Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi
UNO distributor din ako...
and to be specific DL Maximus Spartan Group po ang group ko..
Magshare lng po ako ng opinion ko regarding sa ganitong business.
Gaya nga nang sabi ng iba. Ang network marketing/multi-level marketing ay hindi po scam, hindi po ito labag sa batas at sa katunayan meron pong ganito sa iba't ibang bansa..
Ngaun, kung icocompare nyo po ang MLM at other jobs/company at timbangin ang MLM na isang pyramiding, think again pare.. Ang structure po ng isang pyramiding business ay triangle from the word na pyramid, ibig sabihin merong nasa taas na kung tinatawag natin ay Manager/Owner/Capitalist o ang may ari ng companya, ang susunod dun ay supervisors/etc hanggang dumating sa employees.
Now, eto malupet, kung iisipin nating mabuti pareho lang ang network marketing sa companies dyan.. Parehong ang structure ay triangle...
Kung tutuusin hindi po kami nagkikidnap para magkapera lang, hindi po kami nag iinvite para magka payin lang, kung networker ka at hindi ka pa lumalago, mali ang landas na tinatahak mo, kaya nga may trainings/five fingers/get togethers para ma enhance ang ating knowledge about sa business.
Eto pa isang example: sinu nga ba ang umaasenso sa larangan nang trabaho? Ang mga empleyado? O mga businessmen? Siyempre mga businessmen, now bakit sila umaasenso? Sa simpleng kaalaman na meron sila, hindi ka naman mapropromote sa isang trabaho kung wala kang willingness na gawin iyon tama?
Pagagalitan na ako nang upline ko neto, sabi kasi sa amin wag maging defensive, at walang talagang pilitan..
Last tip: Hindi ang companya ang mali sa systema na pinapalakad, kung tutuusin perpekto ang mga marketing strategy nang mga MLM dun lang talaga sila sa mga tao nagkaka aberya.
Sa mga ka-UNO dyan, alam naman siguro natin na mali ang pagbenta nang mga items\gadgets nasa rules yan, pero bakit un ginagawa nang iba? kasi diskarte nila yun at kahit pa anung gawin sadyang may mga taong dinudumihan ang pangalan ng kumpanya :no offense: po sa mga ka symbianize natin