Depende yan sa pwesto at mga regular customers mo. i mean.. kung may kalaban kang printing shop din. siyempre adjust ka sa pricing.. or pwede kang maki-flow sa pricing nila. sa mga customers naman.. kung student ang usual na pumu-punta sayo eh dapat presyong estudyante. kung office workers naman ang mga cust mo.. eh ok lang kung doble ang presyo.. yun lang.. maghahanap din yan ng mga student price. so, dapat converted na sa CISS (dye ink) ang printer mo. talo ka pag orig ink ang gamit mo. kung ang ang Printer mo eh 2 in 1 lang (printer & scanner) at walang copier (xerox) wag mo i-ooffer ang scan then copy/xerox.. talo ka diyan. basta iba ang price ng scan sa print.
Student Price ang indicate ko dito.
Scan = P8 (yung ibang printing shops na malapit sa school eh P5 lang, kaya nga sinabi ko na depende sa pwesto mo.. )
Scan/email= Email Plus P4 or P5
print short black= P2
print long black= P3
print short colored = start mo sa price na P5 then pag medyo madami ang colors.. dagdag ka ng P2-P3
print long colored = start ka sa price na P7 then add P2-P3 pag madami colors..
scan diretso print black short full doc = P8 + P2 if may halong image ang docs dagdag ka ng P1-P2/ pero pag plain text lang i-maintain mo sa P2
scan diretso print black A4 full doc = A4 and Short ay hindi nagkaka-layo ng price.
scan diretso print Colored short full doc = (tignan mo na lang yung mga price sa taas)
scan diretso print Colored A4 full doc = (same as above)
print short my logo colored= kung maliit lang naman ang logo.. start add ka from P2 and above
print short my border color = pareho lang sa nilagay ko sa taas pero dagdag ka lang.
print long my border color = ( " " " " " " )
print a4 my border color = ( " " " " " " )
pano po pag pic sa short ipprint= pag maliit lang naman.. like mga 3R (3.5x5inches) ok lang start price ka P7 pag mas malaki at medyo mabigat ang color (pixel/resolution) bahala ka magdagdag.
TIPS FOR PRINTING:
> kung all black lang.. kahit may image.. palagi mo iprint TEXT tab then GRAYSCALE (matipid yun sa black ink)
> pag mag piprint ka ng color na may picture.. at hindi naman need na i-emphasize ang pix.. pwede rin yan sa TEXT tab pero pag need palinawin ang pix.. print it in TEXT & IMAGE tab.
> basta pag sa ordinary paper ang print na may Pix or Image.. wag ka gagamit ng PHOTO or BEST PHOTO tab. kasi mabigat yun. meaning.. malakas at madami ang ilalabas na ink.
> just use PHOTO or BEST PHOTO for Special Paper or Photo Paper (basta Thick ang papel) cause aside from preventing so much inks to dispense.. eh baka tumagos ang ink sa ord. paper.
> if may Cust ka na magpapa-print ng Picture sa Special or Photo Paper.. Always check the Image or Picture Resolution/Pixels first. kasi mataas na resolution.. ay mas malaki at madaming ink dispensing yun.
> much better kung may alam ka sa Adobe Photo Shop or Corel Draw. for editing pictures and formatting text.
> mas ok kung may back-up printer ka. yung printer lang siya (no scanner or copier) kasi pag nagka-problem kas sa scanner mo.. may possibility na ma-damage din ang printer mo. ganon din ang printer sa scanner.. and that is the Disadvantages ng 2 in 1 or 3 in 1 Printers. so meaning.. patay ang negosyo mo pag nagka-diperensiya yan. yung back-up printer na suggest ko.. eh you don't need to convert it into CISS.. kasi hindi naman madaling matuyuan ang Original inks.
sa mga Prices naman ng Papers per Rim mo.. eh pwede na.. pero may mas mura pa diyan. HARD COPY PAPERS ang first choice ng mga Cust. basta i-divide mo ang price ng paper per rim into 500pcs. ang SHORT & A4 dapat hindi lalagpas ng P0.26-0.27 (centavos) per piece. at ang LONG naman.. hindi lalagpas ng P0.30 (centavos) per piece. kung hindi naman lagpas diyan.. Ok na yan.
Lahat ng Prices sa Printing na suggestion ko.. base yan sa CISS. at yan din ang mga prices ko. pero kung ang gamit mo eh Still Orig Inks.. and ok lang naman sa mga Cust mo.. eh take the Price Suggestions of our ka-Symb Kingjerema10.
But still i insist.. Covert it into CISS. "pag mura.. pang masa. dami na parokyano.. mas lalago pa negosyo"
I hope this things would help your business. GOOD LUCK and GOD BLESS..
from "efondo printing shop"