- Messages
- 13
- Reaction score
- 0
- Points
- 16
Good day, isa po akong .net developer (beginner level) at gusto ko po sanang gumawa ng isang payroll system na pwede kong maibenta sa iba't ibang kumpanya. Kaya lamang po ay hindi ko kabisado ang takbo at pasikut sikot ng pagcompute ng payroll, kung ano ang mga dapat kong malaman, ang standard na paggawa ng payroll na magpifit sa mga kompanya dito sa Pilipinas. Hindi ko naman alam kung saan ako magbabasa, mayron po bang makakatulong sakin na magdefine ng mga requirements at features na dapat kong ilista para makabuo ng isang Payroll System na magpifit sa lahat ng local companies dito satin?