Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Questions about SSD Drive

hindipoakoyun

The Martyr
Advanced Member
Messages
793
Reaction score
2
Points
28
Balak ko sana bumili ng SSD Drive gagawin kong external para mabilis n lng pag copy paste ko sa mga games pag nagfoformat ako ng pc. Okay lang ba yun?

Also anong brand ang.maganda samsung evo?

250gb sana bilhin ko if kaya ng budget.

Anong software pwede ko gamitin para makita kung maganda yung health ng drive?

How much yung 250gb? Thanks po sa sasagot
 
Uu maganda yung Samsung EVO. Meron akong 850 EVO 500GB para sa mga games ko: Assassin's Creed Origins, Middle Earth Shadow of War, Rise of the Tomb Raider, Batman Arkham Knight, GTA V, Company of Heroes 2, Diablo III. 120 GB free pa. 2 years old na.

Kaya lang hindi ko ginawang external. Na-install ko talaga sa SATA port ng mobo ko. Siguro gagawin ko lang siyang external kung walang choice, tulad ng laptop o PS4. Tsaka kung copy lang ang issue, kaya kong maghintay ng ilang araw @ 100 MB/s transfer rate ng HDD. Ang advantage ng SSD ay mabilis mag-load ang mga games, lalo na yung mga open world.

May sariling software ang Samsung para sa health status, Trim status, Rapid Mode - Samsung Magician.

5k ang 250GB sa PCHub.
 
I see. So ginamit mo sya as personal use? Hindi na kasi ako pc gamer eh. Bali pang sideline ko lang sana. May mga external kasi ako na HDD for computer services kaso natatagalan ako sa pag copy paste ng malalaking file. Mahal din pala sya no?
 
Mahirap i-justify ang presyo niyan kung ang purpose mo lang pala eh copy-paste. Buti sana kung SSD to SSD ang transfer kasi nasa around 245-400+ MB/s ang transfer rate. Kaso SSD to HDD yata ang madalas mong scenario. Paano kung USB 2.0 yung pag-kokopyahan mo? 60 MB/s ang max speed nun. Nasa 20+ MB/s lang ang actual.

Sulit ang SSD kung ang purpose mo ay para bumilis ang boot time ng OS, bumilis ang launching ng web browser, Photoshop, etc. o kaya para mabilis mag-load ang maps ng games.

Lagi akong nagta-transfer ng malalaking file dun sa isa kong computer na pang-download. Dalawa lang ang SATA ports nun kaya nilagyan ko ng 120 Sandisk Ultra SSD para sa OS at 6TB Ironwolf NAS HDD para sa data.

Halimbawa, download ako ng 1080p movie worth 8-12 GB. Sa SSD ko muna dina-download tapos transfer ko dun sa HDD. Nasa 130-170+ MB/s lang ang transfer rate. Ganun din ang speed kung HDD to SSD.
 
Normally ssd to hdd nga ang.scenario at most likely syempre normally 2.0 gamit nila sa mobo.

So walang difference ung pagcopy ng files from ssd to hdd? Balak ko kasi lagyan lng ng mga huge games papuntang hdd para atlis madali matapos
 
may hdd ako galing laptop, nilagay q sa enclosure, pero di ko macopy ung mga movies at mga music pic, ec... system reserved lang lumalabas.. ma idea kayu paano macopy mga files ko? :thanks: sa may idea
 
Punta ka sa disk management kung makita mo dun ung hdd mong may enclosure then right click then properties. then change mo ung letter designation niya.
 
Western Digital (WD) Green yung nabili ko at mura lang sya tapos maganda ang performance. 128gb lang binili ko kasi SSD is for OS lang talaga.
 
Back
Top Bottom