Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

PLDT PLDT Advise

4ndr01d

Recruit
Basic Member
Messages
13
Reaction score
0
Points
16
Mga Sir ilan buwan kaya makakabitan kapag no port available? kasi nag apply kami last may17,2018 re-apply after 1-2 months.... ilan buwan po ba bago lagyan ng panibagong pldt cabinet? PLDT HOME FIBR po
 
Last edited:
same tayo sir, no port available din dito samin, pero ginawa ko follow up lang lang ng follow up everyday, iba iba yung agent na makakausap mo sa telepono yung iba hindi naman alam yang ganyan, kaya medyo nakaka urat, request ka mag pa issue ng new job order for facility checking, sa tingin ko kasi yung ibang installer ng pldt which is 3rd party tamad tamad, kagaya nung nangyare sakin, wala daw available port pero meron naman talaga hindi lang ma verify yung naka disabled na port, sabi sakin nung installer babalikan daw ako so kinuha ko contact nya, nag follow up ako sa installer pero di ako binalikan, kaya nag pa issue ako ng new job order, BTW nag punta yung installer sakin may 15 as of now for installation na ulit yung application ko within this week. depende yung ibang installer nag pupunta kahit weekends.
 
ang basic days na pag hihintay sa port is 6 to 9 weeks kung walang port sa cabinet



kung gusto nyo mapabilis ang pag kabit pasabugin nyo ang cabinet para mag lagay sila na mas malaking capacity nang cabinet ^________^hehehe
 
Same story ganto din sa area naming no available port since the beginning of time so one time nung may nag punta samin na Third Party Contractor ni pldt kinausap ko tinanung ko kung wala ba talaga port sa area na malapit sa bahay sabi wala nga daw pero kung gusto ko daw talaga ng pldt mag bigay daw ako ng 3k sa ibang post nila ako ikakabit which is medyo malayo sa bahay ko so yung payment is for wires and syempre labor ni third party. Talaga medyo tamad ang Contractor ni PLDT kaya dapat medyo may pampadulas
 
Paasa lang yan. Pag walang port, wala yan not unless marami mag aapply sa area na yun tsaka lang sila mag-dadagdag. Pero kung ikaw lang mag-isa, mag aantay ka ng mag papa disconnect ng line nila.
 
TS, kapag walang port, wala talaga. Not unless may mag-disconnect na existing subscriber. Ako kaya lang nakabitan, pumayag ako sa port na ginamit nila na sira yung line ng phone, pero dsl working. Sabi ko ok lang sira yung phone, internet lang naman importante, kasi may cellfon naman, Tapos nung nasira minsan, ni-report ko, so now pati phone at dsl both working na. Follow-up ka lang lagi.
 
Tama yung mga naunang replies. Ang pagpapakabit ng DSL / Fiber connection ay hindi katulad ng LTE plans na pwede agad sa area mo, mas mataas ang mataas ang capacity nito para sa daming ng active connections unlike sa mga wired plans na kailangan talaga connected sa hardware / cabinet na malapit sa linya mo. Kaya kapag sinabi nilang wala available port, wala talaga yan UNTIL the time na may ma-disconnect / terminate na subscriber, tsaka pa lang mapi-freeup yung slot ng port. Ang isa pa scenario na posibleng mangyari, kung marami kayo sa area nyo na mga new subscribers, at least 20+, possible sila magdagdag ng facility sa area nyo para ma-cater kayong mga bago. Hintayan lang talaga ang mangyayari. Dun samin sa bulacan dati, nung time na nag-boom ang DSL connections, wala pa makapagpakabit sa mga areas na medyo malayo sa main road, kailangan pa nga daw na magkaroon ng queue ng madaming new applicants para magkaroon ng facility sa area. So kung hindi ka makakahintay doon sa dalawang possible options, just go with another ISP at baka sila ay may availability para sa iyo, or just go for LTE muna until magka-slot.
 
Salamat mga Sir sa idea da best kayong lahat! šŸ˜‚
 
samin dun sa montalban area puno na rin sabi lagi smin ng ahente at mismong PLDT office, pero nung may dumaan na installer (3rd party) kinausap q cia bka puede nya aq hanapan ng port bigyan qna lng cia (cash).. after 1 week binalikan nya aq sabi nya meron na daw open sa kabilang street pinapicturan nya lng yung cabinet sa taas ng poste na may code number ata yun.. sabi nya ipakita q sa PLDT office pag verify nila ayun may bakante nga daw,., after 2 weeks nkabitan nkmi.. PLDT home fiber
solve ang problema q :thumbsup:
 
Back
Top Bottom