Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Philippine Stock Market Investing-Trading

Status
Not open for further replies.
Re: Philippine Stock Market Investing

TS, diba ang stock market investing ay masyadong risky? Meron ka bang pwedeng ishare na strategy kung paano magiging successful ang investment mo sa pagsali dito?

lahat naman ng business may risk, bawat decision sa life may risk, pero isa lang ang pinakamabisang strategy para mabawasan ang risk(hindi pwedeng mawala ang risk), -Educate Thyselves-

akala ko nadali na ang symbianize, buti na lang nagbalik na sya:excited:

Medyo hindi ako updated ng mga two weeks, nadali ako sa bakasyon matagal ako di nakahawak ng pc.

Happy New year mga ka-symb.:thumbsup:

Malapit na Eleksyon!, Lumalago ang Ekonomiya ng ating bansa, Magandang Bumili ng mga stocks ngayon. :)
 
Re: Philippine Stock Market Investing

Ok.. Anung stocks ang magandang bilhin sa palagay mo?
 
Re: Philippine Stock Market Investing

As far as I know magkaiba ang trading sa investing. Ano ba difference mga sir?
 
Re: Philippine Stock Market Investing

^Ang investing po ay pipili ka ng stock mo at huhulugan mo siya in a regular basis within a specific year let's say 10 years. Halimbawa, you decided to invest in Jollibee's stocks. Within 10 years maghuhulog ka ng let's say 2k every month sa kanya. Parang naghuhulog ka lang sa bangko pero mas mataas ang return mo, sa banko kasi less than 1% per annum pero sa stocks pede pumalo ng 20% per annum.

Sa trading naman, ito yung dati ng ginawa sa stocks. Pipili ka ng stock mo, watch the market, buy low, sell high tapos pili ka uli ng bago. Para ito sa mga gusto ng higher profit in short term pero mas mataas ang risk kumpara sa investing, kailangan mo rin ng mas malaking pera para talagang makita mo ang gains mo.

Para sa mga casual lang at hindi masyadong tutok sa stocks mas ok sa inyo ang investing. Para sa mga risk takers, mahilig magbasa ng current news, with money to spare at gusto ng mas mataas na kita ni a short term basis but with a higher risk, trading is the best for you.

Mas malaki ang kita ng investing at wala masyadong risk yung lang matagal pero kung ang 100k mo naman ay magiging 1M in ten years, why not?

Please check this site kung may iba pa kayung tanong tungkol sa stocks COLFinancial.

:salute:
 
Re: Philippine Stock Market Investing

Good pm po.. Mga bossing gusto po sana itanong toh let say nakapag decide na po ako mag invest sa colfinacial(broker) starting investment po is 5k na complete ko na lahat requirements, nag decide ako , yun term ng investment ko 10yrs , may babayaran pa ren po ba ako every month or w8 ko lang yun 5k ko mahinog sa loob ng 10yrs? Salamat po sa reply
 
Re: Philippine Stock Market Investing

^tulad ng sinabi ko sa last post, ideally dapat maghuhulog in a regular basis para mas mabilis ang profit mo.
 
Re: Philippine Stock Market Investing

ts maganda talaga ito matagal ko ng gustong mag invest sa stocks kelangan lang may tutor ka rito kasi para bigyan ka ng guide.
 
Re: Philippine Stock Market Investing

bossing anung stock ba mgandang pag'lagyan ng investment?
 
Re: Philippine Stock Market Investing

^tulad ng sinabi ko sa last post, ideally dapat maghuhulog in a regular basis para mas mabilis ang profit mo.

Ilang years po ko maghuhulog ?
 
Re: Philippine Stock Market Investing

Wow thanks sa comprehensive response sir scire! :salute:
 
Re: Philippine Stock Market Investing

Ilang years po ko maghuhulog ?
5 to 10 years ang best pero depende parin sa iyo. Ang pinakamaganda dyan up to retirement mo, para pag nag-retire ka na sa work mo my pera ka parin.
Wow thanks sa comprehensive response sir scire! :salute:

NP. Happy to help. :)

Check this e-book guys: My Maid Invests in the Stock Market...And Why You Should, Too! by Bo Sanchez. Ang target nya para sa mga maid nya 1M for retirement.
 
Re: Philippine Stock Market Investing

Lapit na ako mag resign, pahinga ako mga 15days.. Pag aaralan ko mabuti to.. Meron ba taga qc jan? Kape kape tayo, pag usan natin to. Haha. May naipon ako konti, gusto ko iinvest
 
Re: Philippine Stock Market Investing

basa basa mode bozing ,,,
interested ,,
hehe


:ff:
 
Re: Philippine Stock Market Investing

Mga bossing parehas lang po ba to sa mutual lyk first metro or sunlife?
 
Re: Philippine Stock Market Investing

Ikinalulungkot ko pong ipaalam na ang research ko po ay hindi na maitutuloy sa kadahilanang ang bago ko pong work ay nangangailangan nang masusing pagtutok at presensya.
Ngunit nakapagtala naman po ako ng 1 month result ng aking research.
Sa loob ng buwan nang nobyembre 2012 mayroong 20 securities/stocks na ni rate ng COL Financial na "BUY" sa parehong Investment Guide at Technical Guide. Binantayan ko po ang galaw ng Presyo ng mga ito(Ave. Price/Day) sa loob ng 20 trading days katumbas ng isang buwan matapos ito ma rate ng COL. Sa 20 securities/stocks ang pinakamataas na tala ng pagtaas ay umabot ng 27.25% at ang pinakamababang tala naman ay 0.21%
Sa 20 Securities/stocks 6 sa mga ito ay napapabilang lamang sa below 5% markup. 14 naman sa mga ito ay napabilang sa 5% and above markup. Sa madaling salita kung mag iinvest ka sa stock market at susundin mo ang payo ng COL Financial mayroon 70% ang chance mo na makamit ang 5% markup ng yung biniling securities/stocks sa loob ng 20 trading days/1 calendar month.
Ngunit hindi pa dito nagtatapos ang pagsasaliksik. Sapagkat 20 trading days lamang inobserbahan ang mga napiling securities/stocks, maaaring tumaas pa ang poryento ng 5% and above markup. Sa buwan pa lamang ng nobyembre ang natala at maaring iba iba ang season ng mga stocks.
Para sa iba pang impormasyon obserbahan lamang ang:

RESEARCH MONITORING SHEET
(Documentation)

Lubos din po akong nagpapasalamat sa mga taga symb na bumubuhay ng thread na ito at sana huwag po kayong mag-atubiling magpost ng inyong mga kaalaman maging nang katanungan at buhayin nawa natin ang Philippine stock market Investing.

Sa mga nagtatanong kung anu anu ang stocks na magandang bilhin ngayon nalalapit ang eleksyon, ito lamang po ang payo ko.
Alamin po natin kung anu ang pinakamalakas na industriya sa mga panahong ito, Kampanya..Ating tignan ang industriya ng advertisement, anu anu bang kompanya ang pinakasikat pagdating dito. Maaari din nating tignan ang Pananalapi/Financial, sigurado madaming utang utan dyan. At since madaming lagay asahang madaming pera ang bayan, madaming bibili sa mga Grocies at Mall.



 
Re: Philippine Stock Market Investing

wow ok toh ah pagaaralan ko toh ng mabuti
 
Re: Philippine Stock Market Investing

Pwede ba ako dito, kahit studyante pa lang ako?
 
Re: Philippine Stock Market Investing

Madaming salamat po sa pagpost nito! Very interested po kasi ako jan. On the way po ako to build my income online then invest ko sa stocks. :thumbsup:
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom