nagka-Jericho-Heart moment na ba kayo?”

Natawa ako, “Gaga.”

Inangat ni Jem ang phone n’ya, “Basta kapag nangyari ‘yon I’ll be there to capture it. Tingnan ko lang kung mas bet ko si Sir Chuck kaysa kay Echo.”

Ipinakita ko naman ang slit ng dress ko, “Diyos ko, hindi yata pang ‘Heart’ itong suot ko no.”

Tumawa si Jem pero natigilan nang mapalingon sa entrance ng ballroom.

I know kung sino ang nakikita ni Jem pero I force myself not to look.

Kinapitan ko ang braso n’ya at iginiya s’ya paalis, “Bhe, saan ang table mo? Para maihatid na kita, magsisimula na ang program.”
 
Wow. 6 years and counting na ang serye. Saludo. :salute:

Keep writing!
 
Chapter 95

Nagsimula na ang program at kahit nag-promise ako kay Dee, hindi ko napigilang mag-asikaso ng mga kailangan sa party.

I tried, I really did pero hindi ko maalis ‘yong feeling na parang may nakatitig sa likod ko.

I felt uncomfortable.

I’ve made it half way sa program without seeing him, napansin ko ang likod n’ya when he was talking to some people pero I’ve been careful not to see his face.

‘Yong likod pa nga lang ang nakita ko parang nanginig na ang tuhod ko e, paano pa kung ‘yong mukha na.

I know I’ve said a lot of things about moving on and keeping myself busy, making sure I’m a better version of myself every day, making sure na nag-iimprove ako as a person. Pero nandoon pa rin ‘yong pakiramdam na may kirot sa puso, may longing for someone that was once part of that piece of your heart, a piece of your soul.

Hindi pa ako totally nakaka-get over. It’s only been a couple of months after all and I’ve loved him far longer than that.

I honestly don’t know why I’m so uncomfortable in seeing him, siguro dahil ayaw kong makita n’ya that I’m still not okay. For all the talk na ginawa ko no’ng huli kaming magkita, about how I don’t want to beg or ask someone to stay with me, I know my eyes will reveal what my lips or my pride won’t let me say.

That I’m still hopelessly in love with him and that ‘yong tatlong buwan na wala s’ya was torture. It was so hard to not think about him that I had to force myself every waking moment to not think about him.

I’m scared that he’ll take one look at me and he’ll know.

And so I avoid him all night.

Walang Echo-Heart moment na mapi-picture-an si Jem.

But I’m so glad Jem’s here.

Siya ang nagsilbing guard ko habang nag-iikot, iniiwas n’ya ako sa kung saan nandoon si Chuck. I told Jem not to tell me details, ‘wag n’yang sabihin kung nasaan si Chuck, kung nakatingin ba sa akin, sinong kausap; basta ilayo n’ya lang ako kung nasaan si Chuck para hindi mag-krus ang landas namin.

It was difficult pero I got through it.

Tumingin ako sa relo ko at ngumiti, “Almost 10PM na Bhe, we made it.”

Umirap si Jem habang nakasandal sa bar, “Sabi sa invitation ko ‘guest’ hindi bodyguard.”

Ngumiwi lang ako, “Sorry na bhe, kapag umalis na s’ya pwede na tayong mag-party party.”

Lumingon sa mga tao si Jem, “Hay naku. Naloloka ako sa mga trip mo sa buhay e, pero alam mo…”

Humarap siya sa akin, “I’m so proud of you. Ibang-iba ka na sa dati, hindi ka na tanga-tanga.”

Bigla siyang napaisip, “I mean tanga pa rin minsan, pero improving na.”

Hinampas ko ang braso n’ya, “Loko.”

But I know may bigat ang words na ‘yon coming from Jem, alam kong naiintindihan n’ya kung bakit ko ‘to ginagawa and I know he appreciates my effort para protektahan ang sarili ko.

This is my way of ensuring that I don’t fail myself again.

This is me choosing me over everyone else.

Iniabot ng bartender ang drink namin ni Jem and we clink our glasses, “Cheers.”

Muntik nang maibuga ni Jem ang iniinom n’ya nang tumapat sa amin ang spotlight.

Nanlaki ang mata ko nang makitang nakatingin sa amin ang mga tao and I hear Sir Tristan’s voice through the speakers, “Andi…”

Isa sa mga employees namin ang lumapit sa akin at bumulong, “Miss Andi, punta daw po kayo sa stage sabi ni Sir Tristan.”

Napalunok ako at inilapag ang wine glass ko sa bar habang nagmamadaling maglakad papunta ng stage.

Paglingon ko sa stage maraming nakapilang employees at si Sir Tristan ay nasa gitna nilang lahat holding the microphone.

When he sees me he says, “Ah. There you are. Come join us here.”

I find a spot sa tabi ni Sir Tristan and he says, “Like I always say, the greatest asset to any Company is their employees and I’m blessed to have such a wonderful workforce that ensures we deliver every time and I know each and every one of you guys will take us into the next phase.”

Nagpalakpakan ang mga tao, nakipalakpak rin ako kahit na hindi ko masyado maintindihan ang nangyayari. I’m thinking how this was not part of the program, Sir Tristan was supposed to give a closing speech and the party should start, pero that’s not what’s happening now.

I squint habang pumapalakpak dahil halos wala akong makita sa sobrang lakas ng spotlight sa amin, pero lumapit si Dee at may inabot kay Sir Tristan.

He speaks again when the applause stops, “I would like to thank these fine individuals on the stage with me for their excellent contribution to our organization. I would like to present to everyone our newly promoted employees for this year.”

Napanganga ako at napalingon sa paligid, everyone’s smiling at the good news.

Sir Tristan walks to the end of the line and inaabutan ng envelope ang bawat employee after n’yang kamayan. Si Dee naman nasa tabi ni Sir para iabot ang mga envelopes sa kanya.

I look at the end of the other side ng line at may bente siguro kaming empleyado dito, these people really deserve this promotion.

I slowly clap para sa mga kasamahan ko as they smile and greet Sir Tristan, may umiyak pa dahil sa gulat.

When it’s my turn Sir Tristan gives me a huge smile as he hands me my envelope, “Congratulations, Andi.”

Naluluha ako pero I reel the emotions in as I shake his hand, “Thank you Sir.”

Niyapos ako ni Dee nang makalagpas sa akin si Sir Tristan.

Sinusundan ng spotlight sila Dee and Sir Tristan habang kinakamayan nila ang mga empleyado and I forgot about where I am for a second.

I look down the stage sa mga taong nandoon and my eyes immediately scans for a face that I’m scared and excited to see at the same time.

My eyes find his and I feel the whole world disappear.

He smiles.

The type of smile that patches up the broken pieces of my heart, not the smile that used to annoy me when we first met, not the smirk he gives when he’s being playful.

‘Yung ngiti n’ya walang galit, walang halong awa, walang regrets.

I know immediately how he feels when I see his face.

His smile grows wider and he mouths, “I’m so proud of you.”

I smile back and I wipe the tears that escapes my eyes.

#20230811
 
Chapter 96

“Aray ko po!”

Hawak hawak ko ang balakang ko habang nakaupo sa sahig, hindi pala biro ang maglipat ng gamit.

“Hoy, puro ka upo. Ako ba titira dito? Parang ako lang nag-ttrabaho ah.”

Padabog na nilapag ni Jem ang kahong may lamang mga libro sa bagong couch ko, “Sorry na Bhe, signs of aging.”

Humiga ako sa sahig at ini-stretch ang legs ko at mga braso.

I stare at the ceiling at napangiti ako sa ganda ng kisame ko’ng may pa-chandelier na maliit. Ang layo na rin ng narating ko and not without my own struggles.

Humiga sa tabi ko si Jem, “Hay naku bakla, akalain mo ‘yon kung kalian ka nakabukod sa Tsang mo, tsaka ka naman nawalan ng dyowa. Sayang.”

Hinampas ko ang braso ni Jem habang tumatawa, “Gaga! ‘Yon lang talaga ang purpose sa pagbukod?”

Pumikit si Jem, “Eh ano pa nga ba? At least kung ako ang bubukod ‘yon lang ang plano ko.”

Napailing ako sa sinabi ni Jem at bumalik sa pagtitig sa kisame.

Sa totoo lang I thought may pagkakasunod-sunod talaga ang buhay, I mean magkaka-dyowa ako, tapos magp-plan kami ng buhay namin, magiging successful tapos magp-propose sa akin ang boyfriend ko, tapos magpapakasal kami, bibili ng bahay together, gano’n.

Pero ang buhay talaga hindi mo pwedeng i-shoot sa kung anong plano mo, you can only do your best para ma-achieve ‘yon pero kapag hindi talaga tadhana hindi mo mapipilit.

Life doesn’t happen like it does in the movies.

Not all great beginnings have happy endings.

Sometimes things begin for a different reason, sometimes it’s not meant to last because life’s lessons need to be taught through an experience, through a person. And I think that’s what my relationship with Chuck was.

It wasn’t meant to last, but even if it ended I got something better out of it – myself.

I learned na hindi naman dapat maging incomplete ang pagkatao mo dahil sa isang taong nawala, you should learn to be complete even if it’s just you.

You shouldn’t depend your happiness on anyone else.

You shouldn’t blame anyone else for your sadness either, ultimately it’s your feelings. Everything you do, upto how sad or happy you become is up to you.

After we broke up, I thought when I saw Chuck again I would fall all over again, or I will just lose it, because that was how I felt back then. His absence made me long for him and what we had.

I didn’t want to see him during the party dahil ayaw kong mahulog ulit, ayaw kong mapakita na weak ako, na hindi ko kaya, dahil that was how I was feeling. I felt lost without him and that was the worst feeling in the world.

But when Sir Tristan called me up to the stage and recognized all the hard work I’ve been doing, I felt happy.

When I saw Chuck as he mouthed “I’m proud of you”, I felt that.

Hindi ko kinwestiyon ang sarili ko, alam kong marami akong na-sakripisyo para sa trabaho ko, para sa sarili ko and I knew he was right.

I believed him because I know I deserved it.

And what struck me as odd at that time is that I felt that I needed to hear that, and that was the sad part. I had to hear someone else say it, why couldn’t I recognize that in myself? Why couldn’t I be proud of myself for doing so well even after all the things I was going through?

And I cried that night because I was happy but also because I realized that I was being so hard on myself, that the person who I needed to love me was me.

Chuck and I didn’t talk after that, I think he already left after the awarding, but I didn’t feel any bitterness or regret for not talking to him that night. Feeling ko ‘yung mga nangyari was how it was supposed to happen.

Siguro kung nag-usap pa ulit kami, baka nauwi sa away, baka nagkasumbatan or may mga masabi kaming baka pagsisihan namin or mag-linger pa sa isip namin after that last time. So I think everything ended the way it was supposed to end.

And being here, lying here on the floor of my newly purchased condo I’m exactly where I want to be.

Bumangon si Jem, at hinatak ang kamay ko, “Hoy babae, kailangan na nating ayusin ang kwarto mo kundi baka sa sahig ka matulog mamaya.

Ngumiwi ako pero tumayo habang minamasahe pa rin ang balakang ko.

“Dapat mag-schedule tayo ng bisita sa mga kapitbahay mo, baka may gwapo kang ka-building.”

Tumawa ako at tinulak si Jem papunta ng kwarto ko.



#



“Bhe, I swear parang naulit na naman kanina.”

Napabuntonghininga sa kabilang linya si Jem, “Alam mo Bhe kaka-cellphone mo ‘yan! Wala ngang gano’n diyan sa building n’yo ano ka ba? Sobrang secured kaya diyan!”

Okay. I said I wanted this, na gusto ko talagang maging independent. Gusto kong maging mas responsable sa buhay ko kaya ako bumukod kay Tsang. Pero parang gusto ko na yatang bawiin.

Madalas ko kasing nararamdaman na may kakaiba dito sa building na ‘to, hindi ko lang alam talaga kung hindi lang ako sanay mag-isa or what. Siguro rin kakapanood namin ni Jem ng crime series kaya ako nagkakaganito pero parang feeling ko may laging nakatingin sa akin dito.

“Bhe, dito ka na ulit matulog please?”

“Ano ako bodyguard mo? Nandiyan ka na sa loob ng unit mo e, wala naman makakapasok d’yan basta i-double lock mo.”

Actually apat na lock na ang nailagay ko sa pintuan ko, sobrang paranoid ko talaga kasi ngayon. ‘Yong huli naming napanood ni Jem isinilid ‘yong katawan ng biktima sa maleta tapos casual lang binaba gamit ang elevator ng building.

“Gusto mo naman doon ka muna kay Tsang mo matulog. Sabihin mo na lang nami-miss mo na s’ya.”

Ayaw ko naman makisiksik kina Tsang dahil nandoon na ‘yong mga pinsan kong nagco-College. Tsaka baka isumbong ako kina Mama hindi na ako makabalik dito sa Condo.

Huminga ako nang malalim, “hindi na Bhe, kaya ko na ‘to. Nagpadeliver lang ako ng pagkain pero parating naman na siguro ‘yon. Bibitbitin ko na lang ‘yong pepper spray ko.”

“Oo gano’n na lang gawin mo, tapos message mo ako kapag nakaakyat ka na. I-message mo ako one word lang, “Talong”.”

Kumunot ang noo ko, “Talong? Bakit talong?”

“Talong ang i-text mo sa akin para alam kong safe ka at ikaw talaga ‘yon, baka kasi kapag nilooban ka diyan mag-pretend silang ikaw tapos mag-text sa akin ng kung anong generic message.”

Nanginig ako pero natawa lang si Jem sa kabilang linya, “Oh joke lang ‘yon. ‘Wag kang paranoid. Basta i-text mo lang ako. “Talong” ha.”

Biglang tumunog ang phone ko, pagsilip ko nasa baba na ang magde-deliver ng pagkain ko, “Gaga ka! Sige na, nandito na ‘yong pagkain ko.”

Binitbit ko ang bag ko at lumabas, making sure secure lahat ng lock.



#



Nakapagbayad na ako sa rider at naglakad pabalik nang makita ko na pasara na ang isang elevator.

Napasigaw ako ng “hold the elevator” habang tumatakbo.

Tumunog ang beep ng elevator at bumukas ang pinto, halos malaglag ang bitbit kong pagkain nang makita ko ang taong nag-hold ng button para sa akin.

He looks just as surprised as I am.

But he just smiles and says, “Hi Andi.”

#20230814
 
Back
Top Bottom