Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

PLDT PLDT MyBro Problem PLS HELP

userngalan

Recruit
Basic Member
Messages
6
Reaction score
0
Points
16
PLDT MyBro Problem

Good day po! share ko lang po sa inyo ang problem ko sa PLDT, Please kailangang ko po ng opinion at advice. Nagpakabit po ako ng internet dito sa bahay last year, ang bahay po namin medyo malayo sa city kaya PLDT at Smart lang po ang available samin at nag try po ako sa PLDT dahil 2mbps po ang speed na tag 999 ang buwan. Nung pumunta ako sa office ng PLDT sabi daw po nila na madami na rin daw po ang nagpakabit sa lugar namin at kahit peak hours daw hindi parin bumabagal ang internet kaya naniwala naman po ako at kinuha ko na ang plan na may promo na ang first month tag 499 lng. napaka hassle pa po bago ako kabitan dahil laging na cacancel ang pag punta ng mga technicial sa bahay dawalang beses na po akong nag absent sa class sa kahihintay sa kanila pero after 1 week nung kalagitnaan ng October 2013 pumunta na po ang mga technician ng smart sa bahay namin na naka tricycle lang po at nka civilian.
After po nilang magkabit ng internet ok na daw po at pag open ko ng browser nkaka net na tapus at umalis na sila agad pero pagkatapus ng ilang minuto biglang nawala ang connection at nag text ako sa kanila na nawala ang internet pero sila na sila bumalik. nag text din po ako sa office nila at sabi nila tumawag nalang daw po ako sa hotline ng smart. paulit ulit nalang po akong tumatawag at hanggang sorry nalang ang sinasabi nila kasi ang problema ko talaga napakabagal ng internet at kadalasan talagang nawawala pa. complain ako ng complain hanggang November 2014 tapus nagpa schedule po sila na pupunta ang technician sa bahay para maayos na ang problem at ilang beses na pong na cacancel. pero one time na tumawag uli ako sa smart dahil hindi dumating ang technician sabi po nila gagawan daw po nila ng paaran hanggang pumunta din sila. pero nung nandun sa sila sa bahay hindi nila magawan ng paraan dahil wala silang items na pamalit sa canopy at humingi sila ng favor na ipa reschedule nlng daw bukas ang pagpunta nila sa bahay para madala nila ang items at pag tumawag daw ang smart sasabihin ko daw po na ako ang nag pa reschedule. tinanong ko din daw sila kung may ibabayad pa ako pag ipapaputol ko nlng ang plan dahil wala kasing maayos na signal at nasabi sakin ng technician na hindi lang daw ako ang magpapaputol sa lugar namin may 3 pa daw at same reason din na wala daw signal kaya pabayaan ko nlng ang mga call ng smart pag tumawag sila sakin yun ang sabi niya.
Nung gabing yun nag text ang smart na na cancel nanaman daw ang schedule at mula noon hindi na ako nag complain sa smart at hindi na ako nagbayad dahil wala din namang silbi kasi wala na talaga ang internet sa bahay at wala silang aksyon. pero panay ang text ng smart na ang bill ko daw tumataas na at nung huling beses na tumawag ang smart sakin mga February or March 2014 yata yun sabi ko na hindi na ako magbabayad at mapapsched daw ulit sila sa pag punta ng technician sa bahay pero hindi na ako pumayag dahil paulit2 nlng yan. tapus nun noong summer yata yun may nag text sakin na abogado daw siya at dapat daw akong magbayad pero hindi ko pinansin. Hanggang kahapon may nag miss call sakin na number at kanina lang nag text siya ulit at eto ang sabi niya.

MR./MS.
Acct#:
Ref#:
OB
Good day! Smart Home Bro (Formerly Smart Broadband) has engaged us to collect out of court and/ or pursue in court your seriously past due outstanding obligation. To spare you embarrassment & cost of litigation, we make this FINAL DEMAND for you to pay within 24HRS from receipt hereof. Failure to comply will constrain us as instructed by our client to institute the filling if a Summary Proceeding in court for speedy resolution. We will also hold you liable for damages and attorney's fee. Please disregard this SMS if payment has been made on this account and advice us accordingly. Thank you

tanong ko lang po meron na po ba kayong kilala na nakassuhan na ng PLDT or Smart. pag talagang kinasuhan po nila ako hindi po ako aatras at lalabanan ko po ang kaso dahil ang nasa contrata pag hindi stable ang internet pwde po akong humingi ng refund pero at ginanawa nila sinisingil pa po ako ng bill na dapat hindi naman kasi ang problema ang connection nila at hindi ko naman talaga ipapuputol ang plan kung maayos naman ang sirbisyo nila eh. tnx po sa pagbasa sa problema ko sana mabigyan niyo po ako ng advice.
 
Huwag kang maniniwala sa mga sinasabi ng pinagpapakabitan mo. Sabi ng nila marami na ang gumagamit nito sa inyong lugar kaya nangangahulugan itong imposible ang sinasabi nila. Sa pagdami kasi ng nakakonek sa isang network ay sa pagbagal din ng koneksyon nito. kung gusto mo ng mabilis na koneksyon huwag kang basta gagaya lang sa iba kasi ang gaya gaya nagdudusa. Ang pinapayo ko sa iyo piliin mo yoong kakaunti pa ang gumagamit dahil doon sigurado kang wala kang maraming kaagaw sa koneksyon. Huwag kang magpapakabit ng koneksyon ng dahil lang sa sikat ito at maraming gumagamit. Kung kakaunti pa o wala pang gumagamit ng Globe sa inyong lugar try mo. Pero kung mayaman ka naman try mo yoong bgan, sa singapore nakakabili noon. Sa singapore din ang sim at sa satelite ito sumasagap ng internet kaya abot hangang pilipinas. Ito sigaurado ka saq bilis dahil hindi lang dahil ikaw lang ang meron kundi dahil mas mataas na teknolohiya ang ginagamit nito. Sana nakatulong ako.
 
Back
Top Bottom